Courtesy of PROBE PROFILES
SEN. Francis “Chiz” Escudero wants to be the country’s youngest president. He seemed ready to join the 2010 presidential derby, but party politics got in the way and the much-anticipated declaration turned out to be an announcement of a split with his party, the Nationalist People’s Coalition.
Escudero has asked his supporters for more time to mull over his political options.
The glib, 40-year-old senator surprised everyone with his move, which he and his supporters described as his first test of character.
In a one-on-one interview with Probe Profiles host Cheche Lazaro, Escudero reveals more about himself as talks about his personal and professional background, his approach to politics and governance, and his vision of how and where he wants to lead the country. The following is the transcript of the Escudero interview. (For a behind-the-scenes look, visit http://probeprofiles.multiply.com)
Q: Chiz, pakikwento sa amin mula sa umpisa. Saan ka ba pinanganak?
A: Pinanganak ako sa Maynila. Ang nanay at tatay ko, ang pangalan Evelina at saka Sonny Escudero. Evelina Guevara ang pangalan ng nanay ko bago sila kinasal. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid.
Q Tatlo lang kayo? Ikaw lang ang lalaki?
A: Middle child without the syndrome.
Q: Bakit ka without the syndrome?
A: Wala dahil okay naman kami na lumalaki kami, walang espesyal, average, sa aming tatlo.
Q: You were saying, average ang family niyo?
A: Average. Ika nga, walang espesyal, walang dagdag, wala rin namang kulang. Pero normal, ika nga.
Q: Oo. Pag sinasabi mong normal at saka average lang do you consider yourself rich, poor, what?
A: Middle class. Dahil ang tatay at nanay ko, mula nang kinasal sila tumira ang tatay ko sa bahay ng maternal grandparents ko kasi yung maternal grandparents ko, sila Lolo Pisyong at Lola Bana, sa Kitanlad Street kami nakatira noon. Nung kinasal yung kanyang mga anak, sabi niya, “Dyan na lang kayo magpatayo ng bahay.” So yung dating garahe, naging bahay namin. Yung dating swimming pool, naging bahay nung isang auntie ko. Yung dating garden, naging bahay naman nung isa pang auntie ko.
Q: So parang naging compound kayo dun sa lugar na yun?
A: Parang naging compound ng hindi pinaplanong gano’n. Maganda do’n. Kumpleto kami palagi tuwing may lalaruin kami. Agawang base, kumpleto kami sa tao. Patintero, kumpleto kami sa tao. Piko, kumpleto kami sa tao. Tumbang preso, kumpleto pa rin.
Q: Masaya ba kayo bilang magkababata, at uh–
A: Magpipinsan.
Q: Magpipinsan?
A: Oo dahil halos pare-pareho yung edad, ang agwat ay hindi lalayo ng siguro lima hanggang walong taon sa pagitan ng magpipinsan. At ang abangan ng lahat kapag pinayagan nang lumabas ng mga nanay at tatay eh maglalaro nang lahat pagdating ng hapon.
Q: When the cat is away, the mouse will play? Pilyo ka ba nung bata ka?
A: Hindi naman masyado, ayon sa nanay ko dahil hindi ko naman binigyan ng gaanong problema, hindi naman ako naaksidente ng todo maliban sa isang beses na nung nasa Baguio kami, dumudungaw ako sa may labahan at nahulog ako more or less ten feet down.
Q: Bakit? Nataob ka?
A: Nataob siguro. Kalikutan siguro ng konti. Pero shoot ako sa balde. Literally.
Q: Talaga? Ilang taon ka nun?
A: Siguro mga five, six years old? Shoot sa balde.
Q: Pasok na pasok?
A: Ang nakita ko na lang litrato ko nung nasa ospital at nakahiga.
Q: Ganun? Natatandaan mo pa yun?
A: Base sa mga litrato, natatandaan kong dumudungaw ako, pero hindi ko na naalalang shumoot ako sa balde. Siguro naman kasi pag hindi, wala siguro ako dito ngayon. At yung litrato sa ospital ang nagbibigay sa akin ng alaala na yun.
Q: Ano yung mga ambisyon mo nung bata ka, nung lumalaki ka? Anong gusto mong maging?
A: Ayon sa mga magulang ko, ang sinasabi ko nun, gusto ko daw maging presidente. Pero, habang tumatanda ako, siyempre nagiging makatotohanan ka. Paa mo’y nasa lupa. At nawala yun nung lumaki na ako at habang lumalaki ako.
Q: Ano bang kwento nila, bakit gusto mong maging presidente. Ano yung mga katangian na nakikita nila sayo na, “Etong batang ‘to, gustong maging presidente.”
A: Wala. Kaya nga kathang-isip at panaginip ng bata, walang basehan, walang pinanggalingan at hindi alam kung anong naisipan. Kaya nung nag-apply ako dati sa UP College of Law, nakalagay dun sa information sheet, “Childhood ambition.” Yun ang nilagay ko dun. At nung interview, tinanong ako nung nag-iinterview, tinanong ako in the negative.
Q: Bakit?
A: Nalito ako ng konti at kinabahan, so nung nasagot kong negative, nagmukhang oo ang sagot ko, na gusto ko pa maging. For the next thirty, forty-five minutes, kaliwa’t-kanang tanong at bugbog na, “Anong karapatan mo? Bakit ikaw?” Eh hindi ko na mabago yung sagot ko dahil turo sa ‘kin na, advice sa akin sa interview, pag may tinayuan kang posisyon, yun na yun, at wag mong bibitiwan.
Q: Nung lumalaki ka ba, balik ulit tayo do’n, ano, strikto ba yung mga magulang mo? Ano yung, pa’no sila magpalaki sa mga anak nila?
A: Hindi naman ga’no kasi parehong nagtatrabaho nanay at tatay ko–
Q: Bilang?
A: Tatay ko nun, teacher sa College of Veterinary Medicine sa UP. Naging Dean siya later on. Ang nanay ko, kung saan-saang pribadong kumpanya nagtatrabaho. Tapos nagtrabaho rin sa UP Home Economics bilang teacher din. So ang kasama ko halos buong araw, yung yaya ko na matagal nang panahon na umalis, iniwan kami nung nagpakasal siya, na sino ba naman para pigilan yun.
Q: Oo, so laking yaya kayo, in other words.
A: Dahil nagtatrabaho ang aking mga magulang. Dun din ako natutong manood ng pelikulang Pilipino sa yaya ko dahil siyempre, siya ang boss, siya ang (CLL: Siya ang may-ari ng TV), syempre iisa lang yun, yung may, kung maaalala niyo, yung may gate pa, yung may takip.
Q: Yes. Talaga?
A: Yung may takip na black and white, at yung channel at lilima lamang. Tuwing hapon, merong mga pelikula nun na ang tawag ay Piling-piling Pelikula. Yung puro mga Tagalog movies, sila FPJ, Rogelio dela Rosa, yun yung mga obligado kaming panoorin nung mga panahong yun.
Q: Bakit, Inglisero ba yung pamilya niyo?
A: Hindi.
Q: Talagang Tagalista? Talagang Tagalog.
A: Pilipino, Tagalog ang ginagamit namin–
Q: Pero sabi mo, natuto kang magTagalog dun sa mga sineng pinapanood mo?
A: Mula dun. Dahil hindi naman balarilang Pilipino o Tagalog ang ginagamit ko kundi yung conversational na galing sa pelikula. Hindi naman kolokyal.
Q: Okay.
A: Ang tawag ko sa tatay ko ay Tatay. Yung nanay ko lang medyo naging imported ng konti, naging Mommy. Pero mula’t mula, Tatay ang tawag ko sa tatay ko. Kaya nung tumakbo ako nung una sa Sorsogon, siyempre, tatay ko pa rin siya, so ang tawag ko palagi, Tatay. So, “Nasaan si Secretary?” “Ah, si Tatay? Andun, nandyan.” Siyam na taon yun. Kaya ngayon, nung tumakbo ang tatay ko ro’n, ang tawag na ng mga tao sa kanya na inabutan niya, “Tatay” na silang lahat sa tatay ko.
Q: Tinanggalan mo ng titulo, Tatay nalang lahat!
A: Kahit baranggay captain, kagawad, mayor, Tatay na ang tawag sa kanya
Q: Dahil sayo.
A: Eh yun naman kasi ang tawagan.
Q: Anong mga natatandaan mo tungkol sa tatay at nanay mo nung ikaw ay lumalaki, maliban sa nagtuturo sila?
A: Ang tatay ko, strikto at dedikado sa ginagawa niya. Nandoon siya kapag ka, ika nga, malaki na yung sunog o malaki na yung problema. Pero hangga’t maaari, nagtatrabaho lang siya ng tahimik. At hindi kasi kami masyadong ma-emosyonal na pamilya eh. So, hindi kami parang medyo nakatataas na nagbebeso-beso pag nagkikita. Hindi kami nagsasabihan ng “I love you” pag nagkikita.
Q: Ano, were you trained to be, what do you call this, to keep your emotions in check?
A: Hindi naman siguro trained, pero yun yung kinalakhan ko. Nagbago-bago lang siguro yun ng konti nung kinasal na ‘ko at yung misis ko, si Tin, nagbebeso-beso bigla. So, kami, medyo, “Ay.”
Q: San mo na-meet pala si Tin?
A: Na meet ko siya, kumakanta siya sa Sulo Hotel. Nag-aaral siya at kumakanta at the same time, sinusuportahan niya ang sarili niya. Abugado na ‘ko nun. Ang tambayan kasi ng mga abugado ang Sulo Hotel, (CLL: Sa Quezon City) Opo.
Q: Okay. So nagtatambay ka dun? Anong nagustuhan mo sa kanya?
A: Maliban sa kagandahan sa boses, masarap kausap.
Q: Palikero ka ba? Madami ka bang girlfriend?
A: Dalawa lang ang naging girlfriend ko bago ako kinasal. Pangalawa na yung misis ko. Yung una kong girlfriend, siyam na taon kaming mag-on o mag-boyfriend-girlfriend. Kami ng misis ko, bago ko kinasal, limang taon kaming mag-on din bago kami kinasal.
Q: Did you have any form of rebellion when you were growing up?
A: Wala. Babalikan ko yung sinabi ko kanina. Normal at average.
Q: Boring!
A: Pwede mong sabihin sa kabilang banda yun, pwede rin namang sabihing payapa at hindi magulo.
Q: Nung mga student protests, how old were you when Marcos came into office?
A: Hindi pa ako pinaanganak nung naging presidente si Marcos nung 1965.
Q: But, of course, he was there for twenty years.
A: From 70s, nasa elementary ako nun.
Q: Aware ka ba? Were you a precocious child that you were aware of things that were happening around you?
