VERA FILES FACT CHECK: Panelo iniba ang dahilan sa pagbabawal kay Robredo na pumunta sa pagpupulong ng gabinete noong 2016
Mali ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na si Vice President Leni Robredo ay sinabihang “huwag nang dumalo” sa mga pagpupulong ng gabinete noong 2016 dahil ayaw ng pangulo na “mapahiya” siya sa harap ng iba pang mga miyembro ng Gabinete.