VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa presidential pardon na ibinigay kay Pemberton

Basahin sa Ingles

Noong Set. 7, ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang absolute pardon ay United States marine Joseph Scott Pemberton, na nahatulan sa kasong homicide at sinentensiyahan ng anim hanggang 10 taon na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa Pilipinong transgender na babae na si Jennifer Laude noong 2014.

Narito ang apat na bagay na kailangan mong malaman tungkol sa kaso:

1. Ano ang absolute pardon?

Binibigyan ng kapangyarihan ng 1987 Constitution ang pangulo na patawarin ang mga bilanggo "pagkatapos na mahatulan sa panghuling paghuhukom." (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Five things you should know about presidential pardons)

Ito ay isang “act of grace" mula sa chief executive na "pinatawad [ang] tao sa ibinigay na parusa" para sa ginawang krimen, ayon sa isang ulat ng Department of Justice (DOJ) noong 2003.

Mayroong dalawang uri ng presidential pardon: conditional, na ipinagkakaloob sa mga nagsilbi ng hindi bababa sa kalahati ng minimum na orihinal na sentensya; at, absolute, para sa mga nakapagsilbi na ng maximum na sentensya, pinalaya, at nakatanggap mula sa korte ng pagwawakas ng probation.

Kapag ang isang nahatulan na tao ay nabigyan ng absolute pardon, ang kriminal na pananagutan ng tao ay ganap na tinatanggal "nang walang anumang kundisyon," sa gayon ay ibinabalik ang buong karapatang sibil at pampulitika, ayon sa primer ng Parole and Probation Administration (PPA), isang ahensya sa ilalim ng DOJ.

Gayunpaman, hindi nito "binubura ang nagawang krimen at hatol sa nagawang pagkakasala," ayon sa desisyon ng Supreme Court noong 1989 sa kaso ng Monsanto v Factoran Jr. Nakasaad sa desisyon na:

Pardon implies guilt...It does not wash out the moral stain. It involves forgiveness and not forgetfulness (Ang pardon ay nagpapahiwatig ng pagkakasala ... Hindi nito natatanggal ang bahid na moral. Ito ay tungkol sa pagpapatawad at hindi pagkalimot)."

Mga Pinagmulan: Lawphil.net at Chan Robles Virtual Law Library, G.R. No. 78239

Upang maging kwalipikado para sa absolute pardon, kailangang ang tao ay:

Ang aplikasyon ng isang nahatulan na tao na nabigong matugunan ang unang pamantayan ay maaari ring isaalang-alang kung siya ay nagnanais na maitalaga o mahalal sa posisyon, nangangailangan ng medikal na treatment sa ibang bansa na hindi maaaring gawin sa bansa, handang kumuha ng anumang eksaminasyon ng gobyerno, o pangingibangbayan, ayon sa isang service manual mula sa DOJ at PPA.

Maliban sa mga ito, ang Board of Pardon and Parole, na may tungkulin na suriin ang lahat ng mga aplikasyon para sa pardon, naglilista ng hindi bababa sa 13 mga kinakailangan sa dokumento, kabilang ang mga clearance mula sa pulisya, National Bureau of Investigation, at mga korte sa lugar kung saan naninirahan ang petitioner, at isang paunawa o komento mula sa nasaktan na partido, upang maproseso ang isang aplikasyon.

Gayunman, sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete, sa panayam noong Set. 8 sa ABS-CBN Teleradyo, na hindi kailangang dumaan ni Pemberton sa karaniwang pamamaraan dahil si Duterte, "batay sa kanyang pagpapahalaga sa mga katotohanan at mga argumento," ay nagbigay ng pardon sa Amerikanong serviceman kahit walang aplikasyon.

Sinabi ni Perete na ang pamamaraan para sa "karaniwang" mga aplikasyon ng pardon ay hindi nagbabawal sa pangulo na magbigay ng naturang executive clemency.

2. Tungkol saan ang kaso ni Pemberton?

Ang absolute pardon na ipinagkaloob kay Pemberton ay nag ugat sa hatol kaugnay ng kanyang pagpatay sa 26-taong-gulang na si Laude sa isang kuwarto sa motel sa Olongapo City, Zambales, noong Oktubre 2014.

Noong Disyembre 2015, ang sundalong Amerikano ay napatunayang nagkasala ng homicide sa pagpatay kay Laude sa pamamagitan ng paglublob ng kanyang ulo sa toilet bowl sa kwarto ng motel. Sa mga paglilitis sa korte, inamin niyang sinakal niya si Laude bago niya kinaladkad sa banyo matapos malaman na siya ay isang transgender na babae habang nakikipagtalik.

Si Pemberton ay una nang hinatulan ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 ng anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo, ngunit sa kalaunan ay nabawasan ito hanggang 10 taon. Inatasan din siyang bayaran ang pamilya ni Laude ng P4.65 milyon bilang civil, moral, at exemplary damages, at iba pang gastos.

Dahil sakop siya ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng U.S., ginugol ni Pemberton ang kanyang buong sentensya sa solitary confinement sa isang espesyal na pasilidad ng militar sa Camp Aguinaldo. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag)

Noong Hunyo 2, binawi niya ang kanyang huling apela sa harap ng SC sapagkat kanyang "tinanggap [at] at kinilala [d]" na ang hatol ay "final at executory," ayon sa isang resolusyon ng SC Third Division na isiniwalat sa media nito lamang huli ng Agosto.

Pagkalipas ng tatlong buwan noong Set. 1, binigyan si Pemberton ng isang maagang pagpapalaya ng parehong korte ng Olongapo sa kabila ng halos limang taon lamang niyang pagsilbi sa kanyang anim hanggang 10 taong sentensya.

Nagpasiya ang korte na ang dapat na good conduct time allowance credits ng sundalo — isang pagbawas sa sentensya sa ilalim ng batas ng Pilipinas para sa mga bilanggo na nagpapakita ng mabuting pag-uugali — ay nagpakita na nagsilbi na siya ng 10 taon, isang buwan, at 10 araw sa bilangguan. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Understanding good conduct time allowance for prisoners: 4 things you should know)

Nag apela ang pamilya Laude at ang kanilang mga abugado sa korte kaugnay ng desisyon, na sinasabing walang batayan o record na ipinakita na nagpapatunay na si Pemberton ay talagang nagpakita ng mabuting pag-uugali sa loob ng kanyang selda.

Ang proseso ng hudikatura ay natigil nang bigyan ni Duterte ng absolute pardon si Pemberton wala pang isang linggo matapos na ilabas ang utos ng korte ng Olongapo. Ang desisyon ng pangulo ay isang pagbaligtad sa naunang posisyon ng Palasyo. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Malacañang bumaligtad sa pagpapalaya kay U.S. marine Pemberton)

3. Ano ang mangyayari pagkatapos ng pardon?

Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na nilagdaan na nito ang order para sa paglaya ni Pemberton matapos matanggap ang opisyal na kopya ng kanyang absolute pardon mula sa DOJ noong Set. 10.

Pagkatapos ay nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa DZMM na mananatiling nakakulong si Pemberton sa Camp Aguinaldo, ngunit ang pag-iingat sa kanya ay ipauubaya ng BuCor sa mga opisyal ng Immigration para sa deportation.

Sinabi ni immigration chief Jaime Morente noong Set. 9 na agad ide-deport si Pemberton sa sandaling siya ay mapalaya at ipasa sa kanyang ahensya mula sa BuCor. Sinabi ni Morente na si Pemberton ay mayroong standing deportation order dahil sa pagiging isang “undesirable alien" na inilabas ng board of commissioners ng BI noong Set. 16, 2015.