A: Nag-oobserba at nagmamatyag ako, pero intindihin, intindihin mo rin sana kung saan ako nanggaling. Ang tatay ko nanilbihan bilang ministro ni Marcos. So, nung mga una-una kong araw sa UP, gusto kong makisama at makisali, pero ang tingin sa ‘kin ng marami doon ay parang, “Anong ginagawa nito dito?” Dahil nga alam nila na ang tatay ko ay ministro ni Marcos nung mga panahong yun. So gustuhin ko man o hindi, tila hindi kumportable nung mga panahong yun na malaking kwestyon para sa akin, dahil ang ama, ang lolo at ang anak palaging magkakaiba. At hindi naman yata tamang may tatak sa noo ang pagtingin ng kahit sinong tao sa kapwa niya na yan ay kulay dilaw, yan ay kulay pula, yan ay kulay asul, –hindi ako–sumang-ayon dun
Q: So, kayo, magkasalungat ba yung inyong mga pananaw, lolo, daddy mo saka ikaw? Tatay mo saka ikaw?
A: Hindi naman. Yung lolo ko ay hindi pumasok sa pulitika. Tatay ko lang. Kaugnay ng pagkakaroon ng salungat sa posisyon, marahil meron. Pero hindi rin kasi namin pinaguusapan ng tatay ko. Ang tatay ko, napaka-ingat kaugnay sa pagbibigay ng mga opinyon niya sa dapat o di ko dapat gawin. Mula nung tumakbo ako hanggang ngayon, napaka-ingat niya sa bagay na yun. Palaging napakaraming pasakalye na, “Alam mo, ito, opinyon ko lang, di naman talaga ganyan…”
Q: He tiptoes around political issues?
A: Na ako pa yung nagsasabing, “Tay, pwede ba, ano yun?”
Q: Ah ganun?
A: “Ano yun, okay lang.”
Q: Bakit siya ganun? It’s not the nature of his person?
A: Siguro maingat siya na hindi ako masyadong, masapawan o malagay sa ilalim ng anino niya sa lahat ng panahon. Maski na yung una kong pagtakbo. Ni isang speech, walang binigay ang tatay ko para ikampanya ako. Hindi siya tumayo sa maski na anong stage o tribuna, ang tawag sa amin, para sabihing, “Iboto niyo ang anak ko.”
Q: Talaga? Di ka tinulungan?
A: Secretary siya nung panahon na yun ni Pangulong Ramos. At may trabaho rin siyang dapat gampanan. Umuwi siya buong eleksyon siguro mga tatlong beses lang. Siyempre, bumoto. Ni hindi pa nga naniniwala yung tatay kong marunong akong mag-Bicol dahil Tagalog nga kami sa bahay. Una niya ‘kong napakinggan magsalita ng tuluy-tuloy sa salitang Bicol meeting de avance na nagsalita ako ng kulang-kulang isang oras ng derechong Bicol at uhm, nakita ko yung mukha niyang naka-nganga.
Q: Ikinagulat niya yun?
A: Dahil kuwento lang siguro sa kanyang marunong akong magsalita, pero hindi naman niya naririnig dahil kapag kaming dalawa nag-usap sa bahay Tagalog.
Q: Okay, yung pagpasok mo sa pulitika, Chiz, pa’no nangyari yun? I mean, sinundan mo ba yung yapak ng tatay mo o how did you get interested in politics?
A: Bata pa lang ako, interesado na ‘ko sa larangang ito. Nung 1984, ako ang tiga-dikit ng poster ng tatay ko. Sobrang nangitim ako at napagod. Kaya kalahati nung kampanya nung 1984 nung tatay ko, naging budegero niya ako. Ako yung tiga-check ng supplies na, “O, yung adidas, padalhan si gan’to, yung bigas, padalhan ng gan’to para may mapakain. Yung posters dapat may maiwan hanggang sa huling araw ng eleksyon, konti-konti lang ang bigay.”
Q: Ilang taon ka na nun?
A: Mga fourteen years old ako nun, fifteen years old.
Q: Okay. Nag-enjoy ka?
A: Oo. Ako lang sa mga kapatid ko sa katunayan ang umuwi nung mga panahong yun.
Q: Para mangampanya?
A: Para magdikit ng poster gamit namin gawgaw, gigising kayo ng madaling araw, iinitin yun dahil pagdating ng hapon, di na didikit yun pag malamig na at malagkit na yun. May dala kayong kahoy, magka-camping-camping kayo, papainitin ulit para makaikot kayo ulit buong araw.
Q: Pero nangangampanya ka ba o taga-dikit ka lang ng poster?
A: Dikit lang.
Q: Ah, dikit lang. Di ka sumasama sa rally?
A: Nung 1987, ako naman ang nanguna ng mga grupo ng mga kabataan para sa tatay ko. Yun yung “Ikot.” Yun yung rally, yun yung salita, yun yung house-to-house. Nung 1992–
Q: Teka, ilang taon ka nung nagrarally ka?
A: 1987, siguro po, mga plus three, mga seventeen. Eighteen.
Q: Nagsasalita ka na nun, nagtatalumpati ka nun?
A: Sa maliit na grupo, pero Tagalog ang salita ko nun. Nung 1992, ako na yung nasa headquarters ng tatay ko, bahay namin dun. Wala naman din kasi akong bahay dun. Kwarto lang meron ako, kwarto sa bahay ng tatay ko. Ako yung nasa headquarters. Ako na yung humaharap sa tao. Ako kumakausap sa kanila pag nagpupunta sa bahay, kung anong kailangan, kung pa’no kami makakatulong. Ako na rin nagdi-dispatch ng mga sasakyan, “O, padikit kayo dun, padikit kayo dyan.”
Q: Nag-enjoy ka? Anong nagustuhan mo do’n?
A: Iisa lang siguro. Na hindi mo alam kung sinong makakaharap at kung anong mangyayari bukas. Mahirap naman kasing gigising ka isang araw at alam mo na mula paggising mo hanggang sa pagtulog mo na yun at yun pa rin. Ang nakaka-excite sa larangang ito, hindi mo alam kung anong darating. Di mo alam kung anong mangyayari. Binibigyan ka ng rason para gumising at harapin anumang hamon ang pwedeng ibato sayo.
Q: Yung tatay mo naging role model mo sa pagka-hubog ng inyong political career?
A: Oo, pero kasabay yung tama at mali, kung meron man, kasi yung iba yung maganda o di maganda, kung meron man. Para tularan kung maganda at tama, iwasan o bawasan yung mali at di tama. By 1995, ako na yung nag-handle ng printing ng mga sample ballot, pagdistribute sa mga iba’t-ibang nangangampanya para may pinapamigay sila. Pagkausap sa ilang kandidato, yung arrangement, di ba, sa sample ballots, sinong una, sinong dehado, ilagay natin sa una, uhm, ganun. By 1998, ako na yung kandidato.
Q: So in a sense naging political strategist ka ng tatay mo?
A: Hindi, hindi ganun kalalim. Isa lang ako sa mga nagtatrabaho para sa kanya. Hindi ganun kalalim.
Q: Pero nakasandal ba yung tatay mo dun sa, “O, si Chiz ang gagawa nito.” Yung, sinabi ba sayo na, “Ikaw ang bahala dyan ha?’
A: Walang ganun. Hinanap ko lang ang kumportable akong gawin. Pag may nagsuggest, “Hoy, ikaw na lang dito” na hindi nanggagaling sa tatay ko. Ulitin ko, hindi kami gaanong (CLL: Close?) nag-uusap nang malalim kaugnay sa mga ganyan, tulad siguro ng ibang mga pamilyang nasa pulitika, na bawat hakbang, bawat galaw, pinag-uusapan, dinidikta, sinasabi. Kami, hindi. Hindi kami naging ganun. Kampanya man niya o kampanya ko, hindi kami naging ganun.
Q: Hindi ka kinampanya ng tatay mo, I mean, hindi siya, well, of course–
A: Tatlong eleksyon ang tinakbuhan ko, ni isang tribuna o stage na nagsalita siya, wala.
Q: Sumama ba loob mo dun?
A: Hindi. Nung simula, nung una, slight, medyo, siyempre. Pero, naging mas matamis kasi yung tagumpay nung una. Matapos niyang, matapos kong danasin yun. Sigurado ako, kinampanya naman ako ng tatay ko sa likod. Alam niya yan, pakikipag-usap, pagtawag siguro sa kung sino, pero yung open at aktwal na pag-endorso’t pagkampanya niya sa media, sa radyo, sa TV o sa stage, hindi niya ginawa.
Q: Balik tayo dun sa panahon ni Marcos, no? So, your father was a distinguished cabinet member then, agriculture, no?
A: Yes.
Q: Oo, tapos kay Marc–kay Ramos naging cabinet member din siya. Mahaba yung kanyang karera doon. Dun sa time na meron ka nang malay tungkol sa mga isyu, di mo ba kinausap ang tatay mo tungkol kay Marcos? Were you for or against Marcos?
A: Hindi. Hindi ako ganun ka-politically- (CLL: Aware) sabihin na nating aware nung mga panahong yun dahil nga hindi ako nakapasok at pinapasok sa ilang mga grupo’t organisasyon nung high school man ako o sa UP, college, dahil sa kinabibilangang grupo ng tatay ko mismo–
Q: You were ostracized?
A: Hindi naman. Pero hindi rin naman welcome. Siyempre, may mga nagpaplano na iba’t-ibang grupo, pag makikitang andyan ang anak ni Minister Escudero, ano naman ang gagawin mo? At by that time, in 1986, ni hindi pa ako nakakaboto.
Q: Pero didn’t your father, did you or he feel that you were being ostracized on account of him?
A: Gaya nga ng sabi ko, mula noon hanggang ngayon, hindi naman kami nag-uusap tungkol sa pulitika niya o tungkol sa pulitika ko. Ginagalang ko ano mang paniniwala niya, ngayon, maging noon, siguro ngayon, ganun din siya. Uhm, ang nakakalungkot lang yung ma-ostracize-ostracize ngayon. Naaalala ko nung 1992, tatakbo sana ako bilang Law Student Government president ng UP College of Law. Papunta akong fourth year, fourth year nun. Yung partido ko na parang administration party kumbaga, yung ruling party (CLL: ng College of Law) sa college, nagdebate kung ako nga ba ang pipiliing nominado bilang pangulo ng Law Student Government. Hindi nila ako pinili noon sa isang dahilan: anak daw ako ng tatay ko. Dahil sabi nila, 1992, di naman yata tama ito na ang magiging Law Student Government president ay anak ng naging ministro ni Marcos. Ang naging sagot ko nun sa kanila ay, ‘May tatak na lang ba sa noo palagi ang bawat tao? Pa’no tayo magkakaisa kung bawat isa ika-categorize ninyo, kaliwa, kanan, asul, pula? Lima, anim na taon na ang lumilipas mula noong EDSA, at siguro naman, panahon na para dumerecho na tayo sa nais nating patunguhan.” Hindi pa rin ako inendorso. Pinag-isipan at inisip ko kung ako’y tatakbo bilang isang independent, pero nagdesisyon ako laban nun, laban sa posisyon na yun. Alam niyo kung anong nangyari? May tumakbo, may independent, isang retired colonel na ka-batch ko sa ilalim siya ng MISG ni Col. Abadilla laban sa, nagretire kasi sa militar, nag-law, laban sa kandidato ng partidong yun. Siya ang nanalo. Pagpapakita, marahil, pagpapatunay na malawak at nauuna sa panahon ng kaisipan ng marami sa aming mga kasabay noon, sa UP College of Law na interes ng estudyante dapat ang pinaglalaban, posisyon at paninindigan ngayon at hindi noon, ikaw at ng hindi ng mga magulang mo, ang dapat gamitin na batayan o sukatan nino man.
Q: Nasaktan ka nun?
A: Tinanggap ko yun. Yun lang siguro ang isa sa kokonting naalala kong nag-usap kami ng tatay ko’t tinanong ko siya, “Anong gagawin ko?” Sabi niya, kasi nung panahong yun, secretary-general na rin ako ng Association of Law Students of the Philippines, sabi niya, “Anak, pumili ka. Baka naman masyado ka nang maraming ginagawa. Tandaan mo, nandyan ka para mag-aral ng law, baka mamaya, sige nga, sec-gen ka’t presidente ka, hindi ka naman magiging abugado.” Baka paraan lang ng tadhana para sabihin sayo na mag-aral ka dahil nandito ka para maging abugado. At–
Q: Yung, yung prejudice na yun, yung burden na yun na “anak ka ng tatay mo” dahil sa malaking pangalan ng tatay mo, at na-associate nga kay Marcos na kinasusuklaman ng mga tao nung mga panahon na yun, naka-apekto ba yun sa iyong mga pananaw tungkol sa, eto nga, yung kinukulayan lahat ng mga noo, o kaya, uh, we classify people according to their, to the beliefs of people that are to their parents? Tama ba yun?
A: Siguro, pwede kong sabihin, naging mas malawak ang kaisipan ko kaugnay nun. Dahil kung ayaw kong ginagawa sa akin yun, di ko rin ginagawa at ayaw ko rin gawin sa iba. Uhm, sino ka man ngayon, baka iba ka na bukas. Masama ka man kahapon, baka pwede ka naman nang maging mabuti bukas. Kabaligtaran ay totoo. Mabuti ka man ngayon, pwede ka rin namang maging masama bukas. Pero matapos ang bukas, baka pwede kang bumalik sa pagiging mabait. Anuman ang ginawa ng magulang mo, anuman ang ginawa ng lolo, ninuno mo na mabuti man yun o masama, hiwalay at indibidwal pa rin ang pagtingin ko sayo dahil wala naman tayong kinalaman sa pagpili ng ginawa o kung sino ang mga ninuno natin.
Q: So na-launch yung career mo in 1992, sabi mo ikaw na yung kandidato?
A: ’98.
Q: ’98. Okay, ano yung unang–
A: Hindi naman launch.
Q: Ha?
A: Launch eh no. Hindi naman–
Q: Launch, I mean, it was your first attempt.
A: 1998.
Q: O sige, how did that come–how did that come to that?
A: Bilang kongresista.
Q: Kaagad?
A: Dahil na-appoint muli ni Ramos yun tatay ko bilang secretary nung 1996, so bakante yung distrito, at kailangan niya mag-resign bilang congressman. Regular na akong umuuwi nung mga panahong yun. So naging natural at normal para sa akin na kumandidato.
Q: Ginusto mo? Di ka naman napilitan?
A: Hindi. At hindi rin ako pinilit, tinulak, kinumbinse, o kinausap ng tatay ko tungkol do’n. Ang kinabagsakan at kinahinatnan nalang ba ay ganun ng walang pormal na pag-uusap na, “O, pano, gan’to, ganyan.” Walang ganun.
Q: Basta ikaw na lang ang nagdesisyon na, sige.
A: Naging normal dahil nakilala ko na lahat, umiikot na ‘ko. Kung may problema, pag kaya kong gawan ng paraan, ginagawan ko ng paraan. Naging normal. Kumbaga, in the natural course of events, nangyari nalang.
Q: Were you brilliant as a law student? Would you classify yourself as brilliant? I mean, how would you rate yourself?
A: Normal at average ako nung elementary, high school at college. Pero sa College of Law, nabigyan ko ng pagkakataon umakyat sa stage yung magulang ko na wala sa aming magkakapatid na nakagawa. Yung bunso ko yatang kapatid, nagawa din yun, na magsabit ng medalya. Kasama ako sa mas nakakatataas sa batch namin.
Q: Sige na, you can be immodest. Tell us.
A: Hindi naman yung modest. Pang-top 20 ako sa batch. At pag ang average mo kasi ay partikular na grade, ang tawag nila hindi Dean’s List. Ang tawag po nila ay miyembro ka ng Order of the Purple Feather.
Q: Order of the Purple Feather ka?
A: From first to fourth. At least natuwa naman ako’t nabigyan ko ng pagkakataon ang nanay at tatay ko, dahil pangarap nila yun, alam ko. Na umakyat man lang sa stage at sabitan yung kanilang anak–
Q: First time?
A: First time.
Q: So grade school, hindi sila umakyat sa stage.
A: Normal nga at average, sabi ko
Q: High school hindi rin sila umakyat?
A: College, hindi rin.
Q: Bakit biglang kumislap yung mga, yung mga utak mo dyan?
A: Dahil yun talaga ang gusto kong gawin. Sa katunayan, pag-graduate ko ng high school, hinahanap ko sa UPCAT form yung law. Wala naman kasing nagsabi sa akin na kailangan pala may pre-law muna. So kinuha ko yung pinakamalapit na kurso na sa pananaw ko ay dikit sa law: Political Science ang kinuha ko. Hindi ako nag-exam sa maski na anong ibang eskwelahan. Sa UP lang ako nag-exam. Taya pato, ika nga.
Q: You were THAT confident?
A: Hindi. Hindi kumpyansa ang pwede mong sabihin kundi yun talaga ang gusto ko. Pero sa likod ng isip ko, inalam ko yung mga eskwelahang bukas pa pagkatapos lumabas ang resulta ng UPCAT, baka saka-sakaling.
Q: Balik tayo dun sa pagtakbo mo. Nagustuhan mo naman nung nanalo ka?
A: Nagustuhan ko yung kampanya. Tulad ng dati, tulad ng sabi ko kanina, ang kagandahang paggising mo, hindi mo alam kung saan ka mapapadpad, di mo alam kung sinong makakausap mo, kung anong mangyayari. Nag-enjoy ako sa kampanya. At nag-enjoy din ako sa paninilbihan ko.
Q: Ano sa paninilbihan mo ang na-enjoy mo?
A: Yung pag-uwi sa probinsya. Dahil umuuwi ako nun kada linggo. Kada baranggay ng distrito ko, all two hundred fifty-seven baranggays, I made it a point to visit at least once a year. Some more than once a year. Yun ang nagustuhan ko dun dahil ibang mundo, nasa baba, nasa lupa ang mga tao, at hindi masyadong mataas ang lipad. Totoong taong kausap, at walang ere at walang pambobola.
Q: Dun sa walang pambobolaeh hindi ba lahat ng mga pulitiko, nambobola?
A: Ang tinutukoy ko ay yung mga kausap ko. Kabilang na siguro ako dahil siguro, advantage at disadvantage po yun. What you see is what you get. Sasabihin ko kung anong nasa isip ko’t nasa isip ko palagi kung anong sinasabi ko.
Q: But it’s not good for politics, di ba?
A: Hindi maganda at tama sa isang tradisyunal na kaisipan, makalumang kaisipan ng pulitika, tama nga kayo. Pero siguro, hindi naman din yun ang gusto ko. At hindi yun ang kinagisnan ko.
Q: Okay. Your father was a straight-talking politician. Is he a straight-talking politician?
A: Oo. Halimbawa, nagpapalit siya ng titser, halimbawa sa baranggay noon kapag ka yung bagong klasrum ay ginamit niyang opisina imbes na ibigay sa mga estudyante. Kapagka yung Philippine Flag ay gutay-gutay na at hindi pa rin pinapalitan, eh–
Q: Nagagalit.
A: Nagagalit ang tatay ko at hindi rin normal at tama yun para sa isang tradisyunal o makalumang pulitiko na hindi ka dapat magalit. Pero siya, pinapakita niya na mali yun para marahil yung iba, pag-ingatan din yun.
Q: Okay. Anong ayaw mo sa pulitika at anong, sabi mo, gusto mo yung nakikipag-ugnayan ka dun sa mga taong regular na makatotoo.
A: Ang ayaw ko sa pulitika, yung pambobola, gaya ng sabi mo. Yung kawalan ng isang salita sa marami sa aming larangan. Na, ngayon, gan’to na, pirmes na, bukas makalawa, biglang magbabago nang wala namang nangyari. Nang wala namang dahilan. Yung putik na tinatapon para lamang iaangat ang sariling katauhan o personalidad o kandidatura imbes na tutukan na lamang kung anong plano’t balak niya kung siya’y mananalo. Yun ang hindi ko gusto sa pulitika.
Q: Ginagawa mo ba yun?
A: Hindi. Hindi ko–
Q: Mahirap bang tanggihang gawin yun, kasi in politics nga, hindi ba, you have to do things to get your name and your reputation up there, so?
A: I’ve always been on the receiving end of criticisms and intrigues insofar as my candidacies are concerned. Pero mula’t-mula, di ko naman inaatrasan at sinasagot ko lang ng makatotohanan. Dahil hindi naman talaga totoo anumang paratang.
Q: Okay. Ano yung mga paratang na–
A: Nung una akong tumakbo, nagsimula sa, kasi wala pa akong asawa nun. Nagsimula sa bakla, naging babaero, nagsimula sa lasenggo, naging adik, nagsimula sa walang alam, sa puro lang daldal, the whole spectrum. Tumuloy sa anak lang ako ng tatay ko, hindi minamana ‘to–the whole spectrum. Kabilang na ro’n marahil anumang, pang-uh, paninira, hindi lang sa ‘kin, pati sa pamilya ko. Yun ang parte ng pulitika na hindi ko gusto.
Q: Okay, but it’s part and parcel di ba? Everybody is heir to that.
A: Pero hindi ko namang kailanganing gawin dahil kung isa-dalawa-tatlo-apat-lima kaming hindi gumagawa nun, hindi pa rin one hundred percent na ginagawa ng lahat.
Q: Ah ganun? Okay, balik tayo sa mga batikos. Maraming mga batikos, sabi nila, sinasabi nila masyado kang ambisyoso dahil sa ikaw ay wala pang forty years old, malapit na birthday mo pero wala ka pang forty years old eh nag-aambisyoso kang maging presidente?
