Skip to content
post thumbnail

MALI-ta Minute: Mga disinformation na kumalat ngayong Hunyo

Ngayong Hunyo, patuloy pa rin ang disinformation tungkol sa kaso ng mag-amang Duterte. Kasabay din nito ang mga AI-generated videos tungkol sa gulo sa pagitan ng Israel at Iran.

By VERA Files

Jun 30, 2025

1-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

Ngayong Hunyo, patuloy pa rin ang disinformation tungkol sa kaso ng mag-amang Duterte—ang kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court at impeachment case ni Bise Presidente Sara Duterte. Kasabay din nito ang mga AI-generated videos tungkol sa gulo sa pagitan ng Israel at Iran.

Ito ang ilan sa mga dinebunk ng VERA Files ngayong buwan!

Transcript

Video Transcript

Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the provided video script document.
(Parodying the viral video of an AI-generated student being interviewed)
(SOUND ON TAPE) BM: Excuse me, pwede ba kitang matanong?
RDG: …Yes po.
BM: Okay ‘yun lang po. Salamat.
(VOICE OVER – SFX: TV cut)
(SOUND ON TAPE) RDG: Ako po si Row.
BM: Ako naman po si Bryan.
RDG: At welcome to…
Both: MALI-ta Minute!… Hindi po kami AI-generated.
(VOICE OVER) BM: E ito kayang video na lumitaw matapos ibalik ng Senado ang impeachment case ni VP Sara sa House?
(SOUND ON TAPE) AI PERSON: “I mean, maraming may confidential funds sa gobyerno, iba nga bilions pa, but why single out the VP? They want justice but their justice is selective.”
(VOICE OVER 1) AI-generated ‘yan! Maraming red flags sa video na nagpapakitang gawa ito gamit ang AI. Sabi rin ng Deepfakes Analysis Unit, hindi genuine o authentic ang video.
(VOICE OVER 2) Maliban pa d’yan, kumalat din ang iba pang mga video na nagsasabing dinismiss na ni Senate President Chiz Escudero ang impeachment case laban sa VP. (SFX: wrong buzzer) Hindi rin ‘yan totoo. Wala namang resolution ang Senado tungkol d’yan.
(VOICE OVER 1) Ito pa, may video naman na nagsabing hindi na raw tuloy ang trial dahil nagsi-babaan na sa pwesto ang mga senador. Hindi ‘yan totoo, ‘no! Nag-adjourn lang naman ang 19th Congress, walang mass resignation na nangyari.
(VOICE OVER 2) Tuloy-tuloy pa rin ang ragasa ng disinformation tungkol sa ICC case ni dating Pangulong Duterte. Bukod sa binasura na raw ang kaso niya, makakalaya na rin daw siya?! Mali! Hindi pa nga nagsisimula ang hearing sa kaso ni Duterte e, wala pang desisyon ang ICC.
(VOICE OVER 2) BREAKING NEWS! G-gyera? Sundalo? Umiiyak?!
(VOICE OVER 1) AI-generated din ‘yan! Katulad na lang nitong mga video na kumalat sa gitna ng gulo sa Middle East. At meron pa ngang sundalo na nag-surrender daw sa Iran.
(VOICE OVER 1) Base sa resulta ng mga AI detection tool, malaki ang tyansa na gawa lamang ang mga ito gamit ang AI. Itong missile, oh! Naging paputok?!
(VOICE OVER 2) At ‘yan ang kumakalat na mga disinformation ngayong buwan.
(VOICE OVER 1) Tandaan, ugaliing mag-fact check dahil…
(Both) No, no sa Malita, at dapat laging tama! See you next month!

Music credit: Investigative by Aruma

Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.