Courtesy of PROBE PROFILES
ALL eyes were on broadcast journalist Korina Sanchez when her fiancé, Sen. Manuel “Mar” Roxas II, made the surprise announcement that he was withdrawing from the 2010 presidential derby in favor of Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sanchez was among those first consulted by Roxas about the sudden change of political plans. She was reportedly behind the crafting of the senator’s “concession” speech at the Club Filipino on Sept. 1.
Interviewed over the radio the following day about her fiancé’s decision, Sanchez poured her heart out and lashed out at the critics of Roxas. Sanchez has been on a leave of absence from her newscasting job at the network giant ABS-CBN since May in preparation for her October wedding with Roxas and the long-planned presidential campaign of the senator.
The following is an interview by Probe Profiles with Sanchez on Sept. 7.
Q: Ano yung pinakamasakit para sa ‘yo nung nagdesisyon si Mar na hindi na tumakbo?
A: Siguro yung pinakamasakit yung, well, unang-una, kailangan munang banggitin at ipaalala sa lahat na sweetheart ko siya at mahal ko siya. Magpapakasal kami. Anim na taon ko na siyang kasama. Kailangan din nating ipaalala na nandun ako mula noong panahon na nagbabalak pa lang siyang maging isang senador. Nakita ko kung gaano niya ipinagdasal yun, kung yun talaga ang gusto ng Panginoon sa kanya, and nakita ko yung trabaho niya bilang isang senador. Nakita ko kung paano nabuo ang kanyang intensyon na gumawa ng mas malaking kabutihan sa bayan dahil sabi nga nila, “Kung gusto mo talagang gamutin ang mga problema ng bayan, di pwedeng kasing senador ka lang. Kailangan talaga, ang makakagawa lang talaga ng ganoon klaseng kalalim at kalawak na pagbabago sa bayan ay kung ikaw ang nasa itaas. At sa pamamagitan ng ehemplong yan, lahat mapapasunod mo dahil mayroon kang kapangyarihan na magagamit mo para sa kabutihan. Kaya hindi rin naging madali yung kaniyang biyahe tungo sa kung saan man siya naroon hanggang sa nagdesisyon siya na bitiwan ang kanyang mga plano, para sa bayan. So ang pinakamasakit sa akin yung maalala ko lahat lahat lahat ang kanyang pinagdaanan. Ang kabuuan ng kanyang biyahe mula noon pa hanggang sa ngayon at sa pagsasaliksik ko pa, nalaman ko pa na wala naman talaga siyang balak maging isang pulitko, kung hindi rin namatay yung kanyang kapatid na si Dinggoy. Kaya talagang iniwanan niya ang kanyang buhay, yung kanyang kumportableng buhay, na hindi mo naman kailangang ibagok yung ulo mo sa pader at gawin mo ito. Sabi nga nila, Cheche, napakadali ang mag-ambisyon at tumakbo. Ang hindi madali ay ang magkaroon ka ng ganyang klaseng intensyon at saka mo pa papakawalan. Yun ang pinakamahirap doon. Kaya nadarama ko ang puso niya. Nadarama ko ang puso ng lahat ng sumuporta sa kanya at sa kanyang mga plano dahil nakikita ko sila araw-araw. So, siguro naman madaling intindihin yun at siguro naman eh kapata-patawad kung ang isang mapapangasawa na nagkaroon ng ganung klaseng sakripisyo ang luluha ano? At ang relasyon ko naman kasi sa publiko, Cheche, iba sa kanila. Ako naman talaga, kilalang-kilala na ako ng tao at hindi ko naman maitatago sa tao yun na nasaktan din ako sa desisyon.
Q: Okay. Sinabi mo sa isang interview na ganito pala kabigat sa isang magiging asawa o partner in life ang dalhin itong klaseng bigat ng pangyayari. Iba ba sa pag-unawa namin yung nararamdaman mo bilang isang magiging asawa?