A: Malungkot yan para sa kabataan natin at sa isang bata. Bakit ba pag bata ka at nangarap ka, may isang bagay na tila nakareserba lang sa mas nakatatanda? Ambisyoso na bigla ang tawag sa yo. Wala ka bang kilalang matandang ambisyoso? Meron din naman siguro. Hindi kapansanan ang pagiging bata para sa akin. Normal na reaksyon para sa ilan na tawaging mayabang at ambisyoso ang sinumang bata na tila nauuna sa kanyang panahon. Tatawaging nagmamadali, tatawaging hinog sa pilit. Pero, maliban sa kanyang edad, may basehan ba talaga yung mga salita o paggamit nung mga salitang yun?
Q: Pag sinasabi nila yun, do you feel alluded to?
A: My generation feels alluded to because if you compare the things that have been done, the things that have been said, wala namang pinagkaiba sa mga sinabi at ginawa ko kumpara sa iba. Edad lang ang magkaiba. Nagkataon lang na pinanganak siyang una sa mundo kesa sakin.
Q: Okay. Yung batikos ba na daldal ka lang ng daldal, wala ka namang ibang ginawa.
A: Kesa naman, wala ka na ngang ginawa, hindi ka pa nagsasalita. Pero babalikan ko, hindi naman yata tama. Insulto sa mga kababayan ko sa Sorsogon ang sabihing wala akong nagawa o ginawa dahil tinitingnan kong sagrado ang halalan kung saan hindi ka naman siguro mananalo at iboboto kung wala kang ginawa at hindi ka nanilbihan ng tama.
Q: Ano sa palagay mo ang pinakamatinding nagawa mo para sa Sorsogon?
A: Sa unang distrito ng Sorsogon, sinikap ko, unang termino ko palang na nakamtam ko sa pangalawang termino ko na, normal man sa inyo dito sa Maynila, malaking bagay sa amin na mapailawan ang lahat ng baranggay sa aming distrito. Noong una akong naupo, seventy-eight percent, mataas sa national average, energized ang Sorsogon. Sinikap kong kumpletuhin yun ahead sa national survey din kung kelan dapat dahil hindi naman tama na iinom ng, na hindi pa nakakakita ng yelo e maglalakad ng limang kilometro ang tao para lang magkaroon ng malamig na tubig o malamig na softdrinks. Maski na hindi na lahat ng bahay, at least, may sari-sari store na pwedeng pagbilhan ng malamig na inumin. Iyon, para sa akin, ang pinakamaalala at naaalala ko at siguro maaalala ako dahil doon sa aming distrito. Pangalawa siguro yung paglikha ng, at pagiging ama ng kauna-unahang at kaisa-isang siyudad ng aming lalawigan. Wala pa akong anak at hindi pa ako tatay, ama na ‘ko ng siyudad ng Sorsogon. Layunin namin makapagbigay ng mas malaking pondo sa pamamagitan ng pagiging siyudad para makapaghatid ng serbisyong publiko na mas malaki.
Q: Okay. So nagawang siyudad yung lugar na yun, ganun ba yun? Okay, you were able to make it into a city.
A: To cite an example (CLL: Oo), from a combined IRA of fifty million, our IRA rose to as much as 276 million, which is nearly five times or a bit little lower than five times what we used to get from the national government.
Q: Napansin nung nasa kongreso ka kasi dun sa mga hearings tungkol kay Erap, was that during Erap’s time?
A: 1998-2001, yun po ang unang term ko.
Q: Were you aligned with him?
A: Yes.
Q: Bakit ka sumali dun sa grupong yun?
A: Bilang miyembro ng NPC, matapos kong tumakbo, naka-koalisyon ang NPC sa LAMMP, ang tawag no’n. Na partido ni Pangulong Estrada.
Q: This is also the party of Danding, right?
A: Yes.
Q: Bakit ka dun naki-naki-linya dun sa partidong yun?
A: Dahil karamihan ng mga kaibigan, kakilala ko nandun. Nung tiningnan ko ang plataporma de gobyerno ng mga political parties, halos magkakapareho naman silang lahat. “We will hasten economic recovery, we will alleviate the plight of the poor, we’ll promote land reform, we will concentrate on infrastructure, education and health…wala namang pinagkaiba.” So ang tiningnan at ginamit kong batayan nun, “Kanino ba ‘ko kumportable? At sino ba ang mga kakilala ko?”
Q: Was it the case of “Who had the most bucks?”
A: Hindi, dahil wala namang tinulong sa ‘kin si Danding Cojuangco nung una akong tumakbo nung 1998 at hindi rin naman nakakagulantang, ano mang tulong na binigay niya pagkatapos nun sa mga sumunod ‘kong eleksyon.
Q: Tinulungan ka nung sumunod?
A: Lahat ng miyembro ng NPC. Pero hindi nga nakakagulantang. Ika nga, pang watcher palang, kulang na.
Q: Talaga? So hindi sapat?
A: Sa lahat naman ng partido, ganun ang karanasan nila. Kapag ka ika’y umaasa lamang sa ibibigay ng partido, kulang talaga palagi yun.
Q: Did Erap disappoint you?
A: Oo, nung umalis siya. Dahil may mga pagkakataon na harapin ang mga issue na hinarap niya pero hindi nga lang natapos.
Q: You were disappointed that he left, not at his administration?
A: Na umalis siya nang hindi natatapos at hindi nasasagot ang maraming tanong dahil ang posisyon ko no’n na pinakinggan din naman, hindi ko naman sasabihing ako ang nagsabi at sinunod ako pero posisyon ng marami samin dun, harapin. Kung ito’y walang, kung ito’y non-issue, at ito’y hindi totoo, harapin. At pakita kung sinong tama’t mali sa kamara man o sa senado noon, yun ang posisyon ko.
Q: Pagkatapos ng iyong term sa Congress, bakit mo inambisyon ang pagka-senador?
A: Natural lang din na kaganapan. Minority leader ako nun, nanguna sa dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Arroyo, matatapos ang aking termino. Nag-usap kami ng misis ko. Nung nagdesisyon akong tumakbo bilang senador, number eighteen or number twenty-three ako sa survey. Walang pera, walang paghahanda at walang plano. Sabi ko, “tatakbo ako para matapos at malaman na lang natin, kesa naman matapos ang eleksyong ito, pag hindi ako tumakbo, ang dami nanamang magsasabi, ‘bumalik ka pagkatapos ng isang term o tumakbo ka na sa mas mataas na pwesto.’ At least, manalo o matalo, tapos na yun dun.” Pag hindi nanalo, eh di pwede ko nang sabihin, “Tama na, iba naman, natalo na ko.” Siguro liko ng tadhana, mula number eighteen na wala ako hawak na pera o kakayanan, naging maganda ang pagpapatakbo ng aming kampanya sa paniniwala, sa isang linya sa pelikula, “If you build it, they will come.”
Q: Field of dreams. Right. Totoo bang close ka kay Danding at kay Lucio Tan?
A: Ninong ko sila pareho sa kasal. Pero tulad ng mga ninong sa kasal ng sinumang kinakasal, magulang naman palagi–relasyon, kasamahan sa trabaho, ang dahilan kung bakit sila kinukuha.
Q: Ang mga magulang mo ang pumili dito sa dalawa?
A: Siyempre, kahit sino naman ang ikakasal, wala ka namang kilalang big-time. Wala ka namang kilalang sikat. So yung magulang, palaging may pressure na, “Uy, eto kasi nagtrabaho ako dito nun; uy, ito nakasama ko nun sa kongreso; uy ito…” Normal sa isang pamilyang Pilipino. Hindi ko sila kilala nun bago kami kinasal.
Q: Nung kinasal ka congressman ka na?
A: 1999. Dahil ang sabi ko sa misis ko nun, bagaman kami na nga, meaning mag-boyfriend-girlfriend na kami nun, gusto ko munang tumakbo bago tayo magpakasal para malaman mo kung ano at sino ang pinapakasalan mo at anong buhay ang pinapasok mo. Kaya nga ang sabi ko kanina, “Pag matalo ako sa pulitika, titser na nagtuturo sa UP ang papakasalan mo at nagpapractice na abogado. Pag manalo ako, kongresista at itong buhay din na ito ang papakasalan at papasukan mo.”
Q: Meron ba siyang pag-aalinlangan nung, well, dati teacher at abogado, right? Tapos ngayon magiging pulitiko at congressman.
A: Meron palagi at hindi maikakaila yun, dahil ang pananaw ng sinuman, sa pulitika at eleksyon at magulo at masalimuot. Hanggang ngayon, marahil. Kaya–
Q: May pag-aalinlangan pa rin siya?
A: Siyempre, hindi din naman maikakaila yun. Kaya ako, ang tulad siguro nung tatay ko. Kami at ng nanay ko, hindi pumapasok o nanghihimasok at hindi aktibong nakikilahok ang misis ko sa trabaho ko. Mula nung ako’y naging congressman hanggang ngayon, siguro nakakapunta lang ang misis ko sa kongreso nun pag-SONA. Maliban dun, hindi na siya nagpupunta ro’n.
Q: Talaga?
A: Ang kaaway ko sa pulitika, hindi niya kaaway sa pulitika, dahil ni hindi niya alam na kilala ko yun at kaaway ko yun. Ang gusto ko kasi sana, hindi ko pinipintasan o pinupuluan yung iba na aktibong partner nila yung kanilang asawa sa kanilang pulitika at pangangampanya. Iba lang talaga kami at gusto namin. Gusto ko pagpasok ko sa pinto ng bahay namin, sanctuary na ito. Walang kulay, walang gulo, walang ingay ng pulitika.
Q: Maaari ba yun?
A: Ganun kami sa nakaraang labing-isa, magsasampung taon na kami ngayong Disyembre. Para paghiga niyo, ang hirap naman di ba, pahiga ka na lang ng patulog, magsasalita at mag-uusap pa kayo, “Ang sama-sama talaga ni ganito, ganyan-ganyan-ganyan-ganyan! Ano nang nangyari kay ganito?” Mas gusto ko payapa, pag-upo, “Kamusta araw mo? Kamusta araw ko?” Meron kayong pwedeng pag-usapan na pinanood niya sa sine o napanood ko rin. Kung sinong nakilala at nakita ko. Pero hindi yung pag masama ang timpla ng pulitika o masama ang panahon ng pulitika sa labas, pareho kayong dinadamdam yun. At least–
Q: Kung ka-involve siya?
A: Kung involved siya. Dahil hindi siya involved, masama man ang naging araw ko, at least yung araw niya hindi naman siguro masama. Pwede niyang pagaangin dahil iba yung ginalawan niyang lugar at mundo.
Q: So she’s in theater and voice, right?
