Skip to content
post thumbnail

MALI-ta Minute: Pagbaha ng maling impormasyon sa flood control nitong Setyembre

Laganap ang MALI-ta (maling balita) noong Setyembre kaugnay sa mga kontrobersyal na flood control projects matapos ang mga pagdinig, imbestigasyon, at protesta tungkol dito.

By VERA Files

Sep 30, 2025

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Umulan ngayong Setyembre, hindi lang mula sa langit, kundi pati na rin disinformation! Laganap ang MALI-ta (maling balita) kaugnay sa mga kontrobersyal na flood control projects matapos ang mga pagdinig, imbestigasyon, at protesta tungkol dito.

Alamin ang totoo. Panoorin ang recap ng VERA Files sa mga kumalat na disinformation ngayong buwan. I-share para hindi maloko ang iba!

Narito ang ilan sa mga MALI-ta na dinebunk ng VERA Files ngayong buwan!

Transcript

Video Transcript

Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the provided video script document.
(VOICE OVER) TH: Binaha ka rin ba… ng pekeng balita ngayong flood control season? Ito ang… Mali-ta Minute! Narito ang mga finact-check ng VERA Files ngayong Setyembre.
(VOICE OVER) TH: Nag-resign na raw sina Senador Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at Quezon City Cong. Arjo Atayde dahil sa anomalya sa flood control budget?
(VOICE OVER) Hindi ‘yan totoo! Aktibong miyembro pa rin sila ng Senado at Kamara. Nag-attend pa nga sina Senator Joel at Senator Jinggoy sa ilang Senate hearing kaugnay ng korapsyon sa flood control projects. Noong kumalat din ang maling balita ng pag-re-resign ni Cong. Atayde, nag-post siya ng mga photo niya sa isang relief operations sa ilang barangay sa kanyang distrito.
(VOICE OVER) TH: Eh, paano naman ‘yung inilabas daw na statement ng Malacañang na mag-re-resign na si PBBM dahil sa mga anti-corruption rally noong Sept. 21?
(VOICE OVER) Peke rin ‘yan! Walang inilabas na ganitong pahayag si Marcos at maging ang Palasyo at Presidential Communications Office. Kung titingnan ding mabuti, magkaiba ang ginamit na font sa pekeng graphic at mga official statement ng pangulo.
(VOICE OVER) JEFF: Bukod sa pekeng graphic, ginamit din ang mga video ng protesta para ipakitang nananawagan ang publiko na mag-resign si Marcos.
(VOICE OVER) JEFF: Ang video na ‘to, kuha mula sa Peace Rally ng Iglesia ni Cristo noong Enero pa, hindi naman isang “people power” movement kontra kay BBM.
(VOICE OVER) JEFF: Ito pa, video ng mga debotong dumalo sa Traslacion procession ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City. Hindi sila nananawagan na magbitiw sa puwesto sina Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez, at dating AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
(VOICE OVER) VINCENT: Speaking of rallies, rumagasa rin lalo ang baha ng disinformation matapos ang mga isinagawang anti-corruption protests ngayong buwan… Gaya nito…at ito.
(VOICE OVER) VINCENT: Lahat ‘yan, mali ang konteksto. Ang mga original video ay kuha sa Nepal at Kenya.
(VOICE OVER) JEFF: Ang mag-asawang kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya, naging sentro din ng bumabahang mali-ta.
(VOICE OVER) VINCENT: Sinunog daw ang bahay nila noong kasagsagan ng mga anti-corruption rally?
(VOICE OVER) BOTH: MALI-ta!
(VOICE OVER) VINCENT: Hindi bahay ng mga Discaya ang sinusunog ng mga nagpo-protesta sa video, kundi isang council building sa Indonesia noong nakaraang buwan.
(VOICE OVER) JEFF: Hindi rin totoo na may natagpuang pera sa isang ni-raid na compound na nakapangalan sa mga Discaya.
(VOICE OVER) VINCENT: At ‘yan ang ilan sa mga bumahang disinformation ngayong Setyembre.
(VOICE OVER) JEFF: Wag magpaanod sa maling impormasyon. Ugaliing mag-fact check dahil
(VOICE OVER) BOTH: no, no sa Ma-lita, at dapat laging tama!
(VOICE OVER) See you next month!

Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.