Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Mga Pilipino nahaharap sa sunud-sunod na mga kasinungalingan sa social media sa 2022 elections

(Una sa dalawang bahagi) Lituhin at linlangin ang naging laro noong 2016 presidential elections gayundin sa 2019 mid-term polls, ngunit ang presidential race sa taong ito ang pinakamasama.

By Celine Isabelle B. Samson

Dec 20, 2022

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

(Una sa dalawang bahagi) Lituhin at linlangin ang naging laro noong 2016 presidential elections gayundin sa 2019 mid-term polls, ngunit ang presidential race sa taong ito ang pinakamasama.

Ang disinformation sa halalan na kinaharap ng mga Pilipino ay nakapipinsala, paulit-ulit at mabilis na kumakalat. Itinayo rin ito sa mga pundasyon ng maraming taon na disinformation na tinatarget ang mga partikular na kandidato.

Ang VERA Files Fact Check ay nagsusuri ng mga viral post mula noong 2016 na halalan. Naobserbahan nito ang muling paglitaw ng mga luma, hindi totoo, at mapanlinlang na mga kwento ngayong panahon ng halalan. Mula sa walang batayan na mga alegasyon ng pandaraya hanggang sa revisionism ng kasaysayan, ang mga nangampanya ng pagkalat ng disinformation ay pinaulit-ulit at pinanindigan ang pagkalat nito habang papalapit ang bansa sa Mayo 9.

May mga bagong taktika, tumaas ang produksyon ng video disinformation, na naaayon sa kasikatan ng visual platform na TikTok. Ang cross-posting — isang nakababahalang trend na naobserbahan na noong 2021 — ay humantong sa mas mataas na dami ng disinformation.

Parehong luma: Si Marcos Jr. ang pinakanakinabang; si Robredo ang pinakamalaking biktima ng disinfo

A Case Study on Election Disinformation

Naglathala ang VERA Files Fact Check ng 218 fact-checks tungkol sa mga kasinungalingang nauugnay sa botohan at mapanlinlang na pahayag na kumalat sa internet mula Okt. 1, 2021, nang magsimula ang paghahain ng mga kandidatura, hanggang Nob. 30, 2022, apat na buwan matapos magsimulang manungkulan ang bagong administrasyon.

Ang pinakamaraming na-debunk ng VERA Files sa isang buwan sa panahong ito ay 36 hoaxes  noong Abril.

Si Bongbong Marcos ay nanatiling nangungunang nakinabang sa disinformation na gumamit ng positibong pagmemensahe, na nagpapanatili sa posisyon mula 2021. Noong mga nakaraang taon, pangalawa lamang siya kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Infographic: Who benefited the most from election disinformationNakinabang siya sa 84 na iba’t ibang uri ng nilalaman sa internet na na-fact check. Kabilang sa mga salaysay ay nagtapos siya sa University of Oxford at hindi raw nag-ulat ang mainstream media sa kanyang mga aktibidad sa kampanya.

Ang iba pang fact-check ay tungkol sa disinformation tungkol sa administrasyon ng kanyang ama, ang yumaong diktador Ferdinand Sr., ang pamilyang Marcos sa pangkalahatan, at ang tandem ni Marcos sa kanyang running mate na si Sara Duterte-Carpio.

Infographic: Who was the biggest victim of election disinformation?

Samantala, si Robredo ay patuloy na naging pinakamalaking biktima ng disinformation na gumamit ng negatibong pagmemensahe, na may kabuuang 82 fact checks.

Ang pinakasikat na pagmemensahe ay nagpakita na siya ay gumagawa ng mga walang katuturang pahayag tulad ng “Ang mga teenager ay ang pinakamalaking biktima ng teenage pregnancy” at ang kanyang payo sa mga nakasakay sa motorsiklo na magsuot ng mga face shield sa ibabaw ng kanilang mga helmet. Sinubukan din ng ilang maling Facebook post na i-kondisyon ang mga botante na isipin na siya ay isang mandaraya.

Ilang mga video ang lumabas sa TikTok na nagpapakita ng mga Kakampink rallies ni Robredo, ngunit ang audio nito ay na-edit para ipakitang ang kanyang mga tagasuporta ay humihiyaw ng “BBM” — isang Marcos moniker.

Bukod sa mga nangunguna sa presidential race, ang iba pa na kapansin-pansing pumalaot sa mga kwentong may misinformation at disinformation ay mga institusyon ng awtoridad tulad ng Commission on Elections (Comelec) at Department of Health (DOH) at dalawang paring Katoliko.

Kwentong di-kapanipaniwala para lituhin ang mga botante

“Ang mga kampanya ng disinformation ay madalas na nagsisimula bago ang halalan upang lumikha ng kalituhan at hayaan ang mga natalo na kuwestiyunin ang mga resulta,” sabi ng Electoral Integrity Project sa isang blog post noong Abril.

Noong nakaraang halalan, nakita ng VERA Files Fact Check ang pag-recycle ng mga luma, maling paglalarawan para makinabang ang mga partikular na kandidato habang pinapabagsak ang iba. Ang mga mas bago at mapaminsalang salaysay ay ginamit, na nagpasigla sa mga pagtatangka na manipulahin ang opinyon ng mga tao sa isang banda, at sa kabilang banda, atakihin ang tiwala sa mga personalidad at institusyon.

Ang mga kampanya ng disinformation na nauugnay sa halalan na lumaganap online ay umiikot sa mga sumusunod:

 

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.