A: At nagtuturo din ng voice.
Q: Nagtuturo pa rin ng voice. Balik tayo kay Lucio Tan and Danding, no? Ngayon kilala mo na sila?
A: Siyempre.
Q: Okay.
A: Malapit ba ako sa kanila?
Q: Yes.
A: Kay ginoong Tan, hindi. Kay ginoong Cojuangco, mas malapit kaysa kay ginoong Tan. Anong depenisyon ba ng “malapit?” Na pag wala siyang magawa, tatawagan niya ako at pag wala akong magawa, tatawagan ko siya na, “Halika, magkita tayo!” Hindi ganun. Nakakausap, nagkakaintindihan at hindi kailangang hulaan o magdudahan. Yun siguro ang relasyon.
Q: Nagtitiwala?
A: Kaugnay ng Lucio Tan at Danding na palagi kong naririnig sa, kaugnay sa aking mga pagkandidato o maaaring kandidatura. Alam niyo, ulitin ko, porke’t bata hindi kayang tumayo na mag-isa at kailangan na lang may nakatayong malalaking mga negosyante sa likod niya? Porke’t ba hindi ka pinanganak ng mayaman, kailangan may negosyante na malaki na backer ka bago ka manalo? Pupulaan at pipintasan ako kaugnay ng mga relasyong yun, pero matanong ko rin yung ibang kumakandidato, kung sila ba’y aalukin ng tulong ni Ginoong Tan at ni Ginoong Cojuangco, tatanggihan ba nila? Kung napunta ba sa panig nila si Ginoong Tan at si Ginoong Cojuangco, sasabihin ba nilang, “Ayaw ko sa inyo, umalis kayo dito?” Marahil ay hindi.
Q: Ang tanong, anong kapalit?
A: Labing-isang taon na ‘ko nasa larangang ito at walang hininging kapalit, wala rin akong binigay na kapalit. Kung sa tingin ko ay mali at hindi nararapat. Kung tama, eh di parang wala na rin siyang hiningi dahil gagawin ko na rin naman yun. Kung mali, hindi ko gagawin.
Q: Okay, but as we know, Chiz, there’s a very thin line, right? And even the present administration will say the same thing, as all politicians will say.
A: Bibigyan ko kayo ng halimbawa. Minsan lang humingi ng tulong, si, ni hindi tulong.
Q: Ang katanungan nga dyan, di ba lahat ng mga pulitiko na binibigyan ng tulong ay may kapalit?
A: Libre manghingi basta’t libreng tumanggi, para sa akin. Kung tama, nararapat at legal, bakit hindi? Kaibigan man o hindi kakilala, gagawin ko pa rin naman yun. Pero kung mali, hindi tama’t illegal, kaibigan man o kakilala, bakit ko gagawin? Ako pipirma, ako boboto, pangalan ko nakataya, mukha ko nakataya, at ako ang makukulong kung saka-sakali, hindi mangyayari yun sa aking karera.
Q: Ano ang mga pabor na hiningi sa yo?
A: Hindi ganun karami, at magugulat kayo’t yun ang sasabihin marahil ng maraming miyembro ng NPC. Minsan lang, ni hindi pabor, kunsiderasyon na tingnan muli ang posisyon ko kaugnay ng JPEPA dahil lang, hindi makakaila, partner ng San Miguel ang Kirin. Konsiderasyon na bumoto pabor doon at tatlong buwan ko na kasing binibira at inuupakan ang JPEPA bago ‘ko nalaman at nasabi sa akin yun. May buong galang na tinanggihan ko at sinabi kong hindi, dahil ako naman na ang masisira at ako naman na rin ang mapupulaan. Kahit na gaano kayo kalapit, uhm, nakita na nating nangyari yan ng ilang ulit sa pulitika. Kapag ka ikaw ay may ginawang mali at sinusuka ng mas nakararami yung mga kaibigan mong itinuturing, nawawala din naman unti-unti. Ito yung mga kaibigan na humingi ng pabor kung kaya’t napunta ka sa masamang kinalagyan mo ngayon. Maliwanag sa ‘kin yan sa kasaysayan at hindi ko hahayaang mangyari sa akin yun.
Q: It’s not political suicide?
A: Ang alin?
Q: Yung pagtanggi sa mga pabor na yun dahil sa pag nangangailangan ka ng tulong nila, baka hindi dumating?
A: Alam mo ang tingin ko sa eleksyon, bawat isang tao, isang boto. Mayaman o mahirap, nakapag-aral o hindi, Cojuangco man ang apelyido o Juan dela Cruz, pagdating ng halalan, dun lang tayo tunay na nagkakapantay-pantay.
Q: Talaga bang naniniwala ka, ganyan ang umiiral na sistema dito sa ating bansa?
A: Oo, dahil sa lahat ng eleksyong tinakbuhan ko, palaging mas malaki at mas madami ang pera ng nakakalaban ko. Maski na nung nagdaang eleksyon, di hamak na mas malalaki ang perang ginastos ng mga nakasabay ko sa pagtakbo bilang senador. Pero muling napatunayan na ang pera may tao, pero ang tao, walang pera, buti na lang tao bumoboto at hindi pera.
Q: Naniwala ka ba dyan? Pera ang bumoboto dito!
A: Call it youthful folly, call it a pipe dream, pero oras na maniwala na rin akong pera ang bumoboto, wala na ‘kong pinagkaiba sa kanila at baka gawin ko na rin ang ginagawa nila.
Q: Namumukod tangi ka ba sa iyong pananaw na ganyan?
A: Marami rin kami siguro at may iilan. Siguro ako lang ang nabibigyan ng pagkakataon sabihin at magsalita tungkol dito. Pero marami na rin akong nakausap na mga bago at batang kongresista o lokal na opisyal na may pagnanais, may pangarap, may paninindigan na ito ang pananaw nila at dapat nating maging pananaw kaugnay ng pulitika.
Q: Okay.
A: Never underestimate the voter. Never, for one minute think, that he will just vote based on the money that will be given him. Pag nagkamali kang i-underestimate ang voter, ang kakayahan, talino, at karapatan niyang gamitin ano mang rason sa pagboto, sigurado nang magkakaproblema sino mang kandidato.
Q: You want to be the youngest president of the Philippines?
A: I haven’t decided on that yet. I haven’t formally announced either. Ayoko kasi, as much as possible, na magsasalita ka ng isang bagay ngayon, para lang bawiin mo bukas, makalawa. Gusto ko pag binuksan ko ang bibig ko tungkol dyan, tatayuan at papanindigan ko na at hindi magbabago na. Nabasa ko yung page one ng Inquirer. Yung may compilation sila, di ba? Page One, Book One; Page One, Book Two. Inipon-ipon nila yung front page ng Inquirer. Pagtingnan mo yun, makikita mo na halos ang kasaysayan ng Pilipinas. Makikita mo rin dun kung pa’no nagbabaliktaran ng posisyon at kung sinu-sino man na sa unang headline, halimbawa, “Wala na ‘tong atrasan, tuluy na tuloy na!” Makalipas ang ilang araw, kung tingnan mo nanaman ang ilang headline, umaatras na.
Q: Wala ka bang binaliktad na salita?
A: Uhm…
Q: Sa buong career mo bilang pulitiko?
A: Hindi ko kayang lahatin. Siguro merong nagbago, may ilan. Pero sa isang napaka-halagang bagay tulad nito, wala akong planong baliktarin yun.
Q: Ano bang salita mo ngayon at hindi pa nababaliktad?
A: Nawala pa akong pormal na pasya at desisyon, pero seryoso kong tinitingnan pinag-aaralan ang pagtakbo.
Q: Ano ang mag-uudyok sa yo tumakbo?
A: Sarili at personal kong desisyon yun. Hindi ko ipapasa sa kanino man. Hindi niyo maririnig sa ‘kin halimbawa na, ako’y tatakbo kapag ka nanawagan ang sambayanan. Ako’y tatakbo kapag ka inindorso ako ng aking partido. Ang pagtakbo, sa aking pananaw, mula’t-mula hanggang ngayon, personal na desisyon ng kumakandidato. Let that be the first test of leadership of that person na akuin niya yung responsibilidad at pananagutan sa pagdesisyon kung tatakbo siya o hindi.
Q: Looking at the political landscape, where there are so many, many candidates. And there’s a clear chance we’ll have a minority president knowing how many people are running, ano sa pananaw mo ang dapat mangyari dito sa eleksyon sa 2010?
A: Maliban naman kay GMA nung 2004, naniniwala man kayo o hindi sa resulta, lahat naman ng naging presidente natin ay minority president. Maski na si Pangulong Estrada na may napakalaking lamang was a minority president. Ibig sabihin, hindi mayorya ng bumoto ang nakuha niya.
Q: Dahil, hindi ba, sa dami ng tumatakbo?
A: Marahil dahil sa dami. Isang tinitingnan ko na siguro dapat tingnan, pero mangangailangan ng pagbabago ng saligang batas. Pero dapat pag-aralan muna bago aktwal na bubuksan yun: pagkakaroon ng run-off election sa dalawang pinakamataas na makakakuha ng boto.
Q: Gagawin mo bang panukalang batas yan?
A: Kailangan ng amendment sa konstitusyon yun. Ang posisyon ko, wala akong tiwala sa gobyernong itong pakialaman at baguhin ang konstitusyon. Sino mang administrasyong patapos, hindi personal, sino mang administrasyong patapos, hindi na dapat binibigyan pa ng tsansang baguhin ang konstitusyon dahil kung talagang mas nakakabuti at para sa atin yun, simula palang sana ginawa na.
Q: Sa senado, anong kinoconsider mong pinakamalaki mong kontribusyon o mga batas na naisabatas mo as principal author?
A: Bilang principal author at sponsor, kasi alam mo, sa kongreso at sa senado, ewan ko kung nalalaman niyo ang sistema dun. Ang principal author ang congressman o senador na nauna, first in time, na nag-file ng bill. Siya man ang gumawa nun o hindi, siya man ang lumikha o sumulat nun o hindi, pag siya ang naunang nag-file ng bill, siya ang principal author. At lahat ng ibang sumunod na nag-file, co-author na lamang. Una kong term sa kongreso, nagulat ako na pinag-aawayan pala yan ng mga congressman. At hindi ko alam kung bakit na pag may isang congressman, halimbawa, na siya yung gumawa ng batas, nung bill, pero hindi naging batas. So nasa records ng kongreso na fi-nile pero hindi naging batas. May ugali pala ang ibang mga mambabatas na titingnan yung archives, lahat ng mga bill na fi-nile, mamimili kung ano ang gusto nila at ipa-file nila, wala namang copyright-copyright kasi yung mga bill na yun. Ngayon pag naunahan mong mag-file maski na yung nag-imbento talaga nung bill na yun, away na yun sa kongreso
Q: Ownership!
