Pandemic Graduates… Job Ready Na Ba?
Mas nahihirapan daw maghanap ng trabaho ang tinatawag na pandemic graduates. Online classes nga ba ang dahilan? Alamin dito sa Episode 5, Season 2 ng What the F?! Podcast.
Abangan ang What the F?! tuwing makalawang Martes para sa kakaibang paraan ng paghahatid ng impormasyon.
Walang murahan dito sa What the F?! Usapang FACTS lang. Hihimayin at bubusisiin ng VERA Files ang maiinit na isyu para mas madali itong maintindihan.
SUBSCRIBE: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts | YouTube | Spotify for Podcasters
Mas nahihirapan daw maghanap ng trabaho ang tinatawag na pandemic graduates. Online classes nga ba ang dahilan? Alamin dito sa Episode 5, Season 2 ng What the F?! Podcast.
Sa dami ng reklamo at agam-agam nina Pimentel at Escudero, e bakit wala sila no’ng oras na ng botohan?
Nangako si Emily Soriano sa harap ng bangkay ng kanyang 15-taon gulang na anak na si Angelito na panagutin ang mga taong responsable sa kanyang pagkamatay. Pakinggan sa Episode 4, Season 2 ng What the F?! Podcast kung bakit patuloy na lumalaban si Emily para makamit ang hustisya, hindi lang para kay Angelito kundi sa lahat ng mga biktima ng drug war.
Isa si Christine Pascual sa mga nanay na nagreklamo laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court matapos mapatay ang kanyang anak dahil sa madugong war on drugs. Iyon na lang kasi ang nakikita niyang paraan para mapanagot si Duterte at mga kasabwat nito sa pagkamatay ng 17-taon-gulang na si Joshua. Pakinggan sa Episode 3, Season 2 ng What the F?! Podcast.
Dalawang anak ni Llore Pasco ang namatay dahil sa drug war sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte. Sa halip na magmukmok, sumapi siya sa Rise Up for Life and for Rights para bigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga anak.
Acquitted na sa dalawang kaso. Higit anim na taon nakakulong. Ganun-ganon na lang ba ‘yun? Parang wala lang?
May nagbabantang energy crisis sa Pilipinas dahil sa papalapit na pagkaubos ng Malampaya gas field. Ano-ano nga ba ang pwedeng magawa ng Marcos administration para maiwasan ito?
Nagpatay-patayan si Efren Morillo para makaligtas sa Oplan Tokhang noong 2016. ‘Yung apat na kasama niya patay lahat. Pinaghinalaan silang nagdodroga. Pakinggan natin ang kwento ni Efren dito sa Episode 1 ng Season 2 ng What the F?! Podcast ng VERA Files.
Umpisahan kaya niya sa supporters at panatiko niya, pati na rin sa mga alipores ni Duterte. Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Kung ikaw ang i-survey, paano mo masasabi na aprub ka sa performance ng presidente o bise presidente? Alamin sa komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.