Skip to content
post thumbnail
  • Yearender Special

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Dahil hari ang video, misinformation ang nasa trono sa panahon ng TikTok

(Ikalawa ng 2 bahagi) Mga video ang napiling armas ng mga gumagawa ng disinformation noong nakaraang pambansang halalan. Mahigit sa isang ikatlo, o 82 sa 218 na laman ng na-fact-check ng VERA Files, ang gumamit ng format na ito. Inilathala ng TikTok ang 45 sa mga ito.

By Celine Isabelle B. Samson

Dec 20, 2022

4-minute read

Basahin sa Ingles

Basahin ang PART 1

ifcn badge

Share This Article

:

(Ikalawa ng 2 bahagi) Mga video ang napiling armas ng mga gumagawa ng disinformation noong nakaraang pambansang halalan. Mahigit sa isang ikatlo, o 82 sa 218 na laman ng na-fact-check ng VERA Files, ang gumamit ng format na ito. Inilathala ng TikTok ang 45 sa mga ito.

Noong 2019 na eleksyon, lumitaw ang mga pekeng quote card bilang nangungunang format ng disinformation.

Isang karaniwang paraan ng video disinformation na nakita ng VERA Files Fact Check noong halalan na ito ay mga video na may manipuladong audio. Anim sa mga ito ang na-flag.

Nasa ibaba ang isang halimbawa kung saan ang mga dumalo sa rally ni Leni Robredo sa Kidapawan City ay nag chant daw ng “BBM.”

Sa isa pang TikTok video, ang footage ng isang relihiyosong grupo sa dolomite beach sa Manila Bay ay namanipula at naglabas ng audio mula sa ibang clip, kung saan sumisigaw ang mga tao ng “Marcos, Marcos pa rin!”

Infographic: 110921-fake-marcos-manila-bay

Ang mga deepfake video ay hindi pa problema sa bansa; isa lang piraso ang na-flag ng mga fact-checker. Ang mga deepfake ay maaaring may mga nakakukumbinsi litratong na binago para magmukhang ang isang tao ay may ginagawa o sinasabing isang bagay na sa katotohanan ay hindi ginawa o sinabi, ayon sa isang depinisyon ng Merriam-Webster Dictionary.

Noong Abril, umikot sa Facebook at sa mga pribadong messengers ang isang video ni Marcos Sr. na kinukwestiyon ang moral values ng mga taong bumoto para sa isang tax evader.

Inforgraphic: Deepfake - Marcos Sr 2022

Nang i-verify, ang video ay isang deepfake at talagang gumamit ng litrato ni Marcos Sr. sa kalagitnaan ng kanyang pagtatalumpati noong 1986. Ang kanyang bibig ay na-edit at pinalitan ng sa ibang tao at pinagalaw para sabihin ang mensahe.

infographic: Facebook remains king platform for election disinfo; Tiktok a rising star
Sa 83.85 milyong mga gumagamit ng Facebook sa Pilipinas noong unang bahagi ng 2022, o 78.6% ng buong populasyon nito, hindi kataka-taka na ang mga na-fact check ng VERA Files na may kinalaman sa halalan ay karamihan nagmula sa Facebook.

Ang VERA Files Fact Check, isang third-party na fact-checking partner ng Meta, ay nag-flag ng 207 na katulad na mga post sa Facebook (FB) nang panahong iyon.

Ang TikTok ay mabilis na nakilalang platform, na naitulak ang YouTube sa ikatlong puwesto. Ang kasikatan nito ay nagsilbing catalyst para sa mga video na maging dominanteng behikulo sa pagpapalaganap ng disinformation.

Bagamat ang VERA Files Fact Check ay nag-flag ng 298 social media content, nakagawa lamang ito ng 218 na factchecks dahil ang ilang nilalaman ng social media ay pareho naman, at naka-cross-post lamang sa ibang platform.

Ang praktis na cross-posting ay nagbigay-daan sa disinformation na magkaroon ng mas mahabang buhay at pinalawak ang abot nito na hindi mangyayari kung nananatili sa iisang platform lamang.

Halimbawa, noong Marso, mayroong clip ng isang pari na naghahatid ng isang homiliya, na nakaliligaw na pinutol-putol at isima sa mga clip ng campaign rallies ni Marcos — para magmukhang inendorso ng una ang huli. Nakakuha ito ng 311,000 views sa TikTok.

Sa parehong araw, isang Facebook page ang nag-upload nito at nakakuha ng 4.89 milyong interactions.

Anim pang Facebook page, limang FB accounts at dalawang channel sa YouTube ang muling nag-upload ng video bilang sarili nila at sama-samang nakakuha ng karagdagang 4.84 milyong interactions.

Tinawag ng Tsek.ph ang produksyon at paglaganap ng high volume, multipronged at multi-platform na kasinungalingan bilang isang “firehose of disinformation” strategy, kung saan ang mga piling target ay inaatake — o sa kasong ito, itinataguyod — gamit ang tradisyonal na media at mga komunidad ng mga sharer sa social media.

Tingnan ang hinaharap

Mula nang manumpa ang bagong administrasyon noong Hunyo 30, ang disinformation na may kinalaman sa halalan ay unti-unti nang bumaba kumpara nung gumamit ng firehose sa rurok nito.

Kahit na ang dami ng misinformation at disinformation ay mataas at multipronged, gayundin ang mga pagsisikap na labanan ang mga ito. Nagkaroon din ng higit pang mga inisyatibo ngayong taon upang itama ang mga kasinungalingan at turuan ang mga tao na maging kritikal na gumagamit ng impormasyon.

Kabilang dito ang Tsek.ph, ang naunang election fact-checking collaboration sa bansa, na lumaki sa 34 partners mula sa media, academia at civil society mula sa unang 14 partners noong inilunsad ito noong 2019. Ang VERA Files Fact Check ay miyembro ng Tsek. ph.

 

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.