VERA FILES FACT CHECK: HINDI nag-eendorso si Doc Liza Ong ng pabango sa ari ng babae
Ilang pekeng Facebook page ang gumagamit kay Doc Liza Ramoso-Ong bilang endorser ng pabangong nakagagamot daw ng mga impeksiyon at amoy sa ari ng babae. Peke ito.
Ilang pekeng Facebook page ang gumagamit kay Doc Liza Ramoso-Ong bilang endorser ng pabangong nakagagamot daw ng mga impeksiyon at amoy sa ari ng babae. Peke ito.
Limang Facebook page ang gumagamit ng pangalan ng lisensiyadong manggagamot na si Kilimanjaro Tiwaquen (mas kilala sa social media bílang Dr. Kilimanguru), para mag-endorso ng dried fruit cereal. “Edited din ’yan,” sagot ni Dr. Kilimanguru sa nagtanong sa kanya sa Facebook.
Isang Facebook page na nagpapanggap na Department of Social Welfare and Development ang nagpo-post na namimigay raw ang DSWD ng limang libong pisong ayuda sa mga nag-register ng SIM. Peke ito.
Nabuo ang konsepto ng EDSA Greenways Project noong 2017 sa ilalim ng administrasyong Duterte. Layunin ng limang-kilometrong elevated walkway, na tinatayang nagkakahalaga ng $179.3 milyon, na isulong ang paggamit ng pampublikong sasakyan at pahusayin ang mga pasilidad ng pedestrian sa paligid ng apat na istasyon ng tren sa kahabaan ng EDSA, na “hindi maganda ang disenyo, hindi komportable, at hindi ligtas,” ayon sa mga dokumento ng proyekto sa ang website ng Asian Development Bank.
Binanggit na naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagdinig sa Senado ang maling impormasyon na mayroon siyang kaso sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga. Mapanlinlang din niyang sinabi na ipagpapatuloy niya ang kampanya kahit na siya ay “bitayin” ng korte na nakabase sa Netherlands.
Sa isang pampublikong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Mayo 23, anim na beses na nagbago si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa mga pahayag hinggil sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang bahagi ng taong ito na mag-angkat ng asukal.
(Editor’s Note: Unang nilathala ang fact check na ito sa Ingles noong 2021. Umikot muli ang maling babala sa FB nitong Marso at Mayo 2023 sa Filipino.) Habang dumaranas ng matinding tag-init ang Pilipinas ngayong buwan, kumalat ulit ang dalawang taon nang Facebook (FB) post na nagbababala sa pag-inom ng nagyeyelong tubig kapag tag-init, dahil […]
Maaari bang mag-angkat ng bigas ang NFA para sa kanyang emergency buffer stock?
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Mayo 11 na hindi na pinalawig ang “emergency status” ng Pilipinas. Ito ay nangangailangan ng konteksto.
Habang lumulutang ang mga tanong kung ang mga pagkakasala na isinampa laban kay Teves ay maituturing na terorismo, binalikan ng VERA Files Fact Check ang iba’t ibang kahulugan ng krimen.