Skip to content
post thumbnail

Samal-Davao Bridge: Peligro sa paraiso o tulay sa pag-asenso?

Ginagawa na ang matagal nang pangarap na tulay na magdudugtong sa Samal Island at Davao City. Pero bakit ito tinututulan ng environmental advocates?

By Rhoanne De Guzman, Mon Caling, Lucelle Bonzo

Nov 7, 2024

2-minute read

Share This Article

:

Matagal nang pangarap na magkaroon ng tulay na magdudugtong sa Davao City at Samal Island, na kilala rin na Island Garden City of Samal o IGaCoS. Sikat na tourist destination ang Samal Island sa Davao del Norte.

Habang wala pang tulay, ferry barge ang gamit sa pagtawid ng tao at sasakyan doon. Kaya lang, madalas ay inaabot ng mula isa hanggang dalawang oras ang paghihintay dahil sa mahabang pila o hanggang mapuno ang barge bago makatawid sa Pakiputan Strait.

Kung may tulay, mula 3 hanggang 5 minuto lang daw ay makatatawid na mula sa Davao City hanggang Samal Island.

Hindi tinututulan ang paggawa sa SIDC Bridge dahil sa mga benepisyo nito sa pag-unlad, pero pumalag ang environmental advocates at negosyante na matatamaan ng landing ng tulay. Sabi nila, mamamatay ang masaganang coral reefs sa lugar, mapuputol ang daan-daang puno at malalagay sa peligro ang kabuhayan ng mga mangingisda doon.

May isyu rin sa pagpili sa Chinese contractor na hindi maayos ang performance record sa ibang bansa.

Bakit hindi pinakinggan ng gobyerno ang mga pagtutol na ito? Alamin sa special episode ng “What The F?!” Podcast ang mga kontrobersyang bumabalot sa Samal Island-Davao City Connector Bridge. Tulay ba ito sa pag-asenso o peligro sa paraiso?

This story was produced in partnership with Davao Today with support from Internews’ Earth Journalism Network.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.