NACIONALISTA Party presidential candidate Manuel Villar, Jr. said if he wins, the speaker of the House of Representatives will come from their party and not President Gloria Arroyo.
He also challenged Liberal party presidential candidate Benigno Aquino III to come with him to Tondo so he could show to him how he lived when he was poor.
In a press conference before the Holy Week break, Villar said, “Pag ako nanalo bilang president, maglalagay kami ng kandidato pagka speaker, na manggagaling sa aming grupo. Ang tingin ko nga, pagnanalo si Noynoy ang magiging speaker ay si GMA; mahina kasi siya , hindi niya makokontrol yung mga congressman, (If I win as president, we will install as speaker someone from our group. As I see it, if Noynoy wins, GMA will become speaker because he won’t be able to control the congressmen).”
He was answering earlier statement of Aquino that although usually the one who wins the speakership is allied with the (new) President, it might be possible for Arroyo to become the speaker if Villar wins alluding that his closest rival is secretly supported by Arroyo.
Villar said he is appalled by the LP propaganda involving the death of his brother. Columnists who are supporters of Aquino came out with documents showing that Villar’s brother was confined at Far Eastern University, a private hospital and was brought to Funeraria Paz for embalming. They said those are not actions of poor people.
“That’s the problem of rich people who have never experienced poverty,” he said.
Villar said his brother had cancer so they had to bring him to a good hospital. His father, he said, had a cousin at the FEU hospital who helped them to get admitted to the charity ward.
As to the embalming at Funeraria Paz, he decried the nitpicking; “Would you still choose who would embalm?” he asked stressing that the wake was held in their house.
Transcript of Villar’s press conference:
On TV ads
Gusto na nila madawit nanaman ako at madagdagan na naman yung mga binabato nila na black propaganda para sa akin.
Ito naman( referring to ABS-CBN document) Isinasubmit naman sa comelec, kaya nagtataka ako bakit hindi nila alam. Anyway sa coordination sa mga station ng mga TV and radio kami nag coordinate, binabanatayan namin yan at nagtataka nga ako kung sino, ang gusto kong malaman nagayon, sana hanapin naman ng ating mga kaibigan sa media kung sino ang nagpalabas na kami ay lumagpas, ito ba ay Nielsin ba ito o eto yun may isang NGO yata nagbabatay daw sila, pera at politika, ako naman ay hindi naninira ng ibang NGO, pero naman humihiling naman kami na sana maging responsible naman kayo sa inyong mga ginagawa dahil nakakasira kayo ng pangalan ng mga wala naman kasalanan.
Ito’y dadalhin ko sa Comelec (ABS-CBN Doc) kung pano kami lumagpas. Di pa kami nag execeed sa GMA-&, mas marami kami sa ABS-CBN, pero di pa kami nag-e-exceed doon. Sana naman yung nagkakamali ay hihingi naman sila ng apology para naman maitama nila at hindi naman sila naninira lamang.
On Noynoy’s claim that Villar did not come from the poor:
Sana patunayan ni Noynoy na ako ay hindi galling sa hirap.Sasamahan ko siya sa Tondo para Makita niya kung saan kami lumaki.
Mayroong tangka na lituhin ang mga tao at palabasin na kami ay hindi mahirap. Inuulit ko na ako’y pinanganak sa 500 Moriones st na sa kanto ng Sta Maria sa bahay na kabibili lang namin 2 yrs ago. Nagpapatunay na squatter kami noon. Lahat kaming magkakapatid ay doon pinanganak at 9 kami sa isang kulambo, isang banig, tabi-tabi kami.
On the San Rafael Property
Ang ginagawa ho nitong sila Noynoy eh pinipilit na parang yun lang ang bahay namin,
( San Rafael property) panglawang bahay ko po yun, pero lahat po sinasabing kong nadaanan kong hirap, sa unang sampung taong ng aking buhay na nakatira kami doon samoriones, sta maria., Tondo.
On the death of Villar’s brother
Tapos pinapalabas pa na yung aking kapatid na namatay at dinala sa FEU..ito ang problema sa mayayaman na hindi nakaranas ng buhay ng mahirap: pagmamatay ang mahal mo sa buhay dadalin mo talaga sa ospital yan. Yan naman ay nangyayari po. Saka ka na nag-iisip kung saan ka makakautang pero hindi ka naman nagsusuma pagkat cancer ay malubhang sakit, kinakailangan naman dalhin mo sa isang magandang ospital. Ang aking pong tatay ay may pinsan dyan (sa FEU hosp), I think ang pangalan Nelia Chua, para matulungan, doon lumapit ang tatay ko sa pinsan niya at sinabing doon dahil dahil may charity ward at tutulungan niyanf aalagaan . So dinala namin doon, malubha talaga, kaya sinasabi nila na pangmayaman ang FEU ospital, hindi po.
Pagkatapos po, yung funenaria paz naman daw e siymepre naman namatay na yung kapatid ko, nag-iiyakan kami doon (sa ospital), eh alangan naman ikaw mamamili pa kung sino magiimbalsamo. Pero ibinurol ang aking kapatid sa aming bahay.