A: Oo, kasi hindi ba tayo bilang mga mamahayag, pinapanood lang natin lahat yan. Pinapanood lang natin lahat yan. Mas matagal ka pa ngang nanonood kaysa sa akin. At hindi ko naman inakala na darating sa buhay ko bilang mamamahayag na — na hindi kailanman nagkaroon ng intensyon na tumakbo sa kahit na anong posisyon, kahit na ano ang alok o kaya ang temptasyon, ano na pumasok dyan. Hindi ko akalain na iibig ako sa isang, papakasalan ko pa ang isang pulitiko! So, kaya ganoon ang pananaw ko ngayon. Parang hinihiwalay ko yung aking mga mata bilang mamamahayag sa sarili kong nararamdaman. (CLL: Masakit?) oo, masakit. Masakit. And pero naiisip mo rin, kaya pala, sabi ko nga mas marami kang makukuha mula sa asawa. Mas makikita mo at mas magiging bakas ang katotohanan sa asawa.
Q: Yung pagkonsulta ni Mar sa yo, sabi niya kasi, ikaw daw ang kinonsulta. Nahirapan ba kayo dun sa mga palitan ninyo ng kuru-kuro tungkol sa kung dapat siyang magbigay daan kay Noynoy?
A: Hindi. Hindi talaga dahil kung nagkakaroon man kami ng debate sa ibang mga bagay, malayong-malayo yun doon sa naging palitan ng mga kaisipan o teorya o pag-aanalisa sa sitwasyon doon sa naging kasunod na desisyon niya na magbigay daan. At hindi lang kasi ako ang kanyang kinonsulta. Of course, sinasabi niya na, “Oo, nagkonsulta rin ako kay Korina kasi bahagi siya ng aking biyahe,” pero lahat kaming mga pinakamalalapit sa kanya, kasama ang kanyang magulang, ang kanyang nanay, ang kanyang kapatid, ang mga main advisory board niya, kinausap naman niya. Hindi naging mahirap dahil bago pa man niya kami kinausap, si Mar mabilis mag-isip. At si Mar kung mag-isip, hindi niya iisipin ang emosyon. Hindi magiging, hindi makakaapekto sa kanyang isip kung ano ang tama at mali ang emosyon sa kanyang mga desisyon, which I think is very important.
Q: Sabi nga niya, humahabol pa lang yung kanyang emosyon ngayon.
A: Ngayon pa lang humahabol. Ako nauna yung emosyon. Ako nauna, okay. So, kaya hindi, well, nung nag-uusap kami, alam mo, kung gagawa ka ng ganung klaseng desisyon, hindi ka naman talaga pwedeng magparaan ng sobrang emosyon.
Q: In that sense, sober yung kanyang desisyon?
A: Oo, and even when he was consulting us, kahit nung kinokonsulta niya kami, kami rin sumusunod sa kanyang ehemplo. At dahil nga bali-baligtad na niya ang lahat ng scenario sa kanyang isip, at nung umupo siya kasama namin, na nagmamahal sa kanya, parang binigyan lang niya kami ng respeto para marinig kung ano ang aming mga suhestyon. Pero alam na rin niya kung anong manggagaling sa bibig namin. At nasama na niya yun dun sa kanyang decision-making process.
Q: Pero parang maraming nagsasabi, mabilis. Napakabilis.
A: Yun ang tawag ng panahon. Sabi ko nga, ang isang bagay na talagang napabilib talaga ako kay Mar is napakabigat nung desisyon, napakasakit pero napakabilis niyang ginawa.
Q: Sabi mo, nagulat ka. Dati mo bang alam yan tungkol sa iyong kasintahan na he’s a very rational person? Was this a surprise to you?
A: It was a surprise to me. I knew that Mar has always been a man of honor and alam ko na napakatindi ng prinsipyo ni Mar. Pero alam mo kasi pag kilala mo si Mar, nakikita mo lang siya, kalaro niya yung mga bata, parating nagbibiro. Pag dumarating sa bahay yan, ayaw niya pag-usapan ang trabaho, manonood lang kami ng Iron Man. Magtatawanan kami. Nakikipagbiruan sa akin yan, corny pa nga yan pag nagbiro. Sasayaw pa yan sa harap ko, mapangiti lang ako. Kaya hindi mo iisipin na yung ganung klaseng prinsipyo. Alam mo, you know, the test of a man is at his direst moments. The test of true character is how you comport yourself in the direst of circumstances. And it so happened that there hasn’t been such an opportunity to test that character the way it had been tested the last week. Hindi pa kasi nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng ganyang panawagan sa kanyang kaluluwa, sa kanyang isip at puso na gumawa ng ganyang klaseng desisyon. Kaya nagulat ako na ganyan pala talaga katindi ang prinsipyo ni Mar. Ang tingin ko nga sa kanya para siyang nagpabaril sa Bagumbayan eh.
Q: Tumindi ba ang iyong respeto sa kanya, ang iyong pagtingin sa kanya?
A: Sobra-sobra. Kung dati meron pa kong may pagdududa na, “Bakit ba ganyan ka ba talaga mag-isip, talagang mabagal kang mag-isip at saka talagang pinag-iisipan mong masyadong-masyado.” Kumbaga dati, Cheche, kung mayroon man akong pag-aalinlangan at hindi ako magsasabing wala naman akong siento-por-sientong walang pag-aalinlangan, ano, sa kanyang pagkatao o sa kanyang, abilidad bilang leader. Napawi lahat yun, napawi lahat-lahat yun. Ang tingin ko sa kanya, talagang ten feet ang kanyang height.
Q: Tumindi ba ang inyong relasyon sa isa’t-isa? Maraming nagtatanong, bumabatikos nung kayo ay nag-announce na engaged na kayo. Ngayon sa pangyayaring ito, pa’no ito nakaapekto sa relasyon niyo sa isa’t-isa?
A: Tao lang naman. Yung ibang tao lang naman ang nag-iisip nun eh na baka bahagi lang ng kampanya o bahagi lang ng gimik. Meron pa ngang nagsabi na bayaran daw ako para lang kunwari girlfriend ako niya, no? So, ibang tao lang ang nag-iisip noon, pero sabi nga ni Mar, “Pabayaan mo na sila dahil yan ay repleksyon sa kanila, hindi yan repleksyon sa atin.” Kaya hindi naman talaga namin pinansin yun kahit kailan. Sabi ko nga, ngayon na talagang ikakasal kami at hindi naman mababago ang mga plano, pwera na lang yung October 23 na ngayon ay October 27 na dahil meron kaming mga hinihintay na kamag-anak, ano, mula sa Ameica. Matutuloy yan at imbitado sila kung kakasya silang lahat sa simbahan. Aba’y magpuntahan sila lahat dun para makita nila sa sarili nilang mga mata na talagang mangyayari ito.
Q: Yung relasyon niyo, dahil sa sabi mo na nasubok kayo, kayong dalawa, ito yung una niyong pagsubok as a couple?
A: Well, oo. Ito na siguro ang pinakamatindi. Ito ay pagsubok, bilang, hindi laban sa isa’t-isa ano. Together, yes. Ito’y isang napakalaking pagsubok, pero ito ay pinadali ni Mar at kahit na siya ang bumitaw, siya yung nagsakripisyo, siya pa ngayon ang nag-aalaga sa akin.
Q: Ganun?
A: Oo, siya pa yung nagsasabi, nagpapaliwanag, “Gusto ko lang malaman mo na ito, talagang kusa ito sa loob ko. Kung hindi ko ito gagawin, magkakawatak-watak ang grupo para sa reporma. Isipin mo na lang kung bakit ko ito ginawa.” At tulad ng kanyang pagkonsulta sa akin, hindi naman niya ako kinokonsulta parati. Alam mo, macho yan. Talagang, at ayoko rin namang masasabing pakialamera akong girlfriend o asawa. Kaya sinasadya ko talaga na lumayo sa kanilang mga meeting. Pero pagdating sa mga bagay na pinaka-base ko, halimbawa, sa pagsagot sa mga tanong tulad ng bakit ba tayo nandito? Bakit ba natin ito ginagawa? Bakit ba tayo nag-ambisyon nung unang-una? Bakit ba gusto nating tumakbo? Sino ba si Mar Roxas? At ano ba ang turo sa akin ng mga ninuno ko? Sa mga ganoong klaseng mga tanong, kasama na kami sa pagsagot niyan at pagpaalala sa aming lahat na ang tanging dahilan lang naman kung bakit gusto niyang maging presidente sana para baguhin ang bansa. Kung siya ay hindi pa bibigay sa pagkakataong ito, magkakaroon ng mga dibisyon sa mga grupo ng reporma, kasi hindi naman natin masasabi na yung 15 percent niya sa surveys eh hindi rin milyon-milyon-milyon ang ibig sabihin noon na nananawagan na siya ay maging isang presidente.
Q: Tinawag siyang “statesman.” Pero sinabi din sa column na bagamat nagbigay daan si Mar, baka daw mapunta sa mali ito dahil sa hindi natin alam kung ito bang hakbang na ginawa niya ay mauuwi sa mabuting, ano ba ito, mabuting desisyon na si Noy ay patakbuhin. Anong masasabi mo tungkol doon?
A: Bago namin, bago niya, bago ginawa ni Mar ang kanyang desisyon, nagkaroon ng konsultasyon. At kung ano man ang naging desisyon ni Mar, yun din ang aming posisyon. Na kung ang kanyang suporta ay ibibigay niya kay Noynoy, kami rin, yun ang aming gagawin. Siya ang ehemplo. Siya ang may bisyon sa nais niyang mangyari.
Q: Okay. Pero bilang mamamahayag, at bilang magiging asawa ni Mar, labag ba sa kalooban mo ‘to?
A: Wala siguro ako sa posisyon na sagutin yan dahil hindi ko alam at hindi ko pa inaalam ang lahat ng dapat kong malaman na mga bagay kung bakit yon ang resulta ng desisyon ni Mar.
Q: Naiiba no? Kasi mamamahayg ka, kung mamamahayag ka talaga, sasaliksikin mo yun.
A: Oo, mabilis ang mga pangyayari. So, kung si Mar, ngayon pa lamang siya halimbawa bumibigay sa kanyang emosyon ako naman baliktad.
Q: Tapos ka na doon sa emosyon
A: Natapos na ako sa emosyon, ngayon ako humahabol sa pagsaliksik ng impormasyon tungkol doon sa mga scenario na nasa kanyang isip. I think it’s going to be very dangerous to have to answer that question right now.
Q: Okay. Maaari bang mabaliktad ulit ang equation? Sa palagay mo?
A: Wala sa isip ni Mar yan. Si Mar sa pagkakaalam ko, noong siya ay nakikipag-usap kay Noy, buo ang kanyang loob. Lalaki siyang nagdesisyon. At kahit nagkaroon ng pag-uusap na sa pagitan nilang dalawa ni Noy na maaari siyang maging VP to Noynoy, ang sagot ni Mar sa kanya, “Ayaw ko munang pag-usapan yan. Ayaw kong mababahiran ang integridad ng aking desisyon at intensyon para sa grupo ng reporma ng isang transaction.”
Q: Okay. Para sa iyo, bilang kabiyak ni Mar, kung i-offer sa kanya ang vice presidency, okay ba sa yo yun?
A: Hindi ko pa naiisip yan. Kasi hanggang ngayon para sa akin, siya dapat ang maging presidente ng Pilipinas.
Q: Okay. Nagalit ka ba?
A: I want to qualify my statement earlier. Palagay ko naman kapata-patawad at kaintindi-intindi kung sasabihin ko na para sa akin, ang pinakamahusay at pinakamaabilidad at karapat-dapat na pangulo ng ating bansa ay si Mar Roxas pa rin. At kahit kailan mo ‘ko tanungin, bilang kanyang mapapangasawa, Mar Roxas pa rin ako. But just to qualify my earlier statement, kung ano ang desisyon ni Mar, kung sino ang kanyang gustong suportahan, and in this case, it is Noynoy Aquino, then we will support Noynoy Aquino for his presidential bid.
Q: Bukas sa kalooban mo yun?
A: Kung bukas sa kalooban ni Mar, walang dahilan kung bakit hindi dapat bukas ang lahat ng aming kalooban diyan.
Q: The anger…
A: Hindi ko naman kasi maitatago yung naging interview ko kay Ted Failon. Kaya nga siya ang pinili kong makausap noong araw na yun eh dahil kaibigan ko siya. At naiintindihan niya kung saan ako nanggagaling. Hindi ko naman pinlano na maiyak, kaya lang talagang yun yung unang araw pagkatapos ng pagbibitiw ni Mar and nung naalala ko yung mga sakripisyo ni Mar, at yung mga komento ng ilang tao lang naman tungkol kay Mar bago yung kanyang desisyon, talagang nasaktan ako para kay Mar. Pati ako nasaktan kasi hindi mo akalain na manggagaling ang mga pananalitang yun sa mga taong ganun na masasabing kapitapitaganan naman din at mga sumusuporta din kay Mar. So, yun lang naman ang pinanggalingan nun. Walang pwedeng maging galit kung hindi sakit lang. It was really hurt than it was anger.
Q: Did you see it coming? The challenge from another reform group within the Liberal Party?
A: The challenge?
Q: Pagkatapos nung namatay si Tita Cory at merong massive outpouring for her, did you see it coming?
A: Wala.
Q: Hindi mo inisip na maaaring magkaganito?
A: Una, kami ay nakiramay sa pagpanaw ni Pangulong Cory Aquino. At yun lang ang iniisip namin noon. Hindi, malayung-malayung-malayo ang pulitika sa isip namin.
Q: Kelan niyo nakita na maaaring itong tinatawag na outpouring for Tita Cory ay maaaring ma-translate sa realignment of the forces for the presidency?
A: As I said, we never really, we never thought of it that way.
Q: When did this transition happen?
A: Transition from?
Q: Kelan pinag-isipan ni Mar ito? Kelan niya sinabi sayo na mukhang gusto yata ni Noynoy na tumakbo?
A: Naramdaman ko na lang yun nung sinabi na niya na kailangan na niyang kausapin si Noy dahil nakikita na namin sa dyaryo mayroong ganung klaseng komento. Tahimik si Noynoy. Kaya kinailangan nang kausapin ni Mar si Noynoy kung bakit siya tahimik.
Q: Na hindi siya nagsasabi na hindi siya tatakbo, that he was just waiting for signs.
A: Well, from what I know in the beginning, he never really had plans of running.
Q: Oo nga.
A: And this was on the front pages of the papers.
Q: Oo nga. Pero bakit biglang nagpalit? Ano sa inyong pananaw ang nangyari?
A: Mula mismo doon sa talumpati ni Mar noong kanyang binigay ano, ang baton kay Noynoy. Mula mismo sa kanyang pananalita sa kanyang talumpati, siya mismo nakita niya ang uhaw ng tao para sa pagbabago noong ililibing na si Pangulong Cory Aquino. Pero ito ay matapos niyang makipag-usap kay Noy at nalaman nga niya na interesado si Noy.
Q: Sinabi ba ni Noy sa kanya categorically na interesado siya?
A: Yan ang nasa pananalita ng kanyang talumpati na gusto ni Noy na siya ang tumakbo bilang presidente.
Q: Sa palagay mo ba, in your personal opinion, maski sinabi nila ni Mar na bibigyan daan si Noy, do you think he’s prepared to be president?
