Courtesy of PROBE PROFILES
THE expected standard-bearer of the administration party, Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro is in an unenviable position. He is almost at the bottom of the current presidential survey ladder and constantly on the defensive because of the disastrous disaster response of his National Disaster Coordinating Council at the height of tropical storm “Ondoy” and typhoon “Pepeng.”
Identified with an unpopular Chief Executive, Teodoro’s bid is being challenged from within the administration. Public Works Secretary Hermogenes Ebdane, a colleague in the Cabinet, is reportedly also poised to run for president. Another, Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, has openly expressed close ties with the family of presidential wannabe, Sen. Benigno Aquino III. With eight months to go before the 2010 elections, is Teodoro still the viable candidate for the ruling party?
In a one-on-one interview with Probe Profiles, Teodoro answers the tough questions and explains why he wants to be president. He bares his personal background as well as professional track record, and shares his views on politics and governance that shape his brand of leadership.
The following is a transcript of the Teodoro interview by Profiles’ host Cheche Lazaro:
Q: Sa’n ho kayo pinanganak?
A: Pinanganak ako sa Manila Doctors Hospital. Naalala ko pa yung isang madre dun na naging very familiar sa aming lahat ng magpipinsan, si Sister Tekla ang pangalan. (CLL: Bakit?) masarap hong magluto ano, pag nako-confine kami nung araw siya ang nag-aalaga. Then naalala ko nakikita ko na may sakit sa Bagiuo na after. Manila Doctors Hospital ho kami ipinanganak, Dr. Constante Manahan ho ang nag-deliver sa aming halos lahat (CLL: sosyal na doctor ano).
Q: So masasabi natin dun sa inyong, nung binasa namin yung biography niyo, kayo ho ay pinanganak sa isang respetado, mayaman at tini-tingalang pamilya. Ito ho ba ay tumatak sa inyong kaisipan at sa inyong paglaki?
A: Siyempre po maraming pribilehiyo ho ang nabuksan sa akin, lalong-lalo na hindi po ako kailangang mag-aalala kung san ako kukuha ng pangmatrikula or baon araw-araw. Ngunit ako po’y may isang ama na hindi naman lumaki ng ganun, siya po’y hindi kasing palad ng aking ina. Dumaan po ng giyera at malaking pamilya na hindi naman may kakayahan so alam din ng tatay ko ho yung only child syndrome, so naging istrikto, nakikita niya yung nangyayari minsan so naging istriktong-istrikto ho yung tatay ko sa akin
Q: Paano tumatak yung pagka-istrikto ng tatay mo sa iyo?
A: Malaking regimentation ho yung kabataan ko sa kanya, maraming reglamento.
Q: Kagaya ng?
A: Katulad ng ho ng mga personal na utos, sa Sabado ho bago ho ako makalaro o makagawa ng ibang bagay, uutusan muna ko niyan, training ho sa kanya.
Q: Ano ho yung mga utos niya sa inyo?
A: From the petty to naging progressive naman yung mga utos, una yung pakuha-kuha lang, pangalawa yung paggawa ng ibang bagay na nakatulong sa kanyang trabaho
Q: Okay, did you resent that?
A: Nung una ho siyempre. Sabadong-sabado gusto mo naman medyo mag-relax ng konti pero hindi kaagad-agad mangyayari at saka ho sa disiplina sa pag-aaral, very strict ho siya.
Q: Paano ho niya pinakita yung pagka-istrikto dun sa pag-aaral?
A: Alam ninyo naman ho nung araw hindi naman bawal ang corporal punishment nung araw (CLL: So pinapalo kayo?) Oho, lahat naman ho siguro sa kabataan natin dumaan ho tayo nun.
Q: Nasanay ho ba kayo sa latigo?
A: Hindi naman kasi sa tatay ko ho, boses lang, matatakot na ho kayo. Medyo may reputasyon ho siya na medyo may katapangan ng konti.
Q: Yung nanay niyo naman?
A: Ang nanay ko ho is a very strict moralist, striktang-moralista ang nanay ko kaya, itim-itim, puti-puti sa nanay ko so kumbinasyon po ng isang napaka-istriktong upbringing.
Q: So para ho kayong pinalaki sa kumbento kumbaga?
A: Well, sinubukan ho nilang gawin yun ano
Q: Bakit? Paano ginawa yun?
