Coverage

Bagaman walang binanggit si Marcos na basehan sa kanyang sinabi, ipinakikita sa datos mula sa Commission on Human Rights na may naitalang 1,608 HRVs noong 2023, bumaba ito ng 4.51% lamang mula 1,684 noong 2022.
Mapanlinlang ang sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na puwede pang inumin ang expired na gamot. Mali ang binanggit niyang impormasyon hinggil sa isang pananaliksik ng U.S. FDA na naglayong patagalin ng suplay ng gamot ng gobyerno. Naglabas ng abiso ang U.S. FDA na huwag inumin ang expired na gamot dahil sa mga posibleng komplikasyon na maidudulot nito.
Mali ang mga pahayag ng U.S. ambassador sa China tungkol sa South China Sea arbitral ruling. Isang ad hoc arbitral tribunal, hindi International Court of Justice, ang nagpasya sa kaso noong Hulyo 2016 at sinabing bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.
House members
Nangangailangan ng konteksto ang pahayag ni Marcos na maraming pulis ang nakulong dahil sa paglabag sa drug laws. Bagama’t may naiulat na 177 pulis na nakasuhan sa ilalim ng Marcos administration, meron lamang dalawang court convictions kaugnay sa drug war ni Duterte.
Bumaligtad na naman si dating pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon niya sa pag-amyenda ng 1987 Constitution nang sabihin nitong pagpapalawig ng termino ni Pangulong Marcos ang layunin ng pagbabago. Dalawang linggo ang nakaraan, pabor daw si Duterte sa Cha-cha pero hindi dapat makinabang ang mga nakaupo kasalukuyan at ang mga mahahalal sa susunod na eleksyon. Noong Enero, perpekto daw ang Konstitution at walang rason na baguhin ito.
Nakapanliligaw ang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas sa ilalim ng drug war dahil itinatag umano ito para magbigay ng hustisya sa mga bansa na walang hukuman. Layunin ng ICC na punuan ang mga lokal na sistema ng hustisya, hindi palitan ang mga ito, at mag-usig ng mga kaso kung ang estado ay hindi kaya o ayaw na gawin ito.
-