Skip to content
post thumbnail
  • Yearender Special

AI at deepfakes: Bagong taon, bagong mukha… ng disimpormasyon?!

Ano nga ba ang AI? Paano malalaman kung deepfake ba ang nakita mo o hindi? Panoorin ang video para malaman at mapalalim pa ang iyong pag-unawa rito.

By Valerie Nuval and Bryan Manalang

Dec 29, 2024

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(First of two parts) Sumabog sa popularidad at naglipana online ang mga mis- at disinformation na gawa gamit ang artificial intelligence (AI) ngayong 2024.

Sa pagtatapos ng taon, binalikan ng VERA Files ang mga nagawa nitong fact-check. Sa 386 articles na inilabas nito tungkol sa mga online mis- at disinformation mula Enero hanggang Disyembre, 24 sa mga ito ay deepfakes – o mga content na AI-generated o mga original media na minanipula gamit ang AI.

Bilang konteksto, simula noong inilunsad ng VERA Files ang fact-checking initiative nito noong 2018, tanging dalawa lamang ang inilabas nitong mga fact-check na may kinalaman sa posibleng AI manipulation bago ang taong ito. Kumpara sa mga nakaraang taon, malaki na ang pinagkaiba ngayon ng disinformation ecosystem.

Pero ano nga ba muna ang AI? Paano malalaman kung deepfake ba ang nakita mo o hindi? Panoorin ang video para malaman at mapalalim pa ang iyong pag-unawa rito!

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.