Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI nag-resign si BBM; siya pa rin ang pangulo

Hindi nagbitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos. Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi ito option para kay Marcos.

By VERA Files

Nov 20, 2025

2-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

May mga pro-Duterte Facebook page at website na nagpapakalat na sa gitna ng kaguluhan sa malawakang pangungurakot, nag-resign na si Pangulong Bongbong Marcos at papalitan ni Vice President Sara Duterte. Hindi ito totoo.

Ini-upload noong Nov. 16, isa sa mga post ay may nakasulat na:

“Nagkagulo na! Ikinanta lahat ni [Z]aldy Co ang mga utos ni BBM – bakit lahat ng mataas na opisyal tumakas? VP Sara, papalitan na si BBM ngayong Nov. 17”

Isa pang post ang pinagmumukha namang may hawak na resignation letter si BBM at may nakasulat na:

“Marcos sibak na! Sa wakas! VP Sara, uupo na sa palasyo.”

Hindi totoo ang mga ito. Si Marcos pa rin ang pangulo ng Pilipinas.

Hindi nagbitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos. Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi opsyon ang pag-resign para sa pangulo at mga “ingay” lamang ang mga nagtatawag sa kanyang pagbibitiw.

Walang announcement ang Presidential Communications Office (PCO) tungkol sa resignation ni BBM, at wala ring kaso ng impeachment para tanggalin siya.

Sa press briefing noong Nov. 18 ay sinagot ni PCO Undersecretary Atty. Claire Castro na hindi magre-resign si BBM kahit na pinagre-resign siya ng mga taga-suporta ng mga Duterte.

Ayon kay Atty. Castro, “Ang Pangulo ay matapang na haharapin kung anuman ang suliranin ng bansa at silang mga nag-iingay, sila ay ingay lamang.”

Ang mga sabi-sabing pagre-resign daw ni BBM ay ipinakalat pagtapos ng speech ng ate niyang si Imee Marcos sa rally ng Iglesia ni Cristo nitong Nov. 17. Ibinunyag ni Imee sa publiko na adik daw sa ipinagbabawal na mga gamot si BBM kaya hindi niya maayos na pinamumunuan ang bansa, kaya iniudyok ni Imee na mag-resign si BBM.

Ang maling impormasyon ay pinakalat ng mga Facebook page na Dingmar’s Happy House (ginawa noong July 16, 2024), Duterte Active Supporters (Nov. 14, 2017), Tatay Digong – unofficial (Sept. 21, 2016) at website na newsjer.com ay may pinagsamang lagpas 1,600 reactions, 540 comments at 210 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.