A: Well of course sa nanay ko ho nandun na rin yung religious upbringing, tapos eskwelahan na pinag-aralan ko, sa Xavier school, very strict ang religious upbringing dun ngunit siyempre ang maganda din naman ho sa maraming pinasukan na eskwelahan, lumalawak ang pananaw natin sa iba’t-ibang mga isyu. Nagkaroon ho tayo ng sariling isip kung papano maniwala sa kakaibang mga isyu and nagdedebate pa rin kami ng aking ina sa ibang mga isyu (CLL: Hanggang ngayon?) Oho.
Q: Ano yung mga natutunan niyo sa tatay niyo o yung tumatak sa isip mo sa tatay mo na nanggaling sa tatay mo, prinsipyong hindi pwedeng labagin?
A: Yung integridad, dahil ang tatay ko ang sabi niya ang tanging yaman na maibibigay niya nung una, kung hindi siya umasenso sa buhay ay yung pangalan niya kasi ang pagkakilala po sa kanya bagamat yung ibang mga institusyon ay nagsibagsakan nung panahon ni Pangulong Marcos, sa kanya ay naiwang matatag dahil hindi daw siya pumayag sa gamitin ang pondo ng mga trabahador ng ating bansa para sa bagay na hindi naman dapat paggamitan.At saka yung pride tatay ko, mataas, mataas yung pride sa sarili bagamat nakapag-asawa siya ng isang may kayang pamilya hindi po siya, he was very particular, wag hong masabi ng tao na kinukunan niya lang ng materialware ang pamilya ng aking ina
Q: Paano niya ho pinakita yun dun sa paglaki…
A: Very, very delibarate ho ang pagkita niya, lagi niya kong pinangangaralan na ika’y may sariling kakayahan, meron kang pangalan, may ama ka na ginawa ito magmula sa wala.
Q: Na-pressure ka ba? Did you feel pressured at any point in your life na yung nanay mo galing sa isang malaking, mayamang angkan at yung tatay mo ay talagang pinupursiging na pagbutihin yung pangalan na hindi mo dungisan.
A: Palagay ko ho yung pressure ay academic in that sense, yung academic pressure, kasi yung aking ina ho ay magna cum laude, sa undergraduate po siya ay valedictorian ng kanyang college class, saka sa law school po siya’y valedictorian at saka magna cum laude. Father ko po e, may masters po sa Economics sa Georgetown so yung economic, yung academic pressure po nandun.
Q: So wala kang ligtas?
A: Wala hong ligtas
Q: Pa’no ho yung pressure sa academic life niyo?
A: Nung una ho hindi gaanong umapekto yan. It came to a point na natanggap po ako sa UP at sasabihin ko na naman, malaki ho ang utang na loob ko kay Senator Ed Angara, binigyan niya ako ng break na makapasok sa UP College of Law. Dun na ho talaga nag-ipon lahat ng pressure to perform.
Q: Bakit ka binigyan ng break?
A: Kasi ho medyo nahuli ako sa eksamen, at merong tinatawag na presidential prerogative na mga limang estudyante, isa ho ako dun (CLL: Kumbaga siningit ka?) Opo, alam naman ho ng ibang mga estudyante yun, so nagsumikap ako na patunayan na kaya ko. So nag graduate ho ako na pangatlo sa aking klase (CLL: At nag bar topnotcher pa kayo?) Kasi ho dun ho talaga ako nagsikap sa buong buhay ko na mag-aral
Q: Bakit dati hindi?
A: Hindi ho ako ganung interesado sa mga courses, galing ho sa isang regimented atmosphere tulad ho ng Xavier tapos biglang laya sa kolehiyo
Q: Sa’n ho kayo nagcollage?
A; Sa La Salle (CLL: sa La Salle, anong kurso niyo dun?) Commerce Major in Management of Financial Institutions.
Q: Okay, interesado ho kayo dun?
A: Well, unang-una accounting ho dapat ang major kaso medyo masakit ho sa mata kasi at that time manual pa yung balance sheet saka peso sign lang magkamali ka lang ng lagay meyo mali na. Nagustuhan ko ang finance kasi medyo speculative at theoretical ang science or art of Finance and after nung nag Law School ho ako, malaking tulong ang commerce degree ko kasi sa corporation sa tax law madali na lang.
