Pagkabigong maipanalo ang lahat ng kanyang kandidato sa pagka-senador, patuloy na pagbatikos ng bise presidente at matinding galit ng publiko sa mga korap na opisyal ng kanyang administrasyon ang bumungad sa huling tatlong taon ng termino ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr.
Habang tumitindi ang galit ng taumbayan sa mga pagkukulang ng administrasyon sa pagtugon sa maiinit na isyu, saan na nga ba patungo ang mga plano ni Marcos?
Panoorin ang dokumentaryong handog ng VERA Files.
Transcript
Video Transcription Narrative
Disclaimer: This narrative transcription was generated by Gemini from the provided video script document.
Experts Featured:
- Atty. Princess Abante, Spokesperson, House of Representatives
- Jean Franco, Professor, UP Department of Political Science
- Aries Arugay, Professor, UP Department of Political Science
- Antonio Carpio, Former Supreme Court Justice
- Michael Henry Yusingco, Senior Research Fellow, Ateneo Policy Center
- Leila de Lima, Legislator, House of Representatives
(VOICE OVER) Bagong Pilipinas, saan pupunta?
(VOICE OVER) Pagkatapos ng eleksyon noong Mayo, nagbago ang tono at anyo ni Pangulong Bongbong Marcos. Matapang magsalita. Nagpakita ng galit sa malawakang korapsyon sa gobyerno…pero marami pa rin ang hindi kumbinsido. Kamag-anak at kaalyado kasangkot sa pandorobo. Pati siya may pananagutan din.
(SOUND ON TAPE) Marcos, Duterte, walang pinag-iba! Parehong kurakot, pahirap sa masa!
(VOICE OVER) ‘Yan ang tumambad kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ika-limampu’t tatlong anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa ilalim ng diktadurya ng kanyang ama…
(VOICE OVER) … nitong September 21, isang sigaw ang dumagundong sa Luneta at EDSA at iba’t ibang lugar ng bansa…
(SOUND ON TAPE) Ikulong na ‘yan, mga kurakot! Ikulong na ‘yan, mga kurakot!
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Papaano ba tayo umabot sa ganito?
(SOUND ON TAPE – DUTERTE) Mahalin natin ang Pilipinas.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Bangon bayan muli.
(SOUND ON TAPE – BOTH) Sama-sama tayong babangon muli.
(VOICE OVER) Mahigit tatlong taon nang nasa pwesto si Marcos. Ngayon, hinaharap niya ang poot ng mga taong niloko ng mga opisyal ng gobyerno.
(VOICE OVER) Ang unang kalahati ng termino ni Marcos…
(VOICE OVER) Pinutakte ng, Kaliwa’t kanang, Kontrobersya.
(VOICE OVER) Hanggang sa nabuwag ang UNITEAM tandem nila ni Sara Duterte…
(VOICE OVER) …Ang bangayan nila umabot sa pag-impeach ng House of Representatives sa bise presidente.
(VOICE OVER) Ang pinsan ni Marcos, si House Speaker Martin Romualdez na tinatawag ni Sara na “Tambaloslos,” ang itinuturo na may pakana ng lahat.
(SOUND ON TAPE – PRINCESS ABANTE) Tinawag si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na “tambaloslos” dahil sa kanyang pagtulong sa mga nagugutom, may sakit, at nawalan ng hanapbuhay
(VOICE OVER) Frontrunner kasi ang bise presidente sa surveys ng presidentiables sa 2028…
(VOICE OVER) At nasa laylayan si Romualdez na pinaghihinalaang pambato ni Marcos, na papalit sa kanya sa Malacanang.
(SOUND ON TAPE) Mas gugustuhin namin na tawaging “tambaloslos” kaysa naman matawag na kawatan dahil sa pagnakaw sa kaban ng bayan.
(VOICE OVER) Paratang pa ng bise presidente, may balak daw sina Marcos at Romualdez na ipa-dispatsa siya.
