Bukod sa Halalan, kumalat din noong Mayo ang ilang mga MALI-ta (maling balita) tungkol sa edukasyon at pag-aaral. Kasama na rito ang mga pekeng abiso sa pagdagdag at pagbawas ng mga grade level, pati ang ayuda scams.
Ito ang ilan sa mga na-fact-check ng VERA Files ngayong back-to-school season!
Transcript
Video Transcript
Disclaimer: This transcription was generated by Gemini from the provided video script document.
(SOUND ON TAPE) REGISTRAR: Hindi pa gagraduate ‘yan! Sabi sa social media, may Grade 13 na!
(SOUND ON TAPE) STUDENT: Ha?
(SOUND ON TAPE) PARENT: Totoo ba ‘yan? Eh, sabi naman sa feed ko, wala nang Grade 11 at 12.
(SOUND ON TAPE) ALL: Ano ba talaga?
(VOICE OVER) KIARA: Ako si Kiara.
(VOICE OVER) EL: At ako si El.
(VOICE OVER) BOTH: At ito ang MALI-TA MINUTE!
(VOICE OVER) KIARA: Isang minuto ng mga back-to-back na maling balitang kumalat ngayong nalalapit na ang school opening.
(VOICE OVER) EL: Bukod sa Halalan, maraming nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa edukasyon na dinebunk ng VERA Files nitong Mayo.
(VOICE OVER) KIARA: Una… May Grade 13 na raw? Fake ‘yan! Sabi na mismo ng DepEd. Wala silang anumang plano na dagdagan pa ng isang baitang ang K-12.
(VOICE OVER) EL: Eh…totoo ba na optional na lang ang Grade 11 at 12? (SOUND ON TAPE) [X/wrong answer SFX] Walang ring ganiyang plano ang DepEd. Pero, noong Enero, pinasa ng Kamara ang ang House Bill No. 11213. Layon nito na bigyan ng option ang Grade 10 completers na maghanda para sa kolehiyo o di kaya ay mag-aral ng isang tech-voc program sa halip na mag senior high. Hep-hep. Bill pa lang ito ha? Hindi pa batas.
(VOICE OVER) KIARA: Heto pa’ng isa. Ang sabi nitong kumakalat ng graphic sa social media, wala na raw Kinder? Anong tingin mo? True or fake? Fake ‘yan! Nagbabala na ang DepEd at sinabing disinformation ‘yan. Uulitin ko, di tatanggapin sa Grade 1 pag hindi nag-Kinder ang mga bata.
(VOICE OVER) KIARA: (Act like parent buying school supplies)
(VOICE OVER) EL: (acting as Bong Go supporter) ‘Nay, tago mo na yang wallet mo. Nagbibigay raw ng 5,000 pesos si Senator Bong Go at ang Malasakit centers pambili ng school supplies! (show FB post) (change character as fact checker) Hindi rin ‘yan totoo! Si Senator Go na mismo ang nagsabi.
(VOICE OVER) KIARA: At last na… nitong nakaraang buwan, ang daming kumalat na mali-ta tungkol sa Free College Tuition Law. Katulad nitong mga video na nagsasabing si President Bongbong Marcos daw ang original author ng nasabing batas. Mali ‘yan! Hindi nagpasa ng bill para sa libreng tuition sa kolehiyo si Pangulong Marcos noong senador pa lang siya.
(VOICE OVER) EL: At ‘yan ang mga mali-ta na na-fact check namin ngayong buwan.
(VOICE OVER) KIARA: Ngayong back-to-school season, ‘wag magpapaloko sa maling impormasyon! Dahil No-no sa mali-ta. Dapat laging tama!
(VOICE OVER) EL: Hanggang sa susunod…
(VOICE OVER) BOTH: Class dismissed!
Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.
