Categories
Ano Raw Fact Check Filipino

FACT CHECK: MALI ang translation sa video ni Pope Francis

May Facebook video na ipinagmumukhang ibinunyag ni Pope Francis na binago ng Simbahang Katolika ang Sampung Utos ng Diyos.

Facebook user Adnilre Shellane Banaag 2024-04-29 Peke

Walang sinabi si Pope Francis tungkol sa mga panloloko ng Simbahang Katolika.

May Facebook video na ipinagmumukhang ibinunyag ni Pope Francis na binago ng Simbahang Katolika ang Sampung Utos ng Diyos.

VERA FILES FACT CHECK: ANG TOTOO. Mali ang translations sa kumakalat na clip ni Pope Francis kung saan inamin niya umano na binago ng simbahang Katoliko ang mga batas ng Diyos. Ang clip ay mula sa video message ng Santo Papa tungkol sa pagkakaisa ng mga Kristiyano para sa isang American Pentecostal conference noong 2014.

Ini-upload noong April 29 ng isang Filipino netizen, ang video ay ipinakikita si Pope Francis na nagsasalita ng Latin, at sa English subtitles ay ipinagmumukhang ibinubunyag niya ang mga panloloko ng Simbahang Katolika:

You see we, the leaders in the Catholic church, really changed God’s law big time. We got rid of the second law, changed the fourth law and the[n] we divided the 10th into two so it would actually look like there is ten commandments still but not really. This is a secret we have been keeping for a long time yet not many people have realised this.You have all been deceived by this silly and crafty deception of ours.

So you now worship idols, and pray to Mary but she is dead. It’s time to stop this nonsense. I say this really simply so don’t be offended. But I am a man of sin mentioned in the Bible. And the Bible calls the Catholic Church the Mother of Harlots.

(Ang Sampung Utos ng Diyos ay binago naming mga leader ng Simbahang Katolika. Tinanggal namin ang pangalawang utos, binago ang pang-apat at hinati ang pansampu para magmukha pa ring Sampung Utos. Napakatagal na naming sekreto ito. Naloko namin kayo.

Kaya sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan at nagdadasal kay Mama Mary kahit patay na siya. Panahon nang itigil ang panloloko namin. ‘Wag kayong magalit dahil sinasabi ko lang ang nakasulat sa Bibliya: makasalanan ako at ang Simbahang Katolika ang Ina ng mga Bayaran).”

Mali ang translation. Sinadya ito para lokohin ang mga netizen.

Noong Feb. 21, 2014 ay ini-upload ng YouTube channel na uCatholic ang video na may tamang translation. Ang video ay message ni Pope Francis na kinuhanan ni namayapang Protestant Bishop Tony Palmer para sa conference ng mga Evangelical leader sa America noong 2014 tungkol sa pagkakaisa ng mga Kristiyano.

Walang sinabi si Pope Francis tungkol sa mga panloloko ng Simbahang Katolika.

Ang video na may maling translation ay ini-upload noon pang 2021 at pinasinungalingan ng Rappler at iba pang mga fact-checking organization.

Kumalat ito ulit sa mga Filipino netizen dalawang linggo pagtapos i-announce ng Vatican na sa September ay pupunta si Pope Francis sa ilang bansa sa Southeast Asia pero hindi kasama ang Pilipinas.

Kamakailan ay pinili ni Pope Francis si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang representante ng Santo Papa sa National Eucharistic Congress sa America mula July 17 hanggang 21.

Pinasinungalingan din ng VERA Files ang iba pang kumakalat na impormasyon tungkol kay Pope Francis.

Ang video na may maling translation ay may higit 920 reactions, 490 comments, 1,100 shares at 201,000 views.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)