Ngayong 2025, binantayan ng VERA Files ang mga disimpormasyong ginawa gamit ang artificial intelligence o AI. Kumpara sa nakaraang taon, dumoble at nagbago ang kalidad ng mga AI-generated at manipulated content kasabay ng pagkalat ng mga libreng teknolohiya para rito. Rumagasa ang iba’t ibang AI video at larawan tungkol sa disaster, politika, health, scams at giyera na naglayong linlangin ang mga Pinoy netizen.
Sa special episode ng What The F?! Podcast, tatalakayin ng VERA Files kasama si Engr. Ben Hur Pintor – Digital security advocate at Co-founder ng Smart CT, kung paano nakakaapekto ang paglaganap ng AI sa matagal ng problema ng disimpormasyon, anu-ano ang pwedeng gawin para mapalakas ang digital literacy sa bansa at mga maaring asahan sa AI at disinformation sa mga susunod pang taon.