VERA FILES FACT CHECK: Duterte, Locsin inulit ang pahayag na ang pagkubkob sa Marawi ay dahil sa operasyon laban sa droga
Hindi mga iligal na droga ang opisyal na dahilan ng giyera na nagwasak sa Marawi City noong 2017, ngunit ito ang sinabi nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. sa labas ng bansa sa magkahiwalay na pahayag, ilang araw lamang ang pagitan.