VERA FILES FACT CHECK: Mga FB page, nagbebenta ng PEKENG gatas na ‘panlinis ng baga’
(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Sept. 8.) Isang mambabasa ng VERA Files ang nagpa-fact-check ng isang produktong gatas na naglilinis at nag-de-detoxify raw ng baga. Kasinungalingan ito. Ayon sa post noong Aug. 9 ng Facebook (FB) page na Lung Gold Milk – Specialty Milk For Lung Patients at tatlo […]