Pero ito ang nais kong sabihin: eto ang problema sa mayayaman na minana lamang ang kanilang ariarian, hindi nauunawan yung buhay mahirap. Kapag mamatay na ang m hal mo sa buhay gusto mo rin iospital yun, hindi ka na magiisip kung saan ka kukuha ng pera.Ang gusto mo mailigtas mo ang iyong anak.
Eto yung kaibahan ng mahirap at mayaman na hindi dumaan sa hirap, hindi nila nauunawan yung buhay mahirap; ganyan po talaga yang mahihirap.
Kaya ang sa akin, ako’y nalulungkot; na shock ako, at hinahamon ko si noynoy; sasamahan ko siya sa aming bahay sa tondo. Ipapakita ko sa kanya kung paano kami namuhay dun; kung pano kami tabi-tabi sa isang kulambo at banig; hindi kami nasa hacienda subalit sana eh, wag naman ganyan. Masyadong below the belt; pati pagkamatay ng aking kapatid, ang kapatid ko po ay namatay ng leukemia. Kaya akoy nagugulat pati ang pagkamatay ng aking kapatid ay kinu question.
On his being poor
Dumaan po ako sa lahat ng hirap, yan ikukwento ko sa kanino man ang nagsasabing hindi ako dumaan sa hirap. Ikukuwento ko yung naging buhay sa unang sampung taon gulang ko. Ikukwento ko sa kanya ang buhay palengke, ikukwento sa kanya ang buhay sa aming bahay, ikukwento ko sa kanya na kami nun sa bahay nagkakamay lang kami.
Itong mga kalaban ko ay binabago ang mga petsa; ako po ay puedeng kong sabihin sa kanila ang chronology kung papaano nagbago ( ang mga bagy at lugar). Maski naman ang Tondo umaasenso po, at hindi ko naman sinabi na noong 60’s ay pareho rin ang buhay nung 50’s. Mas mahirap po kami nung 50’s kaysa nung 60’s . Noong 60’s hindi very poor, poor na lang. after a a while naging middle class na kami; nakabili ng bahay , nong lumalaki na kami, ok na kami doon.
Dahil maayos na buhay naming, hindi nangangahulugan na hindi ako dumaan sa kahirapan. Dumaan ako diyan , at willing ako ikwento sa sinuman na mag cha-challenge niyan kung ano ang naging buhay ko kung siyay may oras na makinig sa akin, ikukwento ko pa sa kanya kung saan ako naglalaro, kung ano yung mga kinakain namin, kung saan kami kumakain ng nanay ko, kung saan kami naglalakad papunta sa Divisoria.
Hanggang sa UP ako nagbubus ako, sumasakay ako sa DM transit o JD, dyan ako sumasakay sa quiapo, papuntang quiapo ako’y nag ji- jeep. Hindi kami inihahatid sa pamantasan, hindi kamukha ng iba na laki sa layaw. Kaya po wag natin guluhin ang isyu. ito po ay isang laban ng isang taga tondo na nagtinda sa Divisoria at isang haciendero na lumaki ng walang karanasan sa kahirapan.
On being Gloria’s candidate
Eto na naman, e desperado na po ang ating mga kalaban sa pulitika. Sinasabi ko naman ako at ang aking mga kasamahan, lahat po yan, ay nakalaban ng pangulo, papaano magiging GMA kami. Panglawa, hindi po ako tumatanggap maski piso kay gMA at wala akong balak tumanggap; hindi ako humihingi at wala akong balak humingi. Pangatlo, ang ginagamit ko pong organisasyon ay NP at hindi po ako gumagamit ng administration. Nagtataka ako at wala kaming ginagawa sa NP na hindi ginagawa ng LP o puersa ng masa, pareho-pareho po kami ng ginagawa sa pag akit ng mga miembro; nagkataon lamang na kami ang pinipili marahil ng mga local officials. Kaya sa kanilang pagmuni-muni, sana maliwanagan nila ito sa Holy Week.
The NP has investigated GMA: on jueteng led by me; ZTE issue ,led by Allan Cayetano; Hello Garci, led by Gilbert Remulla; we investigated all of them, where was the LP? The senate during my incumbency as Senate President was very independent. Hindi ko kailangan ang pangulo, ewan ko sila. May sapat na resourcesako kahit na konti; pinaghirapan naman sa sipag at tiyaga at dugo at pawis may naipundar naman tayo. Hindi ko kailngang pa humingi maski kanino. Yan ang aking pinagmamalaki. Maski kailan, ako po nagsasarili; kaya itong mga bintang na ito ay hindi lang unfair kungdi sign of desperation na hindi kasi sila pinili ng local officials. Kaya siguro sila hindi pinili dahil wala silang pakikisama o ayaw naman talaga silang salihan. Hindi pa kami nag-uusap ng Pangulong arroyo at FG simula noong ako’y tanggalin nila bilang pangulo ng senado. Wala kaming communication at wala akong balak na tumanggap ng pera sa kanya, wala akong balak humingi ng tulong sa kanya.
On Speaker Gloria
Pag ako nanalo bilang president, maglalagay kami ng kandidato pagka speaker, na manggagaling sa aming grupo. Ang tingin ko nga, pagnanalo si Noynoy ang magiging speaker ay si GMA; mahina kasi siya , hindi niya makokontrol yung mga congressman.