Skip to content

Try

post thumbnail

FACT CHECK: GAWANG-AI and video na nagsasabing may ₱100K ayuda para sa PWDs

WHAT WAS CLAIMED

Ang magulang ng mga persons with disabilities ay makatatanggap ng P100,000 cash assistance taun-taon sa pamamagitan ng pagrehistro online.

OUR VERDICT

Fake:

Walang programa ang gobyerno na nagbibigay ng annual na P100,000 cash aid para sa mga may kapansanan. Ginawa ang video gamit ang AI. Ang mga post ay naglalaman rin ng pekeng links patungo sa mga online shopping site.

By VERA Files

Dec 15, 2025

2-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

May Facebook video na nagsasabing makakatanggap ng ₱100,000 na ayuda taon-taon ang mga magulang ng mga person with disability (PWD) sa pamamagitan ng pagre-register sa mga link na nasa caption ng video. Peke ito. Ang video ay ginawa gamit ang AI o artificial intelligence.

Ini-upload noong Nov. 29 ang video na pinagmumukhang balita at may babaeng “anchor” na nagsasabing:

“Lahat ng may anak na PWD, makakatanggap ng one hundred thousand kada taon.Magpalista lang sa link na nasa post namin nationwide. Salamat po.”

Tatlo pang page ang nag-post ng parehong video at caption na may tatlong link na para daw sa requirements at registration form.

Walang programa ang gobyerno na nagbibigay ng annual na P100,000 cash aid para sa mga may kapansanan. Ginawa ang video gamit ang AI. Ang mga post ay naglalaman rin ng pekeng links patungo sa mga online shopping site.

May mga palatandaang ginawa ng AI ang video:

  • May watermark na “Veo” (AI video generation tool ng Google).
  • Mali ang bigkas sa “PWD”.
  • Malabo ang spelling ng “Pilipino”.

Ang video ay isinalang ng VERA Files sa AI detection tool na Hive Moderation, at nakitang 99.1% ng video ang malamang na ginawa ng AI.

Ang boses din ng nagbabalita ay gawa ng Google AI, na nahuli ng mismong AI detection tool ng Google na SynthID (bukod sa kitang-kita ang watermark na “Veo” sa buong video).

Lahat ng link sa caption ng video ay clickbait lang sa dalawang online selling website, na karaniwang modus para mag-promote ng produkto.

Ang video ay pinakalat pagkatapos sabihin ng DSWD at Council on Disability Affairs noong Nov. 20 na tuloy ang pamimigay ng unified identification system sa buong bansa para ayusin ang pagpaparehistro, pagpapatunay at pagpoprotekta sa mga PWD.

Ang video ay ini-upload ng Facebook page na Pilipinas Newsline (ginawa noong Oct. 20) at may lagpas 2,500 views, 100 shares, 10 comments at 10 reactions. Ang ibang na-delete na kopya ng video na ini-upload ng Nagkakaisang Pilipino, Edukasyon News Ph: News Updates Today at Pinoy Newswire ay mas kumalat pa.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.