PAHAYAG
“Hidden in the 222 pages of 2025 General Appropriations Acts (GAA) were at least 10 pages with blank spaces where the amount[s] of budget were supposed to be written.”
(“Nakatago sa 222 na pahina ng 2025 General Appropriations Acts (GAA) ang hindi bababa sa 10 mga pahina na may mga blangkong puwang kung saan dapat nakasulat ang [mga] halaga ng budget.”)
Pinagmulan: Jun Abines Facebook page, The greatest robbery ever caught on camera (archive), Enero 19, 2025
ANG KATOTOHANAN
Ang 4,057-pahinang General Appropriations Act of 2025, o Republic Act No. 12116, na nilagdaan bilang batas noong Dis. 30, 2024 ay walang mga “blank space” sa tapat ng mga ahensyang binanggit ni Abines. Ang photocopy ng mga pahina na ipinakita niya ay wala sa GAA, pero nasa 222-pahinang bicameral conference committee report.
Tingnan ang paghahambing sa ibaba:
Isang mambabasa ang nagpadala ng post ni Abines para sa pag-verify sa pamamagitan ng VERA Files Misinformation Tipline. Kung makakita ka na anumang mga post na maaaring mangailangan ng fact-checking, huwag mag-atubiling ipadala ang mga ito sa aming misinformation tip line sa FB Messenger.