A: So madalas, sa kongreso o sa senado man, nirereview ng mga staff ng senador ang mga una nang na-file na bill. Alin ang gusto nila, alin ang ayaw. May mga palakasan pa nga noon sa kongreso na may nirereserba na numero na 1 to 100, nakareserba na sa ‘kin yan. Para mahuli man silang maghanda ng bill na ipafile, siguradong una na sila pagdating sa panukalang batas na yun. Ano ang pinupunto ko? Kaya sinabi ko, authored o sponsored? Kasi, unang nag-file ang author pero hindi nangahuhulugan na siya na ang nagtimo, nagdala at nagtrabaho bilang mambabatas para maging batas yun. So sa senado? Siguro, dalawa, tatlo mula kagabi na gusto ko. Una, yung exemption ng minimum wage earners sa pagbabayad ng income at withholding tax. Ang layunin nito, hindi man natin mapataas yung sweldo, at least mapapalaki natin yung take-home pay o yung inuuwi nilang pera.
Q: Kayo ang principal author?
A: Pangalawa, isa ako sa mga author. Pero ako ang sponsor dahil chairman ako ng komite at ako ang nagtanggol ng bill sa floor at sa komite. Kasi pag sponsor ka rin, technicality yun. Pag ikaw ang sponsor, pag ikaw ang chairman ng komiteng nireferan, ikaw ang kauna-unahang author. Pangalawang author lamang yung principal author nung-
Q: Basta ikaw ang nagsponsor. Basta ikaw ang nagdefend.
A: Basta ikaw ang nagsponsor, ikaw ang unang author.
Q: Okay.
A: Parliamentary practice yun.
Q: Okay.
A: Pangalawa, yung pagbabago ng PDIC charter dahil sa mga nangyari sa mga bangko natin. Para taasan yung insurance coverage ng deposito. Para hindi magwalang-bahala, bumagsak ang kumpyansa ng mga kababayan natin sa mga bangko. Kagabi lang, pinasa namin ang anti-torture law. 1980 pa nung pumasok sa–1986 pa nung pumasok sa kasunduan–convention against torture–ang Pilipinas. Hanggang ngayon, o hanggang kahapon, hindi pa nakakapagpasa ng batas kaugnay sa implementing legislation. Kagabi ni-ratify na namin yung bicameral conference committee report at sana mapirmahan yun ng pangulo.
Q: Ikaw ang principal–kayo ang principal author.
A: Yes.
Q: Okay. Dun sa paratang, Chiz, na you’re too glib.
A: Uhm–
Q: Dere-derecho kang sumagot parang hindi ninanamnam yung sinasabi?
A: Hindi kasi ako nag-acting lessons. At sinasabi ko, gaya nga ng sabi ko, sinasabi ko kung ano yung nasa isip ko, at nasa isip ko kung ano ang sinasabi ko. Yung hindi nagsasalita, pinipintasan. Yung hindi marunong magsalita, pinipintasan. Yung walang sagot sa mga tanong, o ayaw sumagot sa tanong, pinipintasan. Pati ba naman yung sumasagot sa tanong at may sagot sa bawat tanong, pagkukulang pa rin? Wala nang–(CLL: no win!) magagawa dun.
Q: No win situation for you, ha? Okay, sige. We’ll just, because we’re doing this on the presidentiables, ano? So I’ll just go–
A: So it will come out, just in case. Just in case I do. And if I don’t, if I do a Mar–it’s no longer doing a Doy; doing a Mar, if I do a Mar then
Q: Anong posisyon mo sa population?
A: Kelangan magplano ang bawat pamilyang Pilipino. Seryosong problema ang populasyon. Ilan ang statistics? Humigit kumulang 1.97 million Filipinos ang pinapanganak kada taon. Yan ay apatnapung bata kada labindalawang minuto. Bakit ko ginamit ang stats–ang figure na yun? Isang classroom, masikip na ang apatnapu. Pagdating ng pitong taon, kakatok ang apatnapung batang ito sa gobyerno at sasabihin, “Pag-aralin niyo kami.” Dagdag na gastusin ito sa gobyerno sa dating ginagastos. Dagdag na classroom, dagdag na teacher, dagdag na kuryente, dagdag na upuan, dagdag na libro. Kung pinaplano natin ang bakasyon, kung pinaplano natin yung araw natin, kung pinaplano nga natin ang kasal, bakit di natin planuhin ang pamilya.
Q: Anong uri ng pagpaplano? Are you for artificial birth control methods?
A: Against ako sa anumang uri ng abortion, maliban dun, dapat may buong kalayaan na ang sinumang pamilyang Pilipino base sa kanilang relihiyon at paniniwala kung paano nila nais planuhin ang kanilang pamilya.
Q: Sang-ayon ka ba na mag-supply ang gobyerno nang contraceptives sa mga tao?
A: Kung yun ang kanilang nanaisin at kung wala silang pambili o pambayad nun, dapat gawin ng pamahalaan yun. Siguro may pagkakaiba lamang. With or without the RH Bill, government can do this.
Q: Should it?
A: Government can and should do it. Kaya lang, parang winawagaywayan mo ba ng bandera ang mukha ng simbahan sa RH Bill na ito na parang sinasabi mong, “Halika nga, anong masasabi mo rito? Halika ka nga!” Parang naghahamon ng away.
Q: Hindi kasi–
A: Pero sa totoo lang, pwedeng gawin ng gobyerno ito dahil polisiya lamang ng pamahalaan yan at hindi kinakailangan na maglagay o ilagay sa batas na sa napakahabang panahon ay pinag-aawayan at pinagdedebatihan.
Q: Okay pero—
A: Pwede lang naman gawin ng gobyerno.
Q: Correct. But for example, ano? This administration has made it quite clear–
A: Ayaw. Ayaw niya.
Q: Ayaw.
A: Pero kung ayaw niya, eh di, tiyak din tayo na ive-veto ito ni GMA, maski na ipasa ng kamara.
Q: So anong gagawin natin?
A: Wala pang batas na naka-override ng veto. Wala pang kongresong naka-override ng veto sa kasaysayan ng Pilipinas sa aking pagkakaalam. Ang pag-asa ng Pilipinas dun sa mga pumapabor dyan, ay ang pumili ng lider na yan ang paniniwala. At least kung–
Q: Kung ikaw ang mapiling presidente, gagawin mo ba yun?
A: Oo, bilang polisiya. Hindi ko gagamitin ang maka–makaluma at tradisyunal na mga salitang may ibig sabihin na agad sa mata at isip ng iba. Uulitin ko, dapat tumulong ang gobyerno sa pagpaplano ng pamilya. Dapat planuhin natin ang pamilya. Hindi pupwede na bahala na si batman!
Q: Hindi, no, no, no. The government now says they are helping with natural planning methods and they’re saying na yung mga pulitiko are afraid, are wary of commiting because of the church–the church vote.
A: Para sa akin, at least, sa darating na halalan, magiging issue-based ang halalan, sang-ayon kayo dito, ito ang posisyon ko, suportahan niyo ako. Ayaw niyo ‘to, gusto ko ‘to, eh di wag niyo akong iboto.
Q: Mindanao? At yung peace process? Sang-ayon ka ba na buwagin ang NPA, ubusin silang lahat o sang-ayon ka ba ipagpatuloy ang peace process?
A: Ihiwalay natin ng konti. Kaugnay ng New People’s Army, dapat bukas palagi ang pintuan ng gobyerno sa pakikipag-usap sa kanila kaugnay ng pwedeng mapagkasunduan. Basta’t wag lang ibebenta ang buong pamahalaan at buong gobyerno, at basta’t nasa ilalim pa rin ng nag-iisang bandila at konstitusyon. Pero hindi dapat isara ng gobyerno ang potensyal at posibilidad na magkaroon ng mapayapang pag-uusap sa pagitan ng grupong ito, ng NDF at ng gobyerno. Kaugnay naman ng MILF, pabor ako na makipag-usap sa MILF, pero may kundisyon: liwanagin muna nila. Nasa control ba nila si Kato at si Bravo at ibang rogue commanders ng MILF o wala? Hindi naman pupwedeng pag hinahabol sila ng militar, sasabihin ng MILF, “Hindi kami makikipag-usap sa inyo!” Pero pag may ginawang kalokohan, nanunog ng baryo’t pumatay, sasabihin nila, “Wala kaming control sa kanila.” Kailangan magdesisyon at magpasya sila dahil hindi pwedeng kausapin ang isang grupo na kasama si Kato at si Bravo.
Q: Ito bang NPA, is this a rogue group or is this a legitimate group to begin with?
A: Wala namang legitimate na group sa ilalim ng batas ng Pilipinas dahil wala naman tayong binibigyan ng belligerence status dito sa Pilipinas or even under international law. Ito’y isang grupo na nakikita natin at nasa realidad ay nandyan na marapat at dapat harapin at kumprontahin kaugnay sa mga problemang kanilang binabanggit at sinasabi. Ang pakikipag-usap, dapat palaging bukas dahil kokonting rebelyon lamang ang natapos sa pamamagitan ng paggamit ng baril, bala at bomba. So bukas palagi dapat yun, depende lamang sa sitwasyon siguro kung sila’y bukas din ba o hindi. Kung inaapi o inaabuso na nila ang ating mga kababayan kung nasaan man sila matatagpuan.
Q: So if you become president, you will not order an all-out war?
A: Hindi naman ganun kasimple yun na “will not” or “will order.”
Q: Buwagin ang Camp Abu Bakr?
A: Uulitin ko, kapag ka maliwanag na hindi, hindi sinsero ang pakikipag-usap at kapag ka inaapi, pinapatay, pinapaslang ang ating mga kababayan at sundalo, mag-iiba palagi at ibang usapan yun. Maganda lang pakinggan sa dyaryo o sa radyo at dyaryo yung “all-our war.” Pero hindi naman tama bilang polisiya na lahat-lahat palagi, sabay-sabay at walang pasubali. Dapat, para sa ‘kin, peace talks lang kasi ang tinanong ninyo, dapat, tugunan natin, pangmatagalang solusyon ang ugat ng problema.
Q: Okay.
A: Kahirapan, kawalan ng hustisya, at kakulangan ng edukasyon. Kakulangan din ng atensyon, halimbawa, sa Mindanao na dapat tugunan kasabay ng pakikipag-usap, kasabay ng all-out or semi-all out war, dapat tugunan ng gobyerno yun.
Q: Yung debt problem natin, anong gagawin mo dun. Mga sovereign guarantees?
A: Lumalaki. Lumaki ng napakalaki ang utang natin sa ilalim ng termino ni Pangulong Arroyo. Halos na-doble. Hindi balasubas ang Pilipino. At hindi tamang palabasin at ipakita ng gobyernong balasubas ito, na hindi marunong magbayad ng utang. Subalit dapat isulong ng susunod na administrasyon, ng susunod na pangulo, sinuman siya, na bigyan tayo ng konting lugar para makahinga. Sa ngayon, humigit kumulang, kalahati ng budget natin ay binabayad sa debt service. Six hundred billion, six hundred thirty billion, depende sa exchange rate, ang ibabayad ng gobyerno sa taong ito. Out of a 1.4 trillion budget, dapat manguna ang gobyerno sa pakikipag-usap sa ating mga pinagkakautangan. Bigyan niyo kami ng lugar na makahinga para gastusin namin itong perang ito para sa aming ekonomiya at bansa, para mas malagay kami sa posisyon na bayaran ang mga ito. It should be mutually arrived at, not unilateral. But I hate to say, this government, or even past governments, serving as the spokespersons of our creditors. Sana yung pamahalaan, tagapagsalita ng mga kababayan natin na nagsasabing baka naman pwedeng bago ibayad sa inyo, gastusin muna namin sa pagpapakain ng mga kababayan namin.
Q: So you’ll do a Mexico solution? You will ask for a debt condonation?
A: Hihingin lahat ng pwedeng hingin: reduction, condonation, kung anuman. But, again, it must be made clear, it should be mutually arrived at. Hindi naman tayo pwedeng pintasan na ipaglaban ang interes ng ating bansa. Basta’s klaro sa isip natin na di natin pwede itong gawin ng tayo lang. Nais kong makita ang gobyerno na tayo ng pinaglalaban, hindi tagapagsalita ng mga dayuhan.
Q: Are you for the abroggation of pork barrel or are you for continuing pork barrel?
A: Gusto kong pag-aralan ng seryoso yan pero sa ngayon, mas gusto kong tanggalin at alisin yan.
Q: Ng lahat?
A: Ako’y nasa kongreso ng siyam na taon, senador ng dalawang taon. Nakita ko ang sistema, nakita ko rin ang pagkukulang at pagkakamali. Corruption aside, dahil ayoko naman lahatin at sabihing lahat ng tumatanggap ay corrupt. Corruption aside, ang rason kung bakit dapat alisin at ireview ang polisiyang iyan ay nagkukulang at nawawalan tayo ng focus. Kokonti na nga yung pera natin, hinahati-hati pa natin sa pitsi-pitsi. One hundred meters na kalye dito, one hundred meters na kalye doon. Isang ano diyan, kalahating eskwelahan doon. Siguro napapanahon at dapat i-focus natin yung kokonting pondo natin para makumpleto ang mga proyekto. Ang kalahating tulay, parang walang tulay yun. Ang kalahating kalye, parang walang kalye rin yun. We should learn to appropriate and allocate our resources wisely. And pork barrel is one of the biggest wastage of funds only because of the lack of focus. Again, not to mention the corruption associated with it.
Q: Kayo ba ginamit ninyo ang pork barrel niyo?
A: Nireleasan lamang ako ng pork barrel mula 1998 hanggang 2004. Mula nung naghain ako ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo–
Q: Tinanggalan ka na?
A: Hindi na nirelease. Hindi ito kwestyon ng hindi ko tinatanggap. Kwestyon ito ng hindi nirerelease. I-release man, hindi na ho namin alam at hindi na binibigay sa amin o pinapadaan, o iniipormahan man lang kami.
Q: Hanggang ngayon?
A: Hanggang ngayon.
Q: Corruption, anong gagawin mo kung maging presidente ka?
A: Sinuman ang susunod na maging presidente, dapat harapin bilang pangunahing problema ng bansa ang corruption. Take it by the horn and confront it. It cannot be business as usual insofar as corruption is concerned. At dapat, ibalik ang hiya sa gobyerno. Ngayon, kapag ikakasal ang sinuman, kukunin ang mga pinakamayayamang congressman at senador at gobernador na ang tao hindi man lang iniisip, “Aba’y sa’n ba galing ang pera niya?” Hindi natin kinakahiya sa ngayon ang pagpapakita ng yaman ng sinumang opisyal, legal man o ilegal ang yaman, ang pinanggalingan ng yaman nila. Sana, ibalik natin yun. Tanungin natin, san ba galing yan? Hindi ba nakakahiya yang ginagawa mo? Secondly, by way of policy, we should identify the areas of discretion within government. Discretion as opposed to a ministerial function. Dahil sa libro ko at sa pananaw ko, discretion equals corruption. Minimize the discretion, you minimize corruption. Eliminate discretion, you will eliminate corruption. Kung mababawasan lamang natin ang mga ahensya ng gobyernong may discretion, mas kokonti ang babantayan natin.
Q: Pero lahat ng presidential candidate, yan din ang sinasabi. Presidents who have been elected have always said, “Corruption is the number one–” they’ve all had nice, they’re going to go after them, put the big fish behind bars. It’s a lily pond.
A: Kasi ang binoboto naman natin, ganun at ganun pa rin. Pa’ no magkakaroon ng pagbabago sa gobyerno at sa bansa kung yun at yun pa rin ang ating mga binoboto? May tatakbong bata o may nais tumakbong bata, “Ay hindi, dapat nasa gan’tong edad ka na para tumakbo ka.” May tatakbong bata at walang, walang pedigree, at walang sariling angking yaman, “Ay hindi, dapat may pera ka nang sarili. Kung wala kang pera, hindi pwede. Ay hindi dapat, may tiwala tayo sa pinanggalingan ng pamilya mo.” Yan ang tradisyunal at makaluma na mga dapat tumatakbo. If we keep on doing that, the same thing over and over again, how can you expect meaningful change to happen and to occur.
Q: Sinasabi mo bang dahil sa bata ka, nandyan pang ideyalismo mo at yun nga, you have been quoted as saying na gusto kong tumakbo habang ako ay bata pa at may ideyalismo, baka ako maging kagaya nila.
A: Ang sabi ko ay, gusto kong tumakbo habang ganito pa ‘ko. Kaysa hintayin ko na maging kasing edad nila ako at pareho na rin kami. Sinumang pumapasok sa gobyerno, maaaring nagsimula ng mabuti, pero iisang direksyon lang ang patutunguhan. You may have been a better person, you may be a better person now that you were ten years ago. But probably that’s because you’re in media. But if you’re in politics, there’s only one direction that you will take. Palala na nang palala, because I am yet to meet a person, I have yet to meet a person who entered politics as an angel and ended up as a saint. Karamihan at lahat ng nakilala ko nang personal, nagsimula ng mabuti, pero nung natapos, hindi na kasing buti nung
Q: Look at Cory!
A: Ano?
Q: Look at Cory!
A: Hindi ko siya nakilala ng personal nung siya ay nanungkulan.
Q: Ang sinasabi mo ba dito, Chiz, ay idealism is the monopoly of the young? Is that what you’re saying?
A: Hindi, pero hindi rin naman monopoliya ng mas nakatatanda ang kakayanan manilbihan at magtrabaho para sa bansa. Hindi ko minamaliit ang kakayanan ng mas matanda sa akin. Pero sana, gayundin, ang kabataang Pilipino, wag maliitin. Dahil bata man o matanda, may karapatan manilbihan. Bata man o matanda, may lakas at galing na pwedeng ibuhos sa bayan. Hindi kapansanan ang edad.
Q: Kanina minention mo na yung pagpapalit ng konstitusyon. Kelan ang pinakamagaling na panahon?
A: Sa simula ng termino ng sinumang administrasyon, hindi kapag ka patapos na ito.
Q: Sa iyong pananaw, ano ang mga probisyon na papalitan mo?
A: Sangayon sa ating saligang-batas mismo, dapat nirereview yan every 5 years. Ewan ko ba’t bakit nalulunod tayo sa mga nagsasabing gusto nilang palitan ang saligang-batas, ni wala naman silang sinasabi, ano ba talaga yung ipapalit ninyo? Down to the last comma and period. Batas ito, konstitusyon ito. Hindi pupwede na wala kang eksaktong panukala dahil napakaraming kasong nagmumula sa isang period, comma o colon lang.
Q: Kayo ba, meron kayong panukala?
A: Wala. Kaya nga ang dapat na unang gawin, pwede bang ibigay natin sa mga eksperto, magagaling na Pilipino, tao, at ano ba sa pananaw ninyo ang dapat baguhin dito? Bago natin ibigay sa Con-con o Con-Ass man, ang mga suhestiyon o panukalang pagbabago ito para pagdebatehan at pagbotohan.
Q: So you’re not for a constituent assembly?
A: Ang mas gusto ko ngang mangyari sa dami ng magagaling sa Pilipinas at bangayan kaugnay ng charter change, ibigay nalang natin sa taong bayan sa isang referendum. Gusto ba ninyong baguhin ang saligang-batas? Kelan, papaano–Con-Ass o Con-con–at ano ang mga nais ninyong tingnan muli? Tanungin na lang natin sa plebisito dahil kung magkano man ang gagastusin sa plebisito, tinitiyak ko sa inyo, mas malaki na ang ginagastos ng gobyerno dahil sa away at bangayan ng may kinalaman sa cha-cha, na lahat nagsasabi, “Ayaw ng tao yan!” Sasabihin ng kabilang banda, “Gusto ng tao yan!” Let us settle it once and for all by asking the people to voice their, to air their, position on this matter through a refendum and their plebicite.
Q: Maraming kontrobersya mga foreign trips ng presidente ngayon. Kung ikaw ay maging presidente, how will you handle this particular aspect of your administration?