Q: Okay, did you graduate with honors from La Salle?
A: Hindi ho, pasado lang ho ako.
Q: May pressure ba sa Tatay mo o sa nanany mo na Gilbert bakit pasado ka lang.
A: Meron, meron din ho, kaya bumawi na lang ho ako sa Law School.
Q: Anong na-feel ng isang taong kagaya mo na premyado yung dalawa mong magulang na ikaw lang talaga ang pinagtutuunan ng pansin?
A: Medyo may naglalaban din ho na pwersa sa akin nung araw kasi nung high school pa lang ho ako, sumama na ko sa Kabataang Barangay. I was 15, I was the youngest provincial president of the Federation ng Kabataang Barangay at isang bata ho na mabigyan ng poder o responsibilidad, medyo makakalimutan ho minsan yung pag-aaral kasi magandang karera na nga yung pulitika nun so yun ho ang napasok sa isip ko. Pagdating ho sa Law School iba yung challenge, ang challenge ho kasi talaga pumasok ka sa UP. Pribilehiyo ho yun, hindi karapatan, nakakahiya na hindi mag-perform at ang turning point nung isang pasko natatandaan ko, meron ho kaming family gathering inisa-isa ho kami kung anong gusto naming gawin sa–
Q: Sino ho nagtatanong?
A: Ang lola, she was still alive. (CLL: On the Teodoro side?) Hindi Cojuangco side, Lola Nene ko. Sabi ko tapos na ho ako ng kolehiyo that was Christmas of 84-85, graduate ho ako sa La Salle, December 84, tri-mester na ho kasi. Sabi ko ayoko na gusto kong tumakbong gobernador. Sayang kung may gubernatorial election, 21 talagang tamang-tama 21 anyos. Sabi ng lola ko gusto ko mag-Law ka. Sabi ko hindi na ho kailangan. Hindi, kasi kung hindi ka maglo-Law, mamumulitika ka, lalabas ka ng bobo, wag ka na lang mamulitika so yun yung nag-seal ng desisyon ko.
Q: Dahil sa lola mo? Oo. (CLL: Ba’t nung kinse anyos ka pumasok ka sa Kabataang Barangay, sino nag-udyok sa yo? Pano ka napasali dun?
A: Nanay ko ho assemblywoman noon. So inimbita po ako ng aming gobernador, the late Homobono Sawit, and vice governor, the late Federico Peralta, na ako hong mamuno ng Kabataang Barangay sa lalawigan, pumayag ako.
Q: Ginusto mo ba?
A: Ginusto ko nung araw kasi, challenge din sa kabataan
Q: Ano nagustuhan mo sa pagiging…
A: Leadership training ho talaga yun. Leadership training nung araw, how to be a head of a provincial organization, how to make yourself relevant, sa political scene na bata ka pa, how to get respect from the community. Malaki, malaking tulong din ho, nabigay ng Kabataang Barangay sa akin.
Q: Most people, when they start out idealistic like a 15-year-old, would really think that politics is dirty. Mmakikita mo yung horse-trading, hindi ka ba nawalan ng gana dun sa mga ganun?
A: Kasi dun sa panahon na yun ironically may paradox ng konti. Walang dirty nung araw dahil wala namang eleksiyon nung araw. Martial Law nung araw so may paradox. Yung paradox is hindi demokrasya pero hindi mo naman makikita yun kasi wala naman talagang halalan na in the sense we know it, except during 1983 after Sen. Ninoy Aquino’s death nung Batasan elections, dun talaga nagkaroon na ng, before the snap election, nung 84 Batasan election ang dami ng opposition members na nahalal.
Q: So pumasok ka sa UP, nag Law ka, na-enjoy mo naman ang Law?
A: Yes (CLL: nung umpisa ba’t ayaw mo ng Law?) Kasi it was daunting, nakakatakot dahil marami kang istorya na naririnig, apat na taon na naman na pag-aaral yan tapos marami kang makikitang abugadong ang kakapal ng salamin so, from a carefree individual papasok sa Law malaking paradigm shift sa buhay. Malaking disiplina ang kailangan pero nag alala ko ang unang pasok namin sa Law, takot na takot talaga kami, nakakatakot talaga, dahil reputasyon ng mga profesor, ang mga profesor nun sila profesor Yorac, ang reputation talagang matatapang, sisisgawan ka talaga (CLL: So nasigawan ka?) Ng ibang profesor because professor Yoyac sa ibang section siya nagturo hindi sa section namin. Lahat naman nasisigawan and it’s part of the training, to train how, kung papano ka mag-isip na under pressure
Q: Nag-enjoy ka?
