(Last of two parts) Pinalala ng pagsikat ng mga content gawa ng artificial intelligence (AI) ang mga suliraning dala ng mis- and disinformation na matagal nang gumugulo sa ating lipunan.
Sa 386 fact checks na inilabas ng VERA Files tungkol sa mga online mis- at disinformation mula Enero hanggang Disyembre ngayong 2024, 24 dito ang ginamitan ng AI.
Pero ano nga ba ang epekto ng pagkalat nito sa mga karaniwang Pilipino? Ano ang pwede nating gawin para makasabay sa pagbabagong dulot nito? At baka naman makatutulong din pala ang AI mismo sa paglaban sa disinformation?
Alamin sa ikalawang parte ng aming yearender report sa AI at deepfakes! Panoorin dito: