May Facebook page na nagpapakalat ng advertisement na ini-upload daw ng Professional Regulation Commission (PRC) na inaanyayahan ang mga nagtapos ng college na mag-apply bilang teacher sa Thailand. Peke ito.
Mula April 29 hanggang May 27, ang “PRC News and Updates” ay nag-upload ng magkakagayang mga post tungkol sa ad na patuloy pa ring kumkalat ngayong linggo:
“Calling All College Graduates. Thailand Is Hiring For Teachers. With or without License. Any Course can apply. Willing to start ASAP. No Placement Fee/Free Accomodation with allowance.” (Panawagan sa lahat ng nagtapos ng college: Ang Thailand ay nagha-hire ng mga teacher, may lisensiya man o wala, kahit anong course ay puwedeng mag-apply, basta kayang magsimula agad. Walang placement fee. Libre ang accomodation at may allowance.)
Ang mga post ay may mga link kung saan puwede raw magpasa ng resume. Ang website na “PRC JOB HIRING 2024” ay nanghihingi ng personal na impormasyon.
Ang pekeng ad ay pinasinungalingan ng PRC.
Noong May 31, sa email ng VERA Files, sinabi ng PRC Public Information and Media Relation Unit na ang “PRC News and Updates” ay hindi konektado sa PRC:
“The said page is posting unverified job applications for professionals abroad.” (Ang nasabing page ay pagpo-post ng mga unverified job application para sa mga propesiyonal sa ibang bansa.)
Pinaalalahanan ng PRC ang mga netizen na huwag maniwala sa mga unauthorized Facebook page. Isa lang ang official Facebook page ng Professional Regulation Commission
Ang mga pekeng ad ay patuloy na kumalat pagtapos i-announce ng PRC ang mahigit isang daang libong pumasa sa Licensure Examination for Professional Teachers noong March 2024.
Ang tatlong post ng “PRC News and Updates” (ginawa noong July 5, 2022) ay may kabuuang higit 8,600 reactions, 8,000 comments at 19,000 shares.