Skip to content
post thumbnail

MALI-ta Minute: ‘Jetski holiday joke’ ni Vice Ganda, naging trigger ng disinformation ngayong Agosto

Matapos magbitaw ng biro si Vice Ganda tungkol sa sinabing balak na pag-jetski ni dating Pangulong Duterte sa West Philippine Sea noong 2016, nagkalat ang samu't saring kasinungalingan laban sa komedyante.

By VERA Files

Aug 31, 2025

2-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

Matapos magbitaw ng biro si Vice Ganda tungkol sa sinabing balak na pag-jetski ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa West Philippine Sea noong 2016, nagkalat ang samu’t saring kasinungalingan laban sa komedyante.

Matatandaan na sinabi ng “It’s Showtime” host sa kanyang satirical performance na ang “jetski holiday promo” ay may kasamang “unlimited water bombing from Chinese vessels” at “free trip to The Hague,” na ikinagalit naman ng Duterte supporters.

Liban pa rito, patuloy pa rin ang mga maling claim tungkol sa naudlot na impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte. At siyempre, hindi rin nawawala ang mga scam na naglilipana online.

Narito ang ilan sa mga MALI-ta na dinebunk ng VERA Files ngayong Agosto!

FACT CHECK: There’s NO Davao City ‘resolution’ declaring Vice Ganda persona non grata

FACT CHECK: Vice Ganda DID NOT bid goodbye to It’s Showtime due to ‘jetski’ joke

FACT CHECK: ABS-CBN did NOT ban Vice Ganda

FACT CHECK: Vice Ganda did NOT cry over FALSE persona non grata verdict

FACT CHECK: Senate did NOT ‘junk’ VP Sara impeachment

FACT CHECK: NO reversal of SC ruling on Sara Duterte impeachment

FACT CHECK: NO increase in DSWD pension for senior citizens

FACT CHECK: Govt NOT stopping 4Ps

Transcript

Video Transcript

Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the provided video script document.
(SOUND ON TAPE: Parody of Vice Ganda’s skit)
(VOICE OVER) Darling, hold my hand.
(SOUND ON TAPE: Jestski holiday advertising sound)
(VOICE OVER) Nothing beats a fact-checking habit! And right now, narito ang ilan sa mga dinebunk naming disinformation ngayong Agosto! Welcome to MALI-Ta Minute!
Nagkalat ang samu’t saring disinformation matapos gawan ng jetski joke ni Vice Ganda si dating Pangulong Rodrigo Duterte. May resolution pa nga raw na nagsabing persona non grata o hindi na welcome si Vice Ganda kung pumunta siya sa Davao City. MALI-ta ‘yan! Satire lang ito! ‘Ayan oh. S-A-T-I-R-E. Kinondena ng Davao City Council ang ginawang biro ni Vice Ganda, pero wala naman silang inilabas na ganitong dokumento.
(SOUND ON TAPE: BM:) Vice? Ganda! Lies? Chaka!
(VOICE OVER) Hindi rin totoong umiyak si Vice Ganda dahil naging persona non grata na raw siya ah! Kuha itong video sa isang red carpet premiere last year. Hindi rin binan at pinalayas ng ABS-CBN si Vice Ganda dahil sa umano’y kontrobersya.
At sa isa pang vice! Nagkalat din ang mga disinformation tungkol kay Vice President Sara Duterte.
(SOUND ON TAPE: BM:) Ibinasura raw ng Senado ang articles of impeachment laban kay VP Sara? Mali-ta!
(VOICE OVER) “Inarchive” lang ng Senado ang impeachment case matapos ang desisyon ng Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay VP Sara. Sinabi rin ni Senate President Chiz Escudero na pwede pa namang ilabas mula sa archive ang impeachment case ‘pag ni-reverse ng Supreme Court ang nauna nitong desisyon. Pero FYI lang, wala pa ring ruling ang Supreme Court sa mga pending na motion for reconsideration para sa reversal.
(VOICE OVER) And of course, hindi mawawala ang mga scam. Rumagasa ang mga disinformation tungkol sa social services mula sa gobyerno! P1,000. Isang libo pa rin ang social pension para sa mga indigent senior citizen, ayon na rin sa RA 11916. Kailangan muna ng bagong batas para tumaas ito!
(SOUND ON TAPE: BM:) Paalam na sa 4Ps? MALI-ta!
(VOICE OVER) Hindi basta basta pwedeng alisin ang 4Ps conditional cash transfer program dahil nasa batas na ito. Para tanggalin, batas din ang dapat ipasa ng Kongreso para magawa ito!
(SOUND ON TAPE: BM:) At ‘yan ang kumakalat na mga disinformation ngayong Agosto.
(VOICE OVER) Tandaan, ugaliing mag-fact check dahil…
(VOICE OVER – BOTH) No, no sa Malita, at dapat laging tama! See you next month!

Music credit: Investigative by Aruma

Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.