Maraming disimpormasyon ang kumalat tungkol sa impeachment complaints laban kay Bise President Sara Duterte at may samu’t saring maling impormasyon din na may kinalaman sa simula ng pangangampanya ng national candidates para sa halalan sa Mayo 12.
At siyempre, hindi rin mawawala ang mga walang katapusang scam na naglilipana online.
Narito ang ilan sa mga nagbabagang MALI-ta (Maling Balita) na kumalat sa Pebrero – mga maling impormasyon na dapat itama!
- Video shows concert, NOT PDP-Laban rally
- Sotto, Tulfo did NOT leave Alyansa slate
- Bohol solon did NOT mistake impeachment complaint for attendance sheet
- SC has NOT ruled on petition to block Sara impeachment trial
- SC did NOT declare Sara’s impeachment ‘null and void’
- ‘Neygold Plus’ NOT FDA-approved for prostatitis
Music credit: Investigative by Aruma
Transcript
Video transcript
Disclaimer: This transcription was generated by Gemini from the provided video script document.
This program features Bryan Manalang, Reporter, VERA Files.
(VOICE OVER) Hello! Ako si Bryan at ito ang aming MALI-ta Minute! Isang minuto ng ilan sa mga dinebunk naming disinformation ngayong Pebrero. (SFX: Music by: Investigative by Aruma)
(VOICE OVER) Ngayong buwan, in-impeach ng House si Vice President Sara Duterte. Pero… may mga video na nagsasabing naudlot daw ‘to? (SFX: Screenshots of this video and this video pops up somewhere around VO.)
(VOICE OVER) Hindi ‘yan totoo! Nag-submit ng petition ang kampo ni Duterte sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang isang impeachment complant. (SFX: Show screenshot of this Supreme Court post) Pero sa ngayon, humihingi pa lang ang korte ng komento sa Kamara at Senado.
(VOICE OVER) Ito naman. ‘Yung pinirmahan ni congressman na attendance para makakuha ng meryenda, impeachment complaint na pala?! (SFX: Screenshot of the satire post, but only the image.)
(VOICE OVER) Hindi rin ‘yan totoo, ‘no! Biro lang ‘to na ginawa ng isang satirical Facebook page. (SFX: This photo appears too.) Pero ang dami pa ring napaniwala. Kasi naman… may mga nag-repost na hindi sinabing satire ‘to. Nagalit tuloy si congressman!
(VOICE OVER) Ngayon naman, lipat tayo sa eleksyon. Dahil nagsimula na ang official campaign period noong February 11, nagsimula na ring kumalat ang disinformation tungkol sa mga political rally at sa mga kandidatong tumatakbo.
(VOICE OVER) Kuha raw ‘to sa Cebu rally ng PDP-Laban this month ah… (SFX: Video of the alleged clip showing a crowd attending the grand rally of PDP-Laban in Cebu. Original published date: Feb. 23, 2025)
(VOICE OVER) Pero panoorin niyo ‘tong video na nakita kong lumabas last year, concert ‘to ng Planetshakers sa Cebu. (SFX: Original video without the Duterte jingle music, with Planetshakers music playing. Original published date: Feb. 23, 2024) Ang galing naman! May time travel na nagaganap. High-tech na talaga ang election campaigns ngayon!!!
(VOICE OVER) May balitang kumalas na raw sina senatorial candidates Tito Sotto and Erwin Tulfo sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas? (SFX: Screenshot of the erroneous post.)
(VOICE OVER) (SFX: Makes a wrong buzzer noise) Mali! (SFX: Clips pop up somewhere around VO showing Sotto and Tulfo greeting the crowd and talking about their platforms. Following texts will also appear to label the clips: “Feb. 18 rally sa Pasay City” and “Feb. 20 rally sa Negros Oriental”) Nakita pa nga sila sa mga recent rally ng Alyansa! Ganito ba makipag-break up ang mga politiko?
(VOICE OVER) Siyempre, hindi rin mawawala ang mga walang-katapusang scams online. (SFX: Scrolling screenshot of this suspicious website.) Katulad nitong Neygold Plus na lunas daw sa prostatitis.
(VOICE OVER) Mga mamser, huwag po tayong magpapaniwala sa mga ganitong post. (SFX: Then show the relevant debunk in the fact-check.) Hindi aprubado ng FDA ang Neygold Plus for consumption. Baka mapeligro pa kayo!
(VOICE OVER) At ‘yan ang mga nagbabagang MALI-ta – or maling balita! – ngayong buwan. Ugaliing mag-fact-check dahil: No! No! Sa MALI-ta, at dapat always tama! (SFX: A voice whispers somewhere in the background.) Sa uulitin! Dahil marami pang lalabas na disinformation.
Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.