A: Who, Noy? Hindi ko alam kasi out of touch ako, you know, I don’t, hindi ko alam. Well, siguro ganito nalamang ano, dahil sa ang pinagbabasehan natin ngayon ay ang malaking pagbabago sa ating bansa na dinala at ipinagbunyi ng buong bayan mula kay Pangulong Cory Aquino noon, si Pangulong Cory Aquino noon is a housewife. At dyan papasok ang mga tanong na para sa pagbabago ng isang bansa, kailangan nga ba talaga na preparado sa tradisyunal na pamamaraan ang isang kandidato upang pamunuan ang kanyang bayan, sa mga panahon ngayon kasi iba-iba na ang depinisyon at pag-aanalisa kung ano ang kailangan ng ating bayan. Mayroong tradisyunal, mayroong hindi gaanong ka-tradisyunal. Sino ba ang kalaban? Gaano ba katindi ang kalaban? At sa pagkakataon ngayon, at mula rin sa pananalita ni Mar sa kanyang talumpati, kung tayo ay tatayo sa integridad at paninidigan na ginawa ni Ninoy Aquino at Cory Aquino, sino pa nga ba ang dapat humawak ng baton kundi si Noynoy, ang anak.
Q: Sabi sa amin ni Mar, he’s a Roxas, the other one’s an Aquino. Aquino is a more sellable name. You agree? Is that enough, the blood that runs in your veins to be able to run for president? To be able to take up the baton?
A: Itong bansa kasi natin kahit pagkatapos ng sakripisyo ni Pangulong Cory, bakit parang ganun din ang kinalabasan after 25 years? Grabe pa rin ang pagnanakaw at panggagahasa sa ating bayan? Hindi naman natin masasabing walang nagawang mabuti ang pag pasok ni Pangulong Aquino at sinundan ni Pangulong Ramos. Parang ang bansa natin, tuluy-tuloy ang eksperimento. Hindi pa estable ang bayan natin. Kaya’t kahit na siguro sabihin nating ang dapat talagang maging kandidato ay yung handa, yung may nalalaman, maraming kontribusyon sa kanyang track record. Handa na ba ang bayan natin na yun talaga ang makita o ang bayan ba natin ay isang bayan na kailangan pa ring ukitin ang mga puso sa pamamagitan ng emosyon at damdamin para lang magawa natin ang reporma na kailangan ng ating bayan. Handa na ba ang ating bayan na gamitin ang kanyang isip at hindi lamang ang kanyang puso sa pagpili ng isang kandidato?
Q: Sa palagay mo ba, kailangan nito, emosyon para sa pagpalit, para sa pagbabago?
A: Para sa akin, ginawa tayo ng Diyos na may utak at puso sabay. Kailangan nating balansehin yan. Kailangan nating balansehin, gagamitin natin pareho yan sa lahat ng ating desisyon.
Q: Before all this, it seemed clear to the Liberal Party that Mar would be its standard bearer. Do you feel na may bumaliktad? Na-onse si Mar, in other words?)
A: Let me think about that. You know, I asked Mar that question. Si Mar lang ang nakakaalam sa kanyang puso at isip kung bakit ganoon kabilis ang pagpalit ng mga plano at kung bakit mabilis din siyang nakapagdesisyon na ito ang tamang gawin. Ang importante para kay Mar, tulad na rin ng kanyang sinabi sa Club Filipino ay hindi magkaroon ng dibisyon sa Partido Liberal. Dahil kung pare-pareho lang din lang naman ang ating mga intensyon para sa bayan, mas mabuti nang sama-sama tayo kaysa tayo’y watak-watak. Kaya nga siya na lamang ang nagbigay dahil hindi mo rin naman masasabi na wala siyang taga-suporta sa kabuuan ng Pilipinas. Pero bakit pa? The easiest thing, Cheche, is to give in to the dictates of your ambition or to succumb to the lures of your vanity. It is the easiest thing. The most difficult thing is to have to let go of a dream, of a life plan that you’ve invested in.
Q: Is that what he did?
A: Well, Mar has come out of this hole, buong-buo si Mar na lumabas dito. Buong-buo siya, malinaw sa buong bayan kung ano ang kanyang intensyon para lang magkabuo ang mga puwersa para sa kabutihan. “Ako ang magsasakripisyo para hindi na magkahati-hati ang grupo ng mga mamboboto na ang gusto ay reporma at kabutihan para sa ating bayan, kaya kay Noynoy tayo.” Para kay Mar importante kung ano ang gusto ni Noy. Kaya nga niya kinausap. Kasi pwede rin naman siyang magsabi, “Wala akong pakialam, gusto ko namang tumakbo” na lang. Pero kasi ang Partido Liberal, ang mga talagang poste niyan ay mga Aquino, mga Roxas, Salonga. Yung kanilang mga ninuno. Kaya importanteng malaman kung ano ang sasabihin ni Noynoy Aquino.
Q: Pero desidido na ba siya nung nagmeeting sila na kung sabihin ni Noynoy na interesado siya, talagang he would give way?
A: Depende rin siguro yun kung ano ang mga dahilan ni Noynoy na silang dalawa lang actually ang nakakaalam. But I imagine that the decision was mutually agreed on because of common goals.
Q: Okay. Bakit mo inihambing ang pagbitiw ni Mar sa pagpapabaril sa Bagumbayan?
A: Ang tingin ko kasi sa mapapangasawa ko ngayon, parang buhay na bayani. Parang masakit, mabigat, pero kusang loob niyang ginawa para sa kanyang bayan. Parang hinarap niya yung sakit. “O sige na nga, kahit ito na ang ikamamatay ng aking pangarap, sa gusto kong mangyari sa bayan para na ako na mismo ang magrerenda, sige na. Patayin na muna natin ang ambisyon kong yan sa ngayon para sa kabutihan ng lahat .”
Q: Okay, yung pagkamatay ng ambisyon is temporary or permanent?
A: Hindi natin masasabi kung ano ang iginuhit ng tadhana para sa kanya. At kung ito ay bahagi lamang ng sagot ng kanyang mga dasal sa Panginoon, sabi nga, it’s no, yes or wait. So, tingnan natin. Alam mo, Cheche, kung ako ang tatanungin mo, hindi mo naman kailangan nasa pulitika para makagawa ka ng kabutihan para sa bayan. Mas derecho pa nga tayo, di ba nagbibigay ako ng tsinelas, nakikita ko agad yung bata, nakuha yung tsinelas, nasuot kaagad. So, sabi ko nga, kahit nga ilagay mo bilang janitor si Mar sa isang munisipyo, palagay ko sa kanya yung may pinakamakintab na sahig sa lahat. So, kahit na anong pwesto, kahit walang pwesto, ang serbisyo publiko at pagmamahal sa bansa, hindi mo na matatanggal yan kay Mar Roxas.
Q: You said Mar is now grappling with his emotions. How is he?
A: Mar is as I see him, busy. He’s busy helping out the campaign in case Noynoy does decide officially that he wants to run.
Q: So there’s a chance he won’t?
A: I have no idea. Pero sa pagkakaalam namin eh ibinigay namin, nakahanda na kaming magsuporta. So yung kanyang team sa ngayon ay inihahanda na rin niya sa kung anumang scenario nakikita ko excited siya sa kung ano ang magiging resulta nitong ekperimento na ito, no? Kung minsan nakikita ko siyang nag-iisip. May kaunting kalungkutan sa kanyang mga mata, pero interpretasyon ko lang yun. Baka naman nagdadasal lang din siya, hindi ba na, “Panginoon, sana naman basbasan mo ng grasya ang aking ginawa na sana ito ang tama talaga para sa bayan.”
(Publication of the transcript was made possible by VERA Files trustee Booma Cruz, who is the general manager of Probe Productions.)