Sa simula ng 2025, bumungad sa social media ang samu’t saring maling impormasyon. Karamihan dito ay tungkol sa mga pekeng ayuda, at mga luma o AI-generated na litrato o video na kuha umano ng wildfire sa California.
Nariyan din ang mga kulang sa kontekstong post tungkol sa divorce bill at ballot template na gagamitin sa darating na eleksyon, pati na ang walang katotohanang pagbisita ni Donald Trump sa mga Duterte.
Narito ang mga nagbabagang MALI-ta (Maling Balita) na kumalat ngayong buwan – mga maling impormasyon na dapat itama.