(SOUND ON TAPE – DUTERTE) May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta at si Martin Romualdez. No joke. No joke. Nagbilin na ako, ma’am, ‘pag namatay ako, sabi ko ‘wag ka tumigil, ha, hanggang hindi mo mapatay sila.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Kung gano’n na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan? ‘Yang gan’yang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas. ‘Yan ay aking papalagan.
(VOICE OVER) Lalong lumala ang relasyon ng mga Duterte at Marcos nang arestuhin ang ama ng bise presidente, si dating pangulong Rodrigo Duterte.
(VOICE OVER) Agad dinala sa The Hague at ikinulong si Duterte para panagutin sa mga patayang nangyari umano sa drug war ng kanyang administrasyon.
(VOICE OVER) Tuluyang bumagsak ang ratings ni Marcos kasunod nito.
(SOUND ON TAPE – JEAN FRANCO) The past three years / have been overshadowed by the Duterte arrest, by the Sara impeachment, and by the breakup of the UNITEAM, so much so that it’s becoming to define the Marcos administration.
(VOICE OVER) Dahil sa hidwaang ito, umalma ang mga tagasuporta ng pamilyang Duterte, mula Davao hanggang The Netherlands.
(SOUND ON TAPE – JEAN FRANCO) That’s not looking good for somebody who wanted to / revitalize / the Marcos family name.
(VOICE OVER) Maging ang kapatid ng pangulo na si Senator Imee Marcos / hindi sang-ayon sa pagkaaresto kay Duterte.
(SOUND ON TAPE – IMEE MARCOS) Naiyak ako, at katulad ng marami, nabigla kung bakit tinangay ang isang Filipinong matanda na, may sakit, dinala sa ibang bansa.
(VOICE OVER) Sa kabila ng mga batikos, pinanindigan ni Marcos ang pangakong pagbabago. Binuo niya ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas nitong nakaraang eleksyon.
(VOICE OVER) Bumitiw sa alyansa si Senator Imee. Si Camille Villar naman, namangka sa dalawang ilog. Inendorso sila ni Sara, at parehong nanalo.
(VOICE OVER) Sa natirang sampung kandidato sa pagka-senador ni Marcos, lima ang nanalo. Sa sampung inendorso ni dating pangulong Duterte, tatlo ang pumasok sa Magic 12. Ang natirang dalawang nanalo – si Senator Bam Aquino at Kiko Pangilinan – ay parehong miyembro din ng oposisyon.
(SOUND ON TAPE – ARIES ARUGAY) Itong midterm elections / informal referendum siya on the performance of the administration and its popularity. / It’s a signal to Marcos himself to do better. / Alam ng Marcos Jr. administration that they will have to work hard, / do something different.
(VOICE OVER) Dahil sa resulta ng halalan at surveys ng performance rating niya, may mga nagsasabi na lameduck na raw ang pangulo.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) I have two conclusions dito sa eleksyon. Una, nagsawa na ang Filipino sa politika. Sawang-sawa na sa politika.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Iyong pangalawa, disappointed ang tao sa serbisyo ng gobyerno.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw ng pagbubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Ang mensahe, sa aming lahat / tama na ‘yung pamumulitika ninyo at kami naman ang asikasuhin ninyo.
(VOICE OVER) Ngayong hati ang mga alyansa sa Senado at Kamara, malinaw ang mensahe ni Marcos na isantabi ang pulitika para maatupag ang ipinangako niyang pagkakaisa. Pero sadyang marami ang hindi nakikinig.
(VOICE OVER) (SOUND ON TAPE) SA PAGKAHATI NG KONGRESO, NAHARANG ANG PAGLILITIS KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE SA SENADO.
(VOICE OVER) UMEKSENA ANG KORTE SUPREMA… ITINAPON SA ARCHIVE NG MGA SENADOR NA KAALYADO NI DUTERTE, ANG IMPEACHMENT COMPLAINT.
(SOUND ON TAPE) Hindi na bago ang ganitong sitwasyon, ‘yung pagbaha dito pero may mga sasakyan pa rin na nakaparada ang hindi nadala sa mataas na lugar at nalubog sila sa baha.