4. Paano tumugon ang kampo ni Laude?

Sa isang pahayag na nai-post sa Facebook noong Set. 7, “mariing tinuligsa” ng abugado na si Virginia Suarez, tagapayo sa pamilya Laude, na nagsasalita sa ngalan ng kanyang mga kliyente, ang desisyon ni Duterte, na tinawag nitong "isang panunuya sa ating judiciary at legal system [at] isang paghamak sa soberanya at demokrasya ng Pilipinas.”

Sinabi niya na ang kaso ni Laude ay "sumasalamin sa sistematikong diskriminasyon at karahasan na idinulot ng [U.S.] sa mga kababaihang Pilipino, bata [,] at LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) na komunidad.”

(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: The LGBTQ community in the eyes of Rodrigo Duterte)

Sa isang pakikipanayam sa ABS-CBN Teleradyo kinabukasan, kinontra ni Suarez si Duterte sa pagkampi kay Pemberton, na sinasabing magkakaroon ng "mas maraming Jennifer Laude" habang inuuna ang interes ng mga dayuhan.

Pinasinungalingan ng abogadong si Romel Bagares, miyembro ng Center for International Law (CenterLaw) at abogado ng pamilyang Laude, ang pahayag ng pangulo na si Pemberton ay hindi itinrato nang patas, na sinasabing ang Amerikanong marino ay "binigyan talaga ... ng mga espesyal na pribilehiyo" sa Pilipinas sa ilalim ng VFA.


Mga Pinagmulan

On absolute pardon

Definition of absolute pardon

Process and qualifications of absolute pardon

On Pemberton’s case

Conviction of Pemberton

Pemberton admitted choking Laude

Pemberton’s sentence reduced

Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines, February 10, 1998 | GOVPH

Pemberton withdraws SC petition

Pemberton granted early release

Laude camp appealed Pemberton’s early release

Presidential Communications Operations Office, President Duterte on Pemberton's pardon: I'm not favoring anybody, Sept. 8, 2020

RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 9/3/2020, Sept. 3, 2020

Sources for TIMELINE: The early release of convicted US marine Pemberton

On what’s next after the pardon

ABS-CBN News, Pemberton hopes to go back to school after Duterte pardon: lawyer | Headstart, Sept. 8, 2020

ANC, Pemberton lawyer thanks Duterte for absolute pardon, assures he won't be 'spirited away' from PH, Sept. 8, 2020

BuCor releases Pemberton

Pemberton to remain in Camp Aguinaldo

BI to deport Pemberton immediately

BuCor started processing Pemberton’s release

GMA News, Dobol B Sa News TV Livestream: September 8, 2020 | Replay, Sept. 8, 2020

BuCor updated Pemberton’s records

On the Laude camp’s response

Laude’s lawyer Atty. Virginia Suarez official Facebook account, This is revolting!, Sept. 7, 2020

ABS-CBN News, Duterte can’t fight foreign power, Laude camp says after Pemberton pardon | TeleRadyo, Sept. 8, 2020

ABS-CBN News Channel, The camp of slain transgender woman Jennifer Laude rejected President Duterte's claim, Sept. 8, 2020


(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

FOR FURTHER READING

VERA FILES FACT SHEET: What you need to know about Pemberton's presidential pardon

On Sept. 7, President Rodrigo Duterte granted absolute pardon to United States marine Joseph Scott…

VERA FILES FACT CHECK: Malacañang bumaligtad sa pagpapalaya kay U.S. marine Pemberton

Sa loob lamang ng apat na araw, nagbago ang posisyon ng Palasyo mula sa pagtawag na "judicial…

VERA FILES FACT CHECK: Malacañang does about-face on releasing convicted U.S. marine Pemberton

In just four days, the Palace went from calling a local court’s decision to free United States…

About Vera Files

Founded in March 2008, VERA Files is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Contact Us

Email us at newsroom@verafiles.org

MEMBER