Sagot ni VERA Files President Ellen T. Tordesillas sa sinabi ni Pangulong Duterte na siya ay may kanser at nanghihingi ng pera


Nagugulantang ako sa mga maling impormasyun na pinagsasabi Pangulong Duterte tungkol sa akin.

Para sa tamang kaalaman ni Duterte, ito ang totoo:

  • Wala na akong kanser. Matagal na akong gumaling sa sakit na kanser. Taong 2003 pa.
  • Kahit noong ginagamot ang aking kanser, hindi ako humingi ng pera sa ibang tao. Ang tumulong sa akin ay si Jake Macasaet, ang yumaong publisher ng Ang Pahayagang Malaya, kung saan ako nagtatrabaho noon.
  • May dalawang senador na kahit hindi ako humingi, sumulat sa Philippine General Hospital, kung saan ako nagpapagamot, at nagsabing i-credit sa kanilang Priority Development Assistance Fund ang aking bill sa kuarto. Walang cash na binigay sa akin.
  • May dalawang politiko na nagpadala ng cash sa akin. Ibinigay ko ang pera sa PGH Medical Foundation na tumutulong sa mga mahihirap na pasyente sa PGH. Ipinadala ko sa dalawang politiko ang resibo.

Palagi ko sinasama sa aking dasal ang kapakanan ng ating bayan, na sana katotohanan ang mananaig sa isip ng bawat isa sa atin kasama na si Pangulong Duterte.

FOR FURTHER READING

VERA FILES FACT CHECK: Balita sa komento ng oposisyong mambabatas tungkol sa biyahe ni Duterte sa HK NAKALILINLANG

Gumamit ng nakalilinlang headline ang social news blog na Politiko para sa video ng komento ni…

Is Duterte unraveling?

President Duterte never ceases to stun us. Yesterday, he admitted that his story about the offshore…

VERA FILES FACT CHECK: Duterte pinapalaki ang bilang ng mga mahihirap sa PH

Kung saan nakuha ng presidente ang kanyang datos ay hindi malinaw.

About Vera Files

Founded in March 2008, VERA Files is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Contact Us

Email us at [email protected]

MEMBER