Skip to content
post thumbnail

MALI-ta (Maling Balita) Minute: Social media, inulan ng maling impormasyon tungkol kay Duterte at ICC noong Marso

Anu-ano nga ba ang mga MALI-ta na namerwisyo sa mga netizen noong Marso tungkol sa ICC at kay Duterte? Itama natin 'yan!

By VERA Files

Mar 31, 2025

1-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

Rumagasa ang disinformation sa social media kasunod ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y murder as a crime against humanity noong Marso 11.

Hinain kay Duterte ng Philippine National Police ang warrant of arrest ng International Criminal Court pagkauwi niya galing ng Hong Kong, at sa parehong araw, inilipad ang dating pangulo papuntang The Hague, Netherlands.

Anu-ano nga ba ang mga MALI-ta (maling balita) na namerwisyo sa mga netizen noong nakaraang buwan tungkol sa ICC at kay Duterte? Itama natin ‘yan!

Transcript

Video Transcript

Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the provided video script document.
Reporters:

  • Bryan Manalang, Reporter
  • Blanch Ancla, Reporter

(VOICE OVER – Bryan): Hi, ako si Bryan…
(VOICE OVER – Blanch): At ako naman si Blanch…
(VOICE OVER – Bryan and Blanch): At ito ang…
(PAUSE)
(VOICE OVER – Bryan and Blanch): MALI-ta Minute! Isang minuto ng ilan sa mga disinformation na dinebunk namin ngayong March.
(VOICE OVER – Narrator): Sunod-sunod ang daloy ng disinformation matapos arestuhin si Duterte dahil sa umano’y murder as a crime against humanity.
(VOICE OVER – Bryan, voice booming): Pero true bang nabasura na raw ang kaso ni Duterte sa ICC ayon sa isang news report?
(VOICE OVER – Bryan): Ang ating tugon: HINDI ‘YAN TOTOO.
(VOICE OVER – Narrator): Ang balita sa video e tungkol sa binasurang appeal ng Pilipinas na ipatigil ang ICC investigation sa drug war killings sa ilalim ni Duterte.
(VOICE OVER – Narrator): Hindi pa nga nagsisimula ang trial ni Duterte e.
(VOICE OVER – Narrator): Ico-confirm palang ang charges sa kanya sa September 23.
(VOICE OVER – Narrator): E paano naman ‘yung sinasabi ng supporters na wala raw jurisdiction ang ICC sa Pilipinas?
(VOICE OVER – Narrator): ‘Di rin yon totoo. Pasok pa kasi sa jurisdiction ng ICC ang mga krimen na nangyari sa Pilipinas noong miyembro pa tayo ng Rome Statute…
(VOICE OVER – Narrator): Kumalas ang Duterte administration sa ICC noong 2018 at nag-take effect ito noong 2019.
(VOICE OVER – Narrator): Ito pa, ang dami raw na nagprotesta laban sa nangyaring pag-aresto kay Duterte.
(SOUND ON TAPE – Reporter): Hello, nandito ako! Lahat ‘to ay nabigyan ng maling konteksto.
(VOICE OVER – Narrator): Ang mga original video e kuha sa protesta sa Argentina at Serbia.
(VOICE OVER – Narrator): ‘Yung isa pa nga e kuha sa Traslacion ngayong taon.
(VOICE OVER – Narrator): Ito naman, maraming mga kilalang personalidad daw ang nagbigay ng mensahe ng suporta kay Duterte.
(VOICE OVER – Narrator): Kasama rito sina Donald Trump at Vice Ganda.?!
(SOUND EFFECT – BUZZER NOISE)
(VOICE OVER – Narrator): MALI!
(VOICE OVER – Narrator): Wala naman silang sinabing ganyan. Nagalit tuloy si Vice sa mga nagkakalat nito. >:(
(VOICE OVER – Narrator): Rumagasa din online ang mass resignation daw ng mga pulis na dismayado sa pagkaaresto ni Duterte.
(VOICE OVER – Narrator): Inimbestigahan naman ng VERA Files ‘yan.
(VOICE OVER – Narrator): Nalaman namin na apat sa mga pulis na “nag-resign” e wala na pala sa PNP bago pa arestuhin si Duterte.
(VOICE OVER – Narrator): Ano ‘yun, may natanggap silang pangitain months before nangyari ‘yung pag-aresto?!
(VOICE OVER – Narrator): Ang malala pa, pinakalat ito lalo ng iba’t ibang accounts.
(VOICE OVER – Narrator): At ginaya pa ang mga itsura ng mga legitimate news site!
(VOICE OVER – Narrator): At ‘yan ang mga nagbabagang MALI-ta – o maling balita! – ngayong buwan.
(VOICE OVER – Narrator): Ugaliing mag-fact-check dahil: No! No! Sa MALI-ta, at dapat laging tama!
(VOICE OVER – Narrator): See you next month!

Music credit: Investigative by Aruma

Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.