A: Nag-enjoy ako. Nag-enjoy ako sa dalawang bagay — unang-una yung topic qualitative, hindi quantitative, wala gaanong numero. Pangalawa, maganda ang camaraderie sa UP College of Law, masarap ang samahan. I was, kina-counsel yung ibang mga nagtatanong sa akin kung san sila pwedeng pumunta for Law, saan maganda, sabi ko kung academic naman, nasa yo yan. Kung mag-aaral ka ng content nung binibigay sa yo pare-pareho naman yan.
Q: Bakit pwede ba sa Law School ang hindi mag-aral?
A: Medyo mahihirapan ka, mahirapan. So sabi ko you have different experiences sa iba’t ibang eskwelahan yung sa UP College of Law experience yun hindi lang academically inclined pero yung experience mo with the school, with your classmates, with your professors, ibang experience, malaking awakening experience sa maraming tao lalong lalo na yung mga galing sa private schools.
Q: Nagulat ka ba nung nag-top ka ng bar?
A: Wala namang hindi nagugulat. Alam ko na papasa, imposible na bumagsak ako kasi memoraydo ko naman halos lahat ng kailangang memoryahin saka alam ko naman yung content pero yung mag top it was really a pleasant surprise.
Q: So was that a turning point in your father’s admonition to you not to sully your name?
A: Nung nag graduate lang ako sa UP na pangatlo medyo may turning point na ng konit. Saka nakikita niya yung grado ko na medyo matataas, medyo hindi makapaniwala nga nung una
Q: Hindi makapaniwala?
A: Oo kasi malaking turning point talaga sa buhay, saka nakikita naman niya yung effort lalo na sa first year. Sa first year kasi you have to relearn yung study habits kasi under time pressure. You have only how many hours to study. The rule is for every hour of teaching the next day ng subject, 2-3 hours of study per hour. E apat na oras sa isang araw, limang oras sa isang araw, so sampung oras ka dapat mag-aral
Q: Na tutok talaga?
A: Tutok, so after a while for second year na kayo masasanay ka na rin. Pwede mo nang bawasan pero sa una talagang walang choice kahit Linggo magbabad ka talaga
Q: So nung grumadruate ka, ano na yung gusto mong gawin?
A: Well nung una wala na kami sa pulitika nun kasi natanggal na nga ang rehimen ni dating Pangulong Marcos so nag practice muna ko, nagpraktis ako kay Atty. Estelito Mendoza.
Q: Sa Law firm niya (GT: yes). Let’s back track a bit, nung panahon that you were studying, panahon ni Marcos yun and your family was …
A: First year Law, panahon ni presidente Marcos pero bago kami nag second year, of that February 1986, ending first year kami papasok ng second year, dun siya natanggal so the rest of the 3 and a half, 3 and quarter years kay President Cory na kami
Q: Let’s go back to the time of the Marcoses, your family has been known to be close to the Marcoses (GT: yes), your uncle Danding…
A: Magulang ko pareho dahil nagtrabaho, 20 years ang father ko na nagsilbi sa dating pangulo (CLL: Sa SSS) yes.
Q: Nung pumasok ka sa UP sabi mo lumawak yung pananaw mo. Siyempre UP was a hotbed for all of these protests against Marcos, did that make a mark in your thinking?
A: What made a mark sa thinking ko ay yung tolerance, kasi doon talagang hotbed ng activism, may hotbed din naman ng supporters ni Presidente Marcos, nagrerespetuhan, yan ang importante, hinihiwalay nila kung ano paniniwala mo sa personal mo. Yan ang pinakamagandang leksiyon na natutunan ko sa UP kaya malaki ang utang na loob ko sa institusyon na yan. Kagaya nung natanggal si Presidente Marcos siyempre malungkot din naman ako dahil uncertain yung future ng pamilya ko, yung uncle ko nag-exile at ibang mga pinsan ko so hindi ako pumasok (CLL: hindi ka pumasok?) ilang araw after EDSA. Oo, tinawagan ako nung mga kaklase ko ayaw ko pa rin, at yung mga professor ko na anti-Marcos tinawagan ako at sinundo ako ng mga kaklase ko binalik ako sa UP. Yung mga pinaka anti-Marcos ng mga professor hindi ko nalang babanggitin pero, winelcome ako, wga mong pansinin yan, mag-aral ka, they welcomed me back.
Q: Was that touching for you?
A: Very, very (CLL: Did that leave mark, a prominent mark?) yes.
Q: What mark?
A: Tolerance, respect
Q: Did you ever feel conflicted?
A: Siyempre right after yung EDSA revolution, siyempre kung ano-ano emotion yung pumapasok sa isip mo pero after that tutok na lang sa aral, okay na.
Q: Let me ask you of course the person who took over was also your relative, was that even worse because kamag-anak mong pareho? I mean, not kamag-anak pareho, the one who replaced Marcos was your direct blood relative.
A: Yes, hindi naman kasi nakatutok na nga ako sa pag-aaral, dinibdib ko yung pag-aaral so yung external influences halos wala na rin.
Q: Balita namin you are Danding Cojuangco’s political son, totoo ba yan?
A: Ang relationship namin ni Tito Danding, natural yun sa pulitika. Minentor niya ko, 9 years akong congressman, sa ilalim ng NPC, nag-umpisa ako as congressman, siya personal ang tumutulong din sa pagkakampanya ko. But aside from that. may attorney-client relationship kami nung nagtatrabaho ako kay Atty. Mendoza. Natural, nag-aabugado din ako para sa kanya, so it is not solely for a political one but a professional one
Q: But alam mo Gibo dito sa ating bansa mahirap sineseparate yung political and personal dahil usually the political and personal are one as we know. Hindi ka ba nahirapan?
A: Hindi ako nahihirapan kasi may training ako as a lawyer. Ganun din siguro ang mga doctor, lawyer or pari, we can separate the professional or the political from personal. We have no choice but to do so kasi yung isang doctor natural mahirap ding maging personally attached sa isang pasyente kasi pwedeng mawala yung pasyente, you have to move on. Sa abugado naman, mahirap ding maging personally involved sa isang kaso kasi yun nga emotionally draining, pangalawa, may temtasyon na mag violate ng canons of legal and professional ethics. So training yun, nasa training yun
Q: Nung nag desisyon kang pumasok sa firm ni Estelito Mendoza, kelan ka pumasok sa pulitika at anong nag-udyok sayo?
A: Pumasok ako kay Atty. Mendoza, pure lawyering ang ginawa namin. Nag masters ako sa Harvard, and then meron na sana kong karera doon dahil pumasa ko ng State Bar of New York, marami nang offer, hindi na sana ko babalik
Q: Naisip mong hindi na bumalik?
A: Naisip ko, wala pa kaming anak nun, nung dumating yung anak namin after. May asawa na ko nung 1992. Pumasok ako kay Atty. Mendoza 1990, January of 1990. So 89 kami nag bar, 89 kami nag-graduate, after the bar, hindi muna ko nagtrabaho, nagpaliban ako ng pasko then pumasok ako ng 1990. Nag-asawa kami Dec. 14, 1992 so nung pumunuta kami sa Harvard magkasama na kami ni Nikki, ngunit nung nag-umpisa wala pa yung anak namin.
Q: Mag rewind muna tayo, let’s go to the love story first, paano mo naman na-meet ang asawa mo?
A: Kilala ko na kung sino siya, mga pamilya namin magkakilala. Hindi kami personal na mag kakilala. Nagkita kami sa isang lugar sa Makati. Nilapitan ko at sinabi ko, do you remember me, ganun. Very polite naman siya, oo, pero kahit hindi niya ko naalala. Tapos yun, hinanap ko yung telephone number niya, kung kani-kanino ko dumaan, tinawagan ko, I asked her out
Q: Ano nagustuhan mo sa kanya?
A: Unang-una yung siyempre (CLL: maganda) oo. Love at first sight yun and then after that maganda ang ugali niya. Hindi hipokrita, at kung loyal sa isang tao, todo-todo loyalty
Q: From afar alam mo nang siya na?
A: Oo (CLL: Marami ka bang naging girlfriend?) Wala gaano. I mean, yung acquaintances. (CLL: Wala kang girlfriend na muntik muntikan na) wala, wala (CