Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: YouTube disinformation mas notorious at naka-network sa Facebook noong 2021

Ngayong taon, naging mas kitang-kita ang isang nakababahalang trend sa lokal na disinformation mula sa mga YouTube channel. Isang video sa YouTube lang ang kailangan na ma-upload sa mga social media channel upang maging isang matinding tagapagkalat ng misinformation.

By Celine Isabelle Samson

Dec 22, 2021

8-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ngayong taon, naging mas kitang-kita ang isang nakababahalang trend sa lokal na disinformation mula sa mga YouTube channel. Isang video sa YouTube lang ang kailangan na ma-upload sa mga social media channel upang maging isang matinding tagapagkalat ng misinformation.

Mula Enero 1 hanggang Dis. 10, halos isang ikatlo (89) ng 336 na mga artikulo tungkol sa online disinformation ang inilathala ng VERA Files Fact Check na may kinalaman sa mga video sa YouTube.

Ito ang pinakamalaking bilang ng mga disinformation disinformation item sa YouTube na na-fact check ng VERA Files sa mga nakaraang taon. Higit sa doble (44) ang mga post na parehong uri na napasinungalingan namin noong 2020, isang pagtaas na humigit-kumulang 110% (8) mula 2019, at halos 180% na pagtaas (5) mula 2018.

Marami sa mga item na ito ay na-repost sa iba pang mga platform ng social media, na higit pang pinalalakas ang abot ng bawat kasinungalingan.

Noong Hunyo, ang channel sa YouTube na BANAT NEWS TV ay naglabas ng isang huwad na “breaking news” na ulat na nagsasabing tatanggalin sa pwesto si Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez. (Basahin: VERA FILES FACT CHECK: Comelec spox is NOT being removed)

Pinabulaanan mismo ni Jimenez ang pahayag at inimbitahan ang publiko na i-report ang post bilang Maling Impormasyon sa platform. Ngunit ang paghuli sa kasinungalingan ay mahirap; malawak ang abot ng video. Bukod sa orihinal na publisher, hindi bababa sa walong Facebook (FB) pages, isang website at isa pang channel sa YouTube ang muling nag-upload ng video na may parehong hindi totoong pahayag.

Ang ilan sa mga FB page ay naglabas ng kanilang mga kopya ng video sa loob ng isang minuto ng pag-post ng bawat isa, na nagpapahiwatig ng automation sa paglalathala nito. Ang parehong paraan ng pagpapakat ay napansin sa YouTube disinformation tungkol sa maraming iba pang mga isyu.

Mula sa 91 YouTube videos na na-fact-check ng VERA Files ngayong taon, narito ang mga trend na lumitaw:

1. Mahigit sa kalahati ng mga kasinungalingan ay nagmula sa dalawang YouTube channels

Sa 91 YouTube videos, karamihan (48) ay nagmula sa dalawang account lamang: BANAT NEWS TV at Showbiz Fanaticz.

Ang una ay sumali sa YouTube noong Dis. 26, 2015 at nakakuha ng halos 40 milyong views.

Ang huli, isang verified YouTube channel na ginawa noong Nob. 9, 2017, ay nakakolekta ng halos 247 milyong views at na-flag ng VERA Files mula noong 2020 dahil sa paulit-ulit na paglathala ng disinformation.

Kapag ang isang account sa YouTube ay may verified badge, nangangahulugan na ito ay “opisyal na channel ng isang creator, artist, kumpanya, o pampublikong personalidad,” ayon sa Help center ng platform. Ngunit maaaring bawiin ng YouTube ang verification o tanggalin ang channel kung lumabag ito sa mga alituntunin ng komunidad, na kinabibilangan ng paglalathala ng mapanlinlang at nakaliligaw na nilalaman.

Ang Showbiz Fanaticz ay nananatiling verified sa platform sa kabila ng pag-flag ng maraming fact-checkers.

2. Ang popular na paksa ay ang 2022 elections.

Hindi nakagugulat na eleksyon ang naging pinakapangkaraniwang paksa ng disinformation sa YouTube ngayong taon, na may 33 sa 91 videos.

Ang gulo sa pagitan ng dalawang paksyon sa partido ni President Rodrigo Duterte, ang Partido Demokratiko ng Pilipinas – Lakas ng Bayan, ang mitsa ng pinakamaraming disinformation. Lahat ng pitong video sa paksang ito ay umatake kay Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao, na namumuno sa breakaway group.

Mayroon ding limang hindi totoong anunsyo ng “kumpirmadong” tandem sa pagitan ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ilang buwan bago nila ginawang opisyal ang kanilang partnership. Isa rin ang nagbanggit ng tandem nina Marcos at Pangulong Duterte.

Isang kasalukuyang trend ng disinformation na may kaugnayan sa halalan ang nagtutulak sa maling salaysay na ang mga petisyon na inihain laban sa kandidatura ni Marcos ay ibinasura.

Ang Comelec ay hindi pinalusot ng mga nagsusulong ng hindi totoong pahayag. Bukod sa pag-atake laban kay Jimenez, lumabas ang mga pekeng ulat na ang mga opisyal ng poll body ay “mare-reshuffle.” Naglabas din si Marcos ng isang video na puno ng mga kasinungalingan, na umaatake sa kredibilidad ng automated elections system.

Kabilang sa iba pang popular na paksa ang COVID-19 (9), mga pekeng anunsyo tungkol sa mga social aid na programa (6), ang mga Aquino at ang hindi totoong pahayag na ang Ninoy Aquino International Airport ay papalitan ng pangalan (6), at ang West Philippine Sea (5).

3. Ang mga Duterte at Bongbong Marcos (na naman) ang may pinakamalaking pakinabang sa YouTube disinformation

Nanguna sina Pangulong Duterte at Marcos sa listahan ng mga public figure na umani ng pinakamaraming benepisyo mula sa YouTube disinformation ngayong taon. Naobserbahan ng VERA Files Fact Check ang parehong pattern sa mga nakaraang taon tungkol sa online disinformation sa pangkalahatan.

Ang mga video na nagtaguyod kay Duterte ay mali sa pagsasabing inilalagay niya ang kanyang mga kritiko at mga kalaban sa pulitika sa kanilang tamang lugar. Ang parehong salaysay ay inilarawan ang anak na babae ni Duterte, si Sara, na sumusunod ng ilang mga hakbang bilang pangunahing benepisyaryo ng hindi totoong impormasyon, bilang isang taong naglalagay din sa kanyang mga kritiko sa kanilang tamang pagkakalagyan.

Kasama sa iba pang hindi totoong pahayag ang mga maling sipi ng mga lider ng mundo gaya ni President Joe Biden ng United States o Queen Elizabeth ng United Kingdom na pinupuri ang pagkapangulo ni Duterte.

Samantala, nakinabang si Marcos sa disinformation sa mga sumusunod na pahayag:

  • Na nanalo siya sa kanyang electoral protest sa pagka-bise presidente.
  • Na ang mga petisyon na humahamon sa kanyang kandidatura ay ibinasura.
  • Na nakakuha siya ng bachelor’s degree sa University of Oxford.
  • Na ang isang caravan ng mga tagasuporta ng kanyang presidential bid ay nakakuha ng Guinness World record.

4. Karamihan sa disinformation ay talagang hindi totoo.

Batay sa mga fact check ng VERA Files sa mga YouTube post, ang karamihan ay mga talagang gawa-gawa o direktang sumasalungat sa mga katotohanan.

Ang lahat ng 25 videos ng BANAT NEWS TV na na-verify ng VERA Files Fact Check ay lumabas na hindi totoo, habang ang mga video ng Showbiz Fanaticz ay na-rate na peke (1), hindi totoo (23) o nakaliligaw (3).

Gumamit ang mga YouTube channel ng iba’t ibang mapanlinlang na taktika, ang pinakakaraniwan sa mga ito ay mga hindi totoo at clickbait na headline pati na rin ang nilalamang video na hindi sinusuportahan ng makatotohanang ebidensya.

Isang Nob. 4 na video ng YouTube channel Showbiz Fanaticz na mali ang pahayag na ang disqualification petition laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos ay ibinasura. Screenshot ng VERA Files.

Halimbawa, ang pinakasikat na video ng Showbiz Fanaticz na na-fact check ng VERA Files — na ang na reupload na bersyon sa FB ay maaaring umabot sa 3.7 milyong tao, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle — ay ang video nito noong Nob. 4 na nagsasabing pumanig ang Korte Suprema kay Marcos at ibinasura ang isang disqualification case na isinampa laban sa kanya.

Ang headline nito, “JUST IN: KORTE, KINAMPIHAN NA si BONGBONG MARCOS| ROBREDO at CARPIO BIGONG IPADISQUALIFY si BBM” ay hindi totoo. Walang korte ang naglabas ng ganoong desisyon.

Binabalaan ng YouTube ang mga publisher laban sa paglabag sa mga pamantayan ng komunidad nito na nauugnay sa mga mapanlinlang na kagawian na kinabibilangan ng “paggamit ng pamagat, mga thumbnail, paglalarawan upang linlangin ang mga user na maniwala na ang nilalaman ay isang bagay na hindi naman ganoon.”

Ang paglabag sa mga pamantayang ito ay maaaring dahilan upang wakasan ang isang channel o bawiin ang verification nito. Gayunpaman, sa patuloy na pag-agos ng serve ng disinformation na inilabas ng BANAT NEWS TV at Showbiz Fanaticz ngayong taon, lumilitaw na binalewala ang probisyong ito para sa dalawang channel.

5. Ang pagpapalakas ng YouTube disinformation ay mukhang pinag-ugnay sa Facebook

Isang kasalukuyang trend sa YouTube disinformation na naobserbahan ng VERA Files Fact Check ay ang pag-upload ng ilan sa mga video na ito sa mga FB page, website at maging sa TikTok account.

Itinaas nito ang abot ng mga YouTube video sa panibagong antas. Halimbawa, ang hindi totoong post ng Showbiz Fanaticz tungkol sa Korte Suprema at Marcos ay nakakuha lamang ng humigit-kumulang 237,000 views sa platform, ngunit ang mga kopyang na-upload sa FB ay umani ng karagdagang 897,000 views at sa TikTok, mga 341 pa.

Gayundin, ang ilang mga YouTube video ay sabay-sabay na inilabas sa ilang mga social media account. Ipinahihiwatig nito na ang pag-upload sa FB ay awtomatiko at pinapataas ang posibilidad na iisang tao lamang ang nasa likod ng mga pahinang ito.

Ang mga sumusunod na graphics ay nagpapakita ng pattern ng pag-post ng ilan sa mga kuwento na pinalaki ng pinakamaraming bilang ng mga social media account.

Ang parehong pattern ng disinformation mula sa YouTube na tumatawid sa iba pang mga platform ay naobserbahan sa ibang bansa. Ngunit natuklasan ng isang pag-aaral na ang pagpigil sa pagkalat ng hindi totoong nilalaman ng YouTube ay maaaring magkaroon ng epekto sa paglaganap nito sa iba pang mga channel sa social media.

Noong Oktubre, ang Center for Social Media and Politics sa New York University ay nag-ulat ng pagbaba sa pagbabahagi ng mga hindi totoo at mapanlinlang na video na may kaugnayan sa halalan sa FB at Twitter sa United States pagkatapos na maglabas ang YouTube ang mas mahigpit na mga patakaran laban sa mapaminsalang misinformation.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.