A: Mahirap tayong bansa at hindi tayo dapat nagyayabang na tayo’y mayamang bansa. Hindi tayo dapat magpanggap na mayaman tayong bansa. Anong sama ba ng kumain ng hotdog. Hindi naman kailangan kumain sa mamahaling restaurant. Ano ba namang sama na manirahan sa isang hotel na hindi magarbo? Hindi naman talaga tayo isang mayamang bansa. At, kelan man, hindi pwedeng sukatin ang sinumang bansa o tao sa kasuotan o damit niya. Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa. Sinuman ang susunod na presidente, dapat hindi na magsama ng kongresista. Isa o dalawa ang pinakamarami kung sino lang yung may papel dun. Pangalawa, hindi rin kailangan na buong eroplano ang kunin. Pangatlo, nais kong ipatupad dito sa Pilipinas ang sistemang meron na ang ibang bansa kung saan, kung ikaw ay Pangulo, at pupunta ka halimbawa sa Mindanao para mag-attend ng kasal ng kapatid mo, pinsan mo. Pupunta ka rin dun para mag-inaugurate ng isang tulay na pinagawa sa administrasyon mo. At pupunta ka ro’n para magpreside sa isang meeting ng partido mo. Gagastos ang presidente papunta ro’n gamit ang sarili niyang eroplano o siguro commercial flight. Dapat hatiin yung gastos sa tatlo, depende kung gaano katagal siya nagtagal sa kada event. Kunyari, tig-iisang oras yun. Isang oras, personal niyang sasagutin. One third yung kosto ng papunta niya roon. Personal kasi yung rason niya sa pagpunta roon. One third, kung isang oras din siya doon, gagastusan ng partido na kinabibilangan niya dahil pulitika yan at walang kinalaman sa gobyerno. Yung pag-inaugurate ng kalye o nang tulay, sige, gobyerno ang magbabayad nun. Pero ga’no katagal ka ba nagtagal doon? Dapat ganun sa na para seryoso at dapat ganun sana para bawat piso, pinapakinabangan. Sa America, halimbawa, kapagka may kausap ang pangulo na kaklase nung high school, at sinabi halimbawa ni Obama’ng “Papunta akong California eh, may gagawin ako dun.” Pag sinabi nung kaibigan niyang, “Ah talaga, ako rin, pwede bang sumama, maluwang naman yung Air Force One.” Pag sinama niya yun, babayaran niya yung upuan na yun, upuang yun. Hindi pwedeng porke’t walang laman ay libre na, na madalas nangyayari dito at madalas pinagmumulan ng korapsyon. Yung C-130 na pabalik mula Mindanao papuntang Maynila, wala rin lang namang laman. Pwede ko bang isakay nalang yung sofa ko, yung auto ko at kung anu-ano pa? Wala rin namang laman. Gamit pa rin nun pondo ng gobyerno. Again, it cannot be business as usual. It cannot be the same of the old ways. Dapat harapin. At yun ang ibig sabihin kong dapat harapin ang problema sa corruption ng ganito.
Q: Okay. EO 464? Do you believe in that?
A: No. I believe in transparency and accountability at kung walang tinatago, maski na sinong gobyerno, harapin at ipaliwanag nila ang anumang ginawa o di nila ginawa. Sinabi o di nila sinabi.
Q: Kung ikaw maging pangulo, anong gagawin mo kay GMA? Kakasuhan mo ba siya?
A: Hindi trabaho ng sinumang pangulo ang magkaso. Executive functions ang limitasyon ng trabaho ng pangulo. Trabaho ng ombudsman yan. Ni hindi trabaho ng DOJ yan. Trabaho ng Ombudsman yan at ng Sandiganbayan.
Q: With the direction of the president?
A: Nakasanayan din natin, pasensya na kayo pero bilang abogado, masyado nang nababoy ang propesyon namin sa pakikialam ng pangulo, na ang assumption natin palagi, pag ayaw niya, hindi pwede; pag gusto niya, pwede. Halimbawa, gusto niyo ba na ang susunod na pangulo, tatawagan ang Ombudsman, “Hello, dapat i-file mo yang kaso laban kay Pangulong Arroyo, ha? Pag yan hindi mo finile, papaimpeach kita sa mga kapartido ko.” Tatawagan niya ang justice ng Sandiganbayan, “Hello, dapat iconvict ninyo yan. Hindi tama pag yan makakawala. Dapat makulong yan.” What’s the difference between doing that, although I completely agree perhaps with the outcome, what’s the difference between that and tatawagan niya at sasabihin niya, “Hello, kakampi ko ‘to, kamag-anak ko ‘to, wag niyong sasampahan ng kaso yan. I-acquit niyo yan.” Wag na nating babuyin ang judiciary. Tama man o mali, sinuman ang nabenepisyuhan, sino man ang tamaan, hayaan natin ang korte tumakbo. What should be done to GMA by the next administration? Let the wheels of justice turn its—turn its course, and dapat buksan ng gobyerno anumang kaalaman meron siya para patunayan ang guilt o patunayan ang innocence ng sinumang masasampahan ng kaso.
Q: Okay. Kaugnay niyan, kung poporma ka ng iyong cabinet, sinong ilalagay mo dun? Who will be in your official family?
A: Walang pamilya ko, tiyak, tulad ng ginagawa ko ngayon. Na ayokong nakikialam ang pamilya ko sa trabaho ko. Saganang akin po, humigit kumulang limang libong tao ang inaappoint ng susunod na pangulo. Sobrang dami nun. Ga’no katagal niya ba iaappoint yun? Dapat bawasan yun ng hanggang siyamnapung porsyento kung pupwede. Iangat mo nalang ang mga opisyal sa kani-kanilang pwesto–career, ika nga. At ang dapat pinipili lamang siguro ng pangulo, mga sensitibong departamento tulad ng foreign affairs, national defense, interior and local government. Yung mga ibang departamento, siguro dapat career na yun. At sino man yun, walang mukha, walang pangalan, uhm, basta’t siya yung next in rank, yun marahil ang dapat binibigyan ng pagkakataon.
Q: Dun sa unang 100 days mo, anong gagawin mo?
A: Hindi, madalas nagtatanong, but to my mind, at best, it’s an unfair question because what you will–kung ano man ang gagawin ko sa unang araw, dapat yun ang gawin mo hanggang sa huling araw–one hundred, two hundred, three hundred days man yan. Sa unang isangdaang araw–
Q: Anong aatupagin mo? Ano yung bibigyan mo ng pansin?
A: Gaya ng nabanggit ko kanina, paglilinis ng gobyerno dahil kailangan mapakita sa pinakamalakas na paraan at senyal na seryoso at kakaiba ang pagtrato ng gobyerno kaugnay sa katiwalian sa pamahalaan na anuman ang ginawa at nagawa palaging titingnan at palaging sisiguraduhin na sino man ang kauna-unahang mahuhuli, lalung-lalo na, pasensyahan tayo para makapagpadala ng malakas na mensahe sa lahat ng opisyal sa gobyerno.
Q: Yan yung sabi ni Erap. Walang kamag-kamag-anak, walang kaibi-kaibigan, ginawa niya ba yun?
A: Ayokong husgahan siya at ayoko ring husgahan niyo ‘ko base sa kung anong nagawa o di nagawa nino man — magulang ko, kamag-anak ko, kapartido ko, kaibigan ko. Sana’y husgahan ako sa kung sino at ano ako, anong nagawa o ginawa ko o gagawin ko.
Q: Sino ba, sa inyong pananaw, ang man to beat?
A: Tinuro sa akin sa karanasan ko sa halalan na wag maliitin ang kakayanan ng maski na sinong kandidato. Tratuhin mong seryoso at mabigat na kalaban ang bawat isa kung saka-sakali para sa gayon, hindi ka mabulaga at magulat, may angkin at tago palang lakas ito na hindi ko nabasa, nakita o nalaman. Bawat kumakandidato, ang trato at pagtingin dapat mabigat at serysong kalaban.
Q: Bakit ka dapat naming iboto?
A: Maaari bang sagutin ko yan sa take two ninyo pag tumatakbo na ‘ko?
Q: Hindi, ngayon na kasi pag tumatakbo ka na kasi pag tumatakbo ka na, Chiz, hindi ka na namin mahahabol.
A: Promise!
Q: Naku!
A: Wag, baka kopyahin lang nila eh. Baka mamaya, di pa ‘ko nagdedeklara, gayahin na nila, sila deklarado na! Eh di nasabi ko na–
Q: Bakit ka namin dapat ihalal bilang presidente ng Pilipinas?
A: Hindi lang ako pero ang aking henerasyon, para ipakita’t patunayan na inaangkin na ng aming henerasyon ang pamumuno at pang-gogobyerno sa bansang ito, dahil mas malaki ang taya namin, dahil mas malaki ang tsansa namin sa pagbabago, kung may babaguhin din tayo. Mas malaki ang tsansang magbago kung bago din ang ating pipiliin. Ang plataporma, ang mga partikular na mga dapat at marapat gawin, aming ilalahad sa tamang panahon. At ang ninanais ko, sa katunayan, maglahad ng platapormang hindi lamang nakapaloob sa tatlong pahina. Platapormang nakapaloob sa tatlong libro na, na tinatawag nating GAA o national budget. Sino mang tumatakbo, hindi pupwede na nasa tatlong pahina lang ang kanyang plataporma. Dapat pakita niya, san ba niya gagastusin ang pera ng gobyerno para mapatunayan na ito ang kanyang programa. Napakadaling sabihin na maraming bagay, pero napakahirap gawin, ika nga. Unless you put your money where your mouth is. We will be presenting to the people a budget, a platform based on a national budget. At least for one year, at best for the next six years, to show and prove that we know what we are doing. We have a direction that we want to take this country and we know exactly how to do it.
Q: Bakit GAA ang pagbabasehan mo ng plataporma mo?
A: Porma, at hindi basehan. Sasabihin ng lahat ng tatakbo, “Lalabanan namin ang korapsyon.” Magkano ba ang nilagay nilang pera para labanan ang korapsyon? Sasabihin ng gobyerno, “Importante sa akin ang edukasyon.” Magkano ba ang inilagay nilang pera para sa edukasyon?” As I said, put your money where your mouth is. And let that be the subject matter of a debate na “Ito bang gusto mo, o sige, mali ‘to eh.” Hindi naman nakaukit sa bato yan eh. At least, ang pinagdedebatehan natin, pa’no ba pagandahin ang bayan? Kesa naman tatlong panihang motherhood statements lamang ang sinasabi at lahat tayo, di natin alam pa’no ba niya gagawin yan? Sa pamamagitan ng dokumentong yun, malalaman kung may interesadong magbasa ng ganun kakapal na libro, malalaman kung pa’no, saan, at kailan mo gustong dalhin ang gobyernong ito at bansang ito.
Q: Kung masintensyahan si GMA, will you consider pardon? Presidential pardon?
A: Sa ngayon, hindi. At kung saka-sakali man, hayaan nating taong bayan ang magdesisyon kaugnay sa sensitibong bagay na ito. Hindi kahinaan ang pagtanong sa sambayanan ng opinyon nila, partikular sa mga sensitibong bagay na maaaring pagmulan ng kaguluhan. Kabilang na, katulad ng nabanggit ko, ang cha-cha. Kadalasan, ang nagiging problema natin, nagmamarunong ang mga opisyal. Inaangkin nila lahat ng talento, galing at dunong kaugnay sa pagpapasya. Kung saka-sakali, gaya ng sabi ko, hindi, sa ngayon ang sagot ko. Pero bago ko buksan ‘yon, tatanungin ko ang taong bayan kung yan ba ang gusto nila o hindi.
Q: At kung sabihin nilang gusto nilang ipardon si presidente?
A: Yun ang gagawin ko. Kung anuman ang sabihin ng mas nakararami. Sa isang demokrasya, iisa lamang ang batas na dapat mong sundin–kung ano ang boses at ninanais ng mayorya. Trabaho siguro natin na hubugin, giyahan kung ano yung magiging opinyon na yun. Pero, anuman ang kanilang isaboses, dapat igalang at tanggapin natin.
(Publication of the transcript was made possible by VERA Files trustee Booma Cruz, who is the general manager of Probe Productions.)