(VOICE OVER) Pati ang langit, tila ipinakita na rin ang galit.
(VOICE OVER) Hindi maikakaila na nadungisan ang termino ng pangulo dahil sa malaking pagkukulang sa pagtugon sa mga isyu at ng tensyon sa sarili niyang administrasyon.
(VOICE OVER) Sa likod ng napakaraming isyu at malalim na korapsyon, nag-umpisa nang sumabog ang galit ng sambayanan.
(SOUND ON TAPE – VICE GANDA) Tapos na ang panahon ng mga mababait at mga resilient. Ang mga mababait ginago, ang mga resilient tinarantado. / Hinahamon ka namin Pangulong Bongbong Marcos. Kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo lahat ng magnanakaw. Nakatingin kami sa ‘yo, Pangulong Bongbong Marcos, at inaasahan ka namin… hindi dahil sa idol ka namin, kundi dahil sinuswelduhan ka namin at inaasahan namin na tutuparin mo ang mga inuutos namin na mga employer mo.
(VOICE OVER) MATINDI ANG GALIT NG TAUMBAYAN.
(SOUND ON TAPE) Nagsisimula na ‘yung programa dito sa Luneta / As of 9 a.m. ay nasa 13,000 na rin ‘yung crowd estimate dito sa Luneta, ayon sa MDRRMO.
(SOUND ON TAPE – ANTONIO CARPIO) We will reach over a hundred thousand people here, and it’s not only here. /
(SOUND ON TAPE – ANTONIO CARPIO) I think we are nearing the tipping point, if we are not already at the tipping point.
(SOUND ON TAPE) Tumulak na ang mga nagtipon sa EDSA Shrine patungong People Power Monument bitbit ang kanilang matinding galit sa nabulgar na korapsyon.
(SOUND ON TAPE – ANTONIO CARPIO) They must take heed because / punung-puno na talaga ang tao. Nakita na nila na napakagarapal na. / We demand immediate action.
(SOUND ON TAPE – BIG CROWD) [car beeps and crowd chant] Ikulong na ‘yang mga kurakot, ikulong na ‘yang mga kurakot!
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Ang lalim na ng problema.
(VOICE OVER) Sa simula ng huling kahalati ng kanyang termino, kapuna-puna ang mga pagbabago sa pananalita at mga aksyon ng pangulo.
(VOICE OVER) Pawisan, nagagalit, naghahanap ng “ghost” projects at mga proyektong matagal na dapat natapos pero nakatengga pa rin.
(VOICE OVER) Ipinakikita ni Marcos na seryoso siya sa pagtugon sa mga isyung ikinagagalit ng taumbayan.
(VOICE OVER) Sa pagbabagong anyo ni Marcos, umakyat ang kanyang performance rating.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) The president seems to be / more aggressive this time around, / more visible on the ground,/ more showy when it comes to being on the side of the people. / From what we’re seeing, / it’s difficult to see the president as a lame duck president.
(VOICE OVER) Humingi ng tulong ang pangulo sa mamamayan. Inilunsad ang “Sumbong sa Pangulo” portal para direktang makapag-report ang publiko tungkol sa mga palpak na proyekto.
(VOICE OVER) Dahil sa mga batikos, ipinabalik niya sa PhilHealth ang 60 bilyon PISONG tinanggal sa 2025 budget.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) I think the president has a team that monitors the pulse of the people in social media. / He reacts to what / he hears from social / media.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) I’m very upset / because I see people having a hard time / and they don’t deserve it. Mabuti pa kung masamang tao ‘yan, dapat parusahan.
(VOICE OVER) Sa kabila ng bilyon-bilyong pisong budget para sa flood control, mas marami ang mga lugar na lumulubog at mas malalim ang mga pagbaha kahit sandaling pag-ulan nang malakas.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Huwag na po tayong magkunwari. Alam naman ng buong madla na nagkaka-racket sa mga proyekto. / Kaya sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapwa Filipino!
