‘Duterte Panagutin’
‘Yan ang sigaw ng mga kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings noong ipinatupad ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang madugong war on drugs o giyera laban sa droga, habang hinihintay nila ang confirmation hearings sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.







