Coverage

Mali ang mga pahayag ng U.S. ambassador sa China tungkol sa South China Sea arbitral ruling. Isang ad hoc arbitral tribunal, hindi International Court of Justice, ang nagpasya sa kaso noong Hulyo 2016 at sinabing bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.
House members
Nangangailangan ng konteksto ang pahayag ni Marcos na maraming pulis ang nakulong dahil sa paglabag sa drug laws. Bagama’t may naiulat na 177 pulis na nakasuhan sa ilalim ng Marcos administration, meron lamang dalawang court convictions kaugnay sa drug war ni Duterte.
Bumaligtad na naman si dating pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon niya sa pag-amyenda ng 1987 Constitution nang sabihin nitong pagpapalawig ng termino ni Pangulong Marcos ang layunin ng pagbabago. Dalawang linggo ang nakaraan, pabor daw si Duterte sa Cha-cha pero hindi dapat makinabang ang mga nakaupo kasalukuyan at ang mga mahahalal sa susunod na eleksyon. Noong Enero, perpekto daw ang Konstitution at walang rason na baguhin ito.
Nakapanliligaw ang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas sa ilalim ng drug war dahil itinatag umano ito para magbigay ng hustisya sa mga bansa na walang hukuman. Layunin ng ICC na punuan ang mga lokal na sistema ng hustisya, hindi palitan ang mga ito, at mag-usig ng mga kaso kung ang estado ay hindi kaya o ayaw na gawin ito.
Hindi bababa sa tatlong desisyon ng Korte Suprema ang nagsasabing may ill-gotten wealth ang pamilyang Marcos, gaya ng $658-milyon na Swiss bank deposits, $3.37-milyon na assets ng isang pekeng korporasyon na pag-aari ni Marcos Sr., at ang mga alahas sa Malacanang collection na nagkakahalaga ng $110,000. Sa tatlong hatol, iniutos ng Korte Suprema na bawiin ang mga ito pabor sa pamahalaan ng Pilipinas.
Isa si Sen. JV Ejercito sa limang senador na pumirma upang pigilan ang contempt order para arestuhin si Quiboloy. Sabi ni Ejercito, hindi siya sang-ayon sa contempt order dahil meron nang kaso ng sexual abuse at qualified trafficking laban kay Quiboloy sa Department of Justice.
-