(VOICE OVER) Mabilis ang naging reaksyon ng publiko.
(VOICE OVER) Sumunod ang maraming protesta.
(VOICE OVER) Nakisimpatiya si Marcos Jr. sa mga nanggagalaiting nagmartsa laban sa korapsyon. Pati mga empleyado ng gobyerno, pinayagan ng Civil Service Commission na sumama sa mga protesta noong September 21.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Do you blame them for going out into the streets? If I wasn’t president, I might be out in the street with them. / I want to hold these people accountable, just like they do.
(SOUND ON TAPE – LEILA DE LIMA) Sabi po ni BBM, kung hindi lang daw po siya pangulo, sasama siya sa ating mga rally [crowd boos] Well, nandito tayo hindi lang dahil hindi tayo presidente kundi punong-puno na tayo sa sagad sa buto ng mga / nagiging buwaya at demonyo.
(SOUND ON TAPE – ANTONIO CARPIO) This is the last wake up call/ …we don’t want a revolutionary government because we believe we can resolve this. / ,If they don’t listen to us then some people will justify that they have to take extra legal measures. / We must be able to resolve this within the constitution.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) Anti-corruption is a priority. / It is an important move for him,/ but if he just wants to do the dog and pony show, lifestyle check, website, and all of those ‘mahiya naman kayo, walang sisinu-sinuhin, / then that’s not going to be enough.
(SOUND ON TAPE) Substandard flood control projects, ghost projects and floods still hitting Metro Manila… These are just some of the problems under the spotlight, raising questions before President Marcos Jr. ends his term.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) It did not happen overnight. This happened over many decades. /
(SOUND ON TAPE – ANTONIO CARPIO) This corruption now is even worse than the time during his father. / Because he ran for office to redeem the honor of the Marcos family,/ he has to take immediate drastic actions to bring those people responsible to justice.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) We have to figure out kung ano ba talaga ang nangyari para hindi na mangyari ulit.
(SOUND ON TAPE) Marcos, Duterte, walang pinag-iba!
(SOUND ON TAPE) Ang mga kurakot, dapat managot!
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) What will change our perspective of President Marcos is if we see someone prosecuted, not just someone, but many of them prosecuted and jailed for all of the corruption that they have done.
(VOICE OVER) Para mas pagtibayin ang laban sa korapsyon, nagtatag si Marcos ng independent commission para imbestigahan ang mga anomalya sa infrastructure projects ng DPWH.
(VOICE OVER) Kasabay ito ng kaliwa’t kanang imbestigasyon sa Kongreso.
(VOICE OVER) Iba’t ibang pangalan ng mga politiko ang nadawit, kasama ang matataas na opisyal ng DPWH at mga mambabatas. Dawit din ang pinsan ng pangulo, si House Speaker Martin Romualdez, na napilitan nang magbitiw.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) Right now, itong mga investigation na ginawa ng Senado /ng house, / these are all performative to satisfy / the people. / They have no power to prosecute, they have no power to judge / the guilty parties because they are lawmakers. / Taking it from the perspective of the president, pinapabayaan lang nila yan / kasi that’s their show. /
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) Ang danger dito is / lumalabas ‘yung mga panagalan na konektado sa kaniya. / And I think this is one reason kung bakit dinadangle niya yung independent commission. / idea /
(VOICE OVER) May sagot si Marcos sa pangamba ng marami.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) Ang lalim ng kalawang. Ang lalim ng bulok. They keep saying, ‘How about if these are your friends? How about if these are your kaalyado?’ They said, ‘What can you do?’ And I said, we’re making an omelet. We’re going to have to break some eggs. There’s just no way around it. / Nobody is more important than Filipinos.
(VOICE OVER) Para kay Yusingco, nakasalalay sa pipiliin ng pangulo na susunod na ombudsman ang simula ng pagsugpo sa korapsyon.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) There is only one / agency that can deliver / and that is the ombudsman. / Kasi very clear sa ating Constitution, / no agency can prosecute graft and corruption cases, / at this / high level, / but the ombudsman.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) If President Marcos appoints an ombudsman who has / absolutely no connection to him, that will be a crowning achievement, I would say, when it comes to our anti-corruption agenda….
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) That Ombudsman can prosecute dynastic politicians who are allied with the president, / can prosecute even relatives of the president.
(SOUND ON TAPE – ARIES ARUGAY) After EDSA / the political order in the country is to prevent another dictatorship, / and included doon ‘yung huwag nang mapabalik / ‘yung / naging dahilan ng diktaturya at ng Martial Law. Never again. / ,Hindi nga naging never again. Sila ulit. And this time around, may redemption, / may oportunidad for them to / have the final say / on how history will judge the Marcos political brand. That is the burden of the current administration, because, if not, then the second chance will just be wasted.
(VOICE OVER) Nagugulat daw ang pangulo sa tindi ng korapsyon, pero alam niya ang dahilan.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) I cannot give you a complete answer to how did we get here. The simplistic answer will be…/ dahil pinabayaan. / It became allowable, okay lang…
(VOICE OVER) Alam din ni Marcos kung ano ang dapat gawin.
(SOUND ON TAPE – MARCOS) What we can do is to find out how this happened. Who are the people that are involved? Make them answerable for their wrongdoing and fix the structure so this is not allowable.
(VOICE OVER) Salita pa lamang ang binibitawan ng pangulo. Ang katumbas na gawa, inaabangan ng lahat na sawang-sawa na sa mga palabas.
(VOICE OVER) Hindi lang para sa nalalabing taon ng termino niya…
(VOICE OVER) Kundi paghahanda na rin sa presidential election sa 2028.
(SOUND ON TAPE – JEAN FRANCO) He has to have higher approval ratings. / When you anoint someone to be your potential successor, the assumption is that you still have the legitimacy to anoint someone.
(SOUND ON TAPE – ARIES ARUGAY) It’s important to assess /the Marcos Jr. administration on its own terms and the terms that it has set for himself and his government / during the 2022 elections. / The promises are many, including an improvement in economic conditions, an end to politics… /
(SOUND ON TAPE – ARIES ARUGAY) Political-wise, do we see unity at present? We actually see the opposite. /Pwede silang magturuan ng mga Dutertes kung sino’ng may kasalanan, but it doesn’t matter. Nangako sila na an end to politika. But day in day out nakikita natin puro politika sa diyaryo, sa news.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) The legacy-making actions, / the ones that will really put him at a high level in 2028, where / his anointment will be worth a lot, is if he does three things / with regards to our anti-corruption agenda.
(SOUND ON TAPE – MICHAEL HENRY YUSINGCO) And that’s directing everyone in the bureaucracy to release their SALN / every year until the end of his term, shepherding the enactment of an FOI law and the appointment of an ombudsman who has no connection to him.
(VOICE OVER) May tatlong taon na lang si Marcos para patunayan na hindi nagkamali ang higit tatlumpung milyong Filipino na bumoto sa kanya.
(VOICE OVER) Inip na inip na ang sambayanan sa paghihintay sa mga ipinangakong pagbabago.
(SOUND ON TAPE) Ang tunay na kapangyarihan ay nasa taong bayan!
(SOUND ON TAPE) Di niyo ba naririnig? Tinig ng bayan na galit. Himig ito ng Pilipinong, ‘di muli palulupig.
UPDATE
Matapos ang malawakang protesta, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang ombudsman ang isang kaalyado — si Justice Secretary Crispin Remulla.
Nagbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senator Ping Lacson. Dismayado ang mga kapwa niya senador sa direksyon ng imbestigasyon, lalo na’t ang ilan sa kanila ay sinasabing nakinabang sa anomalya.
Ang itinatag na independent commission ni Marcos ay wala umanong ngipin.
Sa Nobyembre 30, Araw ni Bonifacio, ang ama ng himagsikan, nakaamba ang isang mas malaki pang protesta laban sa korapsyon.
This documentary was produced with support from the National Endowment for Democracy.