Skip to content
post thumbnail

MALI-ta (Maling Balita) Minute: Disinformation tungkol sa disaster, Marcos admin at kay Duterte nagpayanig ngayong April!

Na-fool ka ba ng mga maling impormasyon this April? Narito ang ilan sa mga disinformation na kumalat sa buwan na ito. Dahil hindi dapat araw-arawin ang April Fools!

By VERA Files

Apr 30, 2025

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Nagkalat ang mga maling impormasyon ngayong Abril. Kasama na rito ang mga disaster-related disinformation na umalarma sa mga netizen, ang mga hindi totoong post sa kaso ni former president Rodrigo Duterte sa International Criminal Court at mga maling impormasyon tungkol sa Marcos Jr. administration.

Alamin ang mga MALI-ta (maling balita) na kumalat ngayong buwan at ang katotohanan sa likod ng mga ito!

Transcript

Video Transcript:

Disclaimer: This transcript was generated by Gemini from the provided video script document.
Characters in video:

  • Rhoanne de Guzman, Researcher-Reporter
  • Valerie Nuval, Researcher-Reporter

(SOUND ON TAPE) Intro, “RD, VN shows up”
(VOICE OVER – Valerie Nuval, VN): Na-fool ka ba ng mga maling impormasyon na kumalat ngayong buwan?
(VOICE OVER – Rhoanne de Guzman, RD): Kahit hindi dapat araw-araw ang April Fools? Welcome to MALI-Ta minute!
(VOICE OVER – RD): Ako si Row.
(VOICE OVER – VN): At ako naman si Val. Narito ang ilan sa mga disinformation na dinebunk namin ngayong buwan!
(SOUND ON TAPE) Show montage of disaster-related posts. Show video of Cubao bus terminal fire. VN opens palm and brilyante ng apoy (using Encantadia TikTok filters) shows up. The fact-check article/debunk then comes out from the gem.
(VOICE OVER – VN): Nagkalat ang mga disaster-related disinformation ngayong April. Tulad nitong sunog daw kamakailan sa isang bus terminal sa Cubao! Kuha pa pala ito noong 2023.
(SOUND ON TAPE) Show false video about earthquakes hitting on April 22. RD opens palm and brilyante ng lupa (using Encantadia TikTok filters) shows up. The fact-check article/debunk then comes out from the gem.
(VOICE OVER – RD): Nanakot din ang mga post na nagsabing magkakaroon daw ng malakas na lindol sa Pilipinas noong April 22. Kahit matagal nang sinasabi ng Phivolcs na dapat maghanda para sa “The Big One,” wala pang reliable technology na makakahula ng eksaktong araw, oras o lokasyon ng pagtama ng mga lindol.
(SOUND ON TAPE) Show AI-generated videos of Thailand quake. Show false post on Thailand monsoon. VN opens two palms, brilyante ng hangin and apoy show up. The fact-check articles/debunk then comes out from the gems.
(VOICE OVER – VN): Speaking of lindol, umabot din dito sa Pilipinas ang mga AI-generated na video tungkol sa lindol sa Thailand noong nakaraang buwan. ‘Yung ibang post, gumamit pa ng clip na hindi naman talaga lindol. Malalakas na hangin at alon lang ito dala ng monsoon weather noong January.
(SOUND ON TAPE) Show false Guinness World Record and Elon Musk showing support graphic. Zoom in on the “this is fake news” labels.
(VOICE OVER – RD): Wala ring humpay ang disinformation kaugnay sa kaso sa ICC ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. May mga graphics tungkol umano sa Guinness World Record na nakuha ng birthday rallies para kay Duterte o ang pagsuporta ng Vatican at ni Elon Musk kay Duterte. Walang totoo dito!
(SOUND ON TAPE) Show screenshot of video claiming Hungary’s exit from the ICC was linked to Duterte’s arrest. Show screenshot or screenrecording Viktor Orban’s speech or tweet.
(VOICE OVER – VN): Wala ring basehan ang claim na um-exit ang Hungary sa ICC dahil sa pag-aresto kay Duterte. Sinabi lang ni Prime Minister Viktor Orban na naging “political” court na ang ICC. Kaugnay ito ng pag-akusa ng korte kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ng war crimes at crimes against humanity sa Gaza. Wala siyang binanggit tungkol kay Duterte.
(SOUND ON TAPE) For this portion, RD holds a notebook or book (cover the title) and acts like she’s reading a book: turn the page every enumeration of the claims and then closes it when saying “pero lahat ng ito, hindi totoo”. Show posts: ICC rejection disinfo, ICC declares Duterte innocent screenshot, Duterte released, Duterte secret homecoming.
(VOICE OVER – RD): Kumalat din ang mga video tungkol umano sa:

  • pag-reject ng ICC sa kaso ni Duterte,
  • pag-declare ng ICC na inosente siya,
  • pag-release kay Duterte,
  • at pag-uwi niya sa Pilipinas!

Parang complete disinformation story na nga. Pero lahat ng ito, hindi totoo. Nakakulong pa rin si Duterte sa ICC detention facility sa Netherlands habang hinihintay ang confirmation of charges hearing sa Setyembre. Lumang video rin ang kumakalat na (pabulong) secret homecoming story niya!
(SOUND ON TAPE) Show screenshots of posts claiming Marcos was hospitalized due to kidney problems. Show videos of Marcos attending an event and PCO photos from the Palace tour on April 3.
(VOICE OVER – VN): O, may mga disinformation din tungkol sa Marcos administration, ha? May mga kumalat na claim na na-ospital daw si President Bongbong Marcos dahil sa kidney problem kahit wala namang basehan. Walang opisyal na statement ang Malacañang noon tungkol dito. Nung araw nga na na-publish ang posts, umattend pa siya sa mga public event.
(SOUND ON TAPE) Show screenshot of post claiming Torre has resigned.
(VOICE OVER – RD): Biktima rin ng maling impormasyon si CIDG Chief Nicolas Torre III. Hindi totoong nag-resign siya matapos arestuhin si former president Duterte. Luma ang clip at kuha pa noong Agosto 2023 nung mag-resign siya bilang direktor ng Quezon City Police District.
(SOUND ON TAPE) Show screenshot or video of Jaime Bautista supposedly saying he will file cases against OFWs. Show portions of SMNI news report where the clip was taken.
(VOICE OVER – VN): At last na… kumalat din ang video daw ni NBI Director Jaime Santiago na nagsasabing kakasuhan niya ang mga OFWs nang walang dahilan. Kulang sa konteksto ang video. Mula ito sa isang forum noong Marso kung saan sinabi niya na kakasuhan niya ang mga Pilipinong nasa abroad na nagpapakalat ng maling impormasyon. Hindi lahat ng OFWs yun, ‘no!
(VOICE OVER – RD): At ‘yan ang mga nagbabagang MALI-ta – o maling balita! – ngayong buwan.
(VOICE OVER – VN): Ugaliing mag-fact-check dahil:
(VOICE OVER – RD, VN): No! No! Sa MALI-ta, at dapat laging tama!
(VOICE OVER – VN): See you next month!

Editor’s Note: Ang MALI-ta Minute ay buwanang roundup ng viral misinformation trends sa social media na na-obserbahan at finact-check ng VERA Files. Ang ibig sabihin ng MALI-ta ay “maling balita”.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.