Skip to content

Try

post thumbnail

FACT CHECK: WALANG ayudang P150K sa uuwing OFWs galing digmaan sa Middle East

WHAT WAS CLAIMED

May ipinapamahaging P150,000 na ayuda para sa mga OFW na uuwi sa Pilipinas dahil sa giyera ng United States at Israel laban sa Iran.

OUR VERDICT

Mali:

Walang ipinapamahaging P150,000 na ayuda para sa mga OFW na uuwi sa Pilipinas dahil sa Israel-Iran war. Ang video na ito ay mula pa noong Hunyo 2025.

By VERA Files

Mar 11, 2026

2-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

May kumakalat na Facebook video na nagsasabing mamimigay ang gobyerno ng ayudang 150,000 pesos sa mga uuwing OFW dahil sa nangyayaring digmaan sa Middle East. Hindi ito totoo.

Tinanggi ng Overseas Workers Welfare Association ang nasabing ayuda. Ang clip na ginamit sa video ay galing sa balita noong June 2025.

Ini-upload noong March 4 ang video kung saan ini-announce ni OWWA Administrator Patricia Cuanan na ang mga uuwing OFW dahil sa giyera ay tatanggap ng 75,000 pesos galing sa Department of Migrant Workers (DMW) at isa pang 75,000 galing sa OWWA. Ang video ay may nakasulat na:

“Php 150,000. Malaking Tulong Na yan samin Mga ofw kung Sakaling mkauwi (sic) kami dahil sa geraa (sic).”

Walang ipinapamahaging P150,000 na ayuda para sa mga OFWs na uuwi sa Pilipinas dahil sa giyera ng United States at Israel laban sa Iran. Ang video na ito ay mula pa noong Hunyo 2025.

Ang clip na ginamit sa video ay galing sa balita ng BusinessWorld noong June 19, 2025, na kasagsagan noon ng matagal nang giyera ng Israel at Iran. Noong panahong iyon, ang mga OFW na tinulungang mapauwi ng gobyerno ay binigyan ng ayudang 150,000 pesos galing sa DMW at OWWA.

Noong March 5 ay pinaalalahanan ng OWWA ang publiko na mag-ingat sa mga impormasyong walang lehitimong basehan:

“PAALALA SA ATING MGA KABABAYAN. May kumakalat na impormasyon online na nagsasabing may ibinibigay na ₱150,000 financial assistance mula sa DMW at OWWA. Ang balitang ito ay HINDI TOTOO.”

Pinaliwanag ng ahensiya na may iba pa namang benepisyo para sa mga miyembro ng OWWA at mga pamilya nila, gaya ng ayuda para sa mga nagigipit, pangkabuhayan para sa mga umuwing OFW, kasama rin ang iba’t ibang training, scholarship, at upskilling opportunities.

Ang video ay lumitaw pagtapos bombahin ng Amerika ang Iran noong Feb. 28. Gumanti ang Iran sa pamamagitan ng pag-atake sa mga base militar ng Amerika sa Middle East. Sa ngayon ay 299 na Pinoy na naapektuhan ng digmaan ang ligtas na nakauwi, kasama ang 23 OFW.

Ang video ay ini-upload ng isang Facebook user at may lagpas 571,000 views, 8,900 reactions, 4,900 shares at 3,500 comments. Hindi bababa sa tatlong iba pang Facebook user ang nag-repost ng mga screenshot ng lumang video.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.