Kasabay ng pagyanig ng mga lindol at iba’t ibang kontrobersiya sa Pilipinas ngayong buwan ay ang dagundong din ng disimpormasyon sa social media!
Kumalat online ang mga maling post kaugnay ng mga lindol sa ilang bahagi ng bansa. Nariyan ang mga clip umano mula sa mga naging pagyanig sa Cebu at Davao Oriental na mali naman ang konteksto. May mga nag-viral din na video umano ng pagputok ng Bulkang Taal pero ginawa naman talaga gamit ang artificial intelligence.
Naghasik din ng kasinungalingan ang mga post tungkol sa nangyaring “shake-ups” o pagbabago sa liderato sa Senado. Rumagasa naman ang disinformation tungkol sa mga miyembro ng Kamara na sangkot umano sa flood control anomalies.
Narito ang ilan sa mga MALI-ta (maling balita) na pinasinungalingan ng VERA Files ngayong Oktubre!
- FACT CHECK: Video FROM Japan PASSED OFF as scene from 6.9 magnitude Cebu quake
- FACT CHECK: Video of building collapsing due to quake taken in Thailand, NOT in Davao Oriental
- FACT CHECK: 2020 eruption photo of Taal volcano FALSELY depicted as recent
- FACT CHECK: Sotto NOT ousted as Senate president
- FACT CHECK: Escudero NOT reelected Senate president after Lacson resigned
- FACT CHECK: Zaldy Co, Martin Romualdez NOT arrested
- FACT CHECK: Circulating video of ‘Romualdez’s arrest’ AI-MANIPULATED
- FACT CHECK: ‘Zaldy Co in Portugal’ photo AI-GENERATED – VERA Files
Transcript
Mali-ta Minute Video Transcript (October Wrap)
Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the “AUDIO/SFX” column of the provided video script document.
(SOUND ON TAPE): Narito ang ilan sa disinformation na yumanig sa mga kababayan natin sa social media ngayong Oktubre!
(VOICE OVER): Kaliwa’t kanang mga lindol ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong buwan. Kasabay nito ang pag-ugong ng mga video umano ng lindol na binigyan ng maling konteksto! Tulad na lamang nitong video ng mga tao sa loob ng isang mall na kuha raw matapos ang 6.9 magnitude earthquake sa Cebu noong September 30! MALI-ta! Ang video ay kuha sa Japan noon pang 2024.
(SOUND ON TAPE): Building daw ito sa Davao Oriental na bumagsak matapos ang dalawang magkasunod na lindol doon noong October 10? MALI-ta! Eksena ito sa isang palengke sa Thailand noong March 28!
(VOICE OVER): Gumimbal din sa mga netizen ang mga clip umano ng pagputok ng Taal Volcano matapos ang pagyanig sa Cebu. MALI-ta! Ginawa ang mga ito gamit ang artificial intelligence. Totoong pumutok ang Bulkang Taal noong October 1 and 2, pero hindi ito kasing-lakas nung ipinakita sa video.
(SOUND ON TAPE): Kumalat din ang disinformation tungkol sa pagyanig o “shake-up” sa Senate leadership. May mga post na nagsabing pinatalsik na raw si Tito Sotto bilang Senate president, at iniluklok muli sa pwesto si Senator Chiz Escudero. MALI-ta ‘yan!
(VOICE OVER): Si Sotto pa rin ang Senate president at pinabulaanan din niya ang mga haka-haka. Ayon din kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, wala ring plano ang mga senador sa minorya na paalisin si Sotto.
(SOUND ON TAPE): Sa Kamara naman, rumagasa rin ang disinformation tungkol sa mga mambabatas na sangkot umano sa flood control controversy. Parehong inaresto na raw si dating House Speaker Martin Romualdez at ang nagresign na Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co? MALI-ta!
(VOICE OVER): Inimbita lamang ni Lacson ang dalawa sa susunod na Senate Blue Ribbon Committee hearing sa flood control anomalies. Sa kasalukuyan, walang criminal cases na isinampa laban kay Co at Romualdez.
(VOICE OVER): Eh itong nag-viral na picture umano ni Zaldy Co sa Portugal? Confirmed fake! Mula ito sa isang Facebook group ng mga “AI-enthusiast” kung saan shine-share nila ang prompts na ginamit nila para gumawa ng AI-generated content. Wala pa ring mga opisyal na report kung nasaan si Co sa kasalukuyan.
(SOUND ON TAPE): At ‘yan ang mga disinformation na yumanig at gumimbal ngayong Oktubre! Tandaan, ugaliing mag-fact check dahil…
(BOTH): No, no sa Malita, at dapat laging tama! See you next month!
Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.
