Election disinformation check! Ngayong araw ng eleksyon, nagkalat ang mga post tungkol sa mga balitang disqualification case, pekeng voting tallies at umano’y hindi tugmang source codes sa automated counting machines.
Alamin ang mga mis- at disinformation na kumalat ngayong eleksyon dito sa MALI-ta (Maling Balita) Minute!
Transcript
Video Transcript
 
Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the video script document.
 
Characters in video
- Valerie Nuval, Researcher-Reporter
 
(SOUND ON TAPE – VN: Election disinformation TSEK!)
Welcome to MALI-Ta Minute.
(SOUND ON TAPE)
Araw na ng halalan pero ang dami pa ring kumalat na maling impormasyon! Pero tandaan, dapat laging TSEK, lalo na ngayong eleksyon!
(SOUND ON TAPE)
Kaliwa’t kanan ang mga post tungkol sa diskwalipikasyon umano ng ilang mga kandidato.
(SOUND ON TAPE)
Na-disqualify raw ang Bayan Muna Partylist? Mali-ta! Walang inilabas na ganitong resolusyon ang Comelec. Sinabi rin ng komisyon na nasa listahan pa rin ng mga party-list sa balota ang Bayan Muna. Noon pang 2022 elections kumalat ang ganitong klaseng post tungkol sa Makabayan Bloc.
(SOUND ON TAPE)
Hindi rin totoo ang mga post na na-diskwalipika sina…
(VOICE OVER)
Ramil Laurel Hernandez at Ruth Mariano Hernandez ng Laguna, Rainer Joaquin Uy ng Cagayan de Oro at Suharto Mangudadatu ng BARMM.
(SOUND ON TAPE)
Pinabulaanan ng Comelec ang mga post. Ang komisyon lang ang may kapangyarihang magpasya sa mga kasong may kinalaman sa eleksyon.
(SOUND ON TAPE)
Peke rin ang mga kumakalat na Comelec documents umano tungkol sa disqualification ni Janice Degamo sa Negros Oriental.
(SOUND ON TAPE)
Hindi rin totoong na-disqualify na si Marcy Teodoro sa Marikina.
(VOICE OVER)
Noong Disyembre 2024, naglabas ng resolusyon ang Comelec First Division para kanselahin ang kanyang certificate of candidacy pero wala pang pinal na desisyon dito.
(SOUND ON TAPE)
Kumalat din ang mga disinformation tungkol sa bilangan.
(VOICE OVER)
Hindi pa man nagsisimula ang bilangan, ay meron nang voting tally na nagpapakitang nangunguna si former senator Antonio Trillanes sa pagka-mayor sa Caloocan. Para rin sa isang e-commerce site ang link sa post na umano’y ebidensya ng claim na ‘to.
(SOUND ON TAPE)
Ito pa. Kumalat din ang voting tally umano ng mga kumakandidato pagka-congresista, governor at Mayor sa Davao Del Norte.
(SOUND ON TAPE)
Alas 7 pa matatapos ang botohan, paanong may bilangan na?! Hindi pa nagsisimula ang bilangan nang kumalat ang mga ‘to.
(SOUND ON TAPE)
Ito, medyo teknikal… Hindi raw match ang source codes ng automated counting machines? Mali-ta!
(VOICE OVER)
Ayon sa Comelec, “duly audited” ang source code ng mga ACM at tugma ang hash code na ginagamit nito sa final trusted build na nakapasa sa assessment ng independent third-party auditor. Ang binanggit na version 3.4 source code sa video ang mismong sumailalim sa independent auditing.
(SOUND ON TAPE)
Matapos pumasa, tinawag itong version 3.5, na siyang ginagamit sa mga ACM ngayong araw ng eleksyon.
(SOUND ON TAPE)
Siguradong di lang ‘yan ang mga maling impormasyon na kakalat ngayong araw. Ugaliing mag-fact-check dahil No! No! Sa MALI-ta, at dapat laging tama!
Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.
 
			
			

 
												 
												 
												 
												