Kasabay ng sunod-sunod na bagyo nitong Hulyo ay ang pagbaha rin ng maraming disinformation online. Kasama na rito ang mga video ng umano’y pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Pilipinas.
At siyempre, marami pa ring nagpakalat ng mga hindi totoong post tungkol kay dating pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling nakakulong sa ICC detention center sa The Hague, Netherlands.
Narito ang ilan sa mga MALI-ta na dinebunk ng VERA Files ngayong buwan!
- FACT CHECK: Duterte NOT back in PH, circulating video FROM 2024
- FACT CHECK: VP Sara photo MISLEADS, implies her father dead
- FACT CHECK: Flooded QC ‘underground tunnel’ AI-GENERATED
- FACT CHECK: Photo shows flooding in Brazil, NOT in Bulacan
- FACT CHECK: ‘Storm’ video shows China clips, NOT Manila
- FACT CHECK: 2024 video PASSED OFF as recent landslide in Baguio, Benguet
Transcript
Video Transcript:
Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the provided video script document.
(VOICE OVER – MC): Waahh! Sobrang lakas ng ulan at taas ng baha! Babad na babad na ko dito oh. Kailan ba ‘to matatapos?
(VOICE OVER – VG): ‘Di lang ikaw ang dumaranas ng ganyan. Ayon sa mga video sa social media, sobrang lakas daw ng hangin sa Maynila.
(VOICE OVER – VG): Lumubog rin daw sa baha yung tunnel sa may Quezon City!
(VOICE OVER – MC): Ha? Nangyari ba talaga yan?
(VOICE OVER – MC): Ako si Mon.
(VOICE OVER – VG): At ako si Vincent.
(VOICE OVER – BOTH): At ito ang MALI-TA MINUTE.
(VOICE OVER – VG): Isang minuto ng mga back-to-back na maling balitang kumalat nitong Hulyo.
(VOICE OVER – MC): Kasabay ng sunod-sunod na pananalasa ng tatlong bagyo at ng hanging Habagat, bumaha rin ng iba’t ibang maling impormasyon tungkol sa mga kalamidad na dinebunk ng VERA Files.
(VOICE OVER – VG): Una… lubog daw sa baha ang isang tunnel sa may kahabaan ng Quezon Avenue?
(VOICE OVER – VG): MALI-TA!
(SOUND ON TAPE – SFX: X sound effect)
(VOICE OVER – VG): AI-generated ang video na ‘to! Di ganyan ang hitsura ng mga tunnel sa kahabaan ng Quezon Avenue ano! Pekeng underpass. Pekeng video.
(VOICE OVER – MC): O, ito… Kuha raw ang video nung pananalasa ng habagat at ng mga bagyong Crising, Dante at Emong sa Maynila at Bulacan?
(VOICE OVER – MC): MALI-TA
(SOUND ON TAPE – SFX: X sound effect)
(VOICE OVER – MC): Totoo na lubhang naapektuhan ng malakas na ulan at mataas na baha ang naturang mga lugar, pero kuha mula sa ibang bansa ang mga video.
(VOICE OVER – MC): Pinapakita rito ang epekto ng mga bagyo at pagbaha sa Brazil at China noong isang taon.
(VOICE OVER – VG): Meron pa…Video raw ito ng landslide sa Baguio City matapos tumama ang Bagyong Emong?
(VOICE OVER – VG): DI yan totoo!
(SOUND ON TAPE – SFX: X sound effect)
(VOICE OVER – VG): Luma na ito at hindi kuha sa Baguio. Ito ay landslide sa Kalinga noong October 2024 dahil sa Bagyong Kristine.
(VOICE OVER – MC): Maliban sa mga kalamidad, walang humpay pa rin ang pagbaha ng disinformation tungkol kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
(VOICE OVER – MC): Kesyo pinalaya na raw siya ng ICC o kaya naman daw ay pumanaw na.
(VOICE OVER – MC): Mali at nakapanliligaw ang mga post na ganito.
(VOICE OVER – MC): Buhay na buhay si Duterte at nakakulong pa rin sa The Hague habang hinihintay ang confirmation of charges hearing niya sa September.
(VOICE OVER – MC): Wala pa ring desisyon ang ICC sa interim release petition ng dating pangulo. Pinagpaliban ng korte ang paglalabas ng desisyon sa hiling na rin ng abogado ni Duterte.
(VOICE OVER – VG): At ‘yan ang mga mali-ta na na-fact check namin ngayong buwan.
(VOICE OVER – MC): Ngayong tag-ulan, wag magpapaloko sa maling impormasyon. Dahil no-no sa mali-ta.
(VOICE OVER – VG): At dapat laging tama.
(VOICE OVER – MC/VG): See you next month!
Music credit: Investigative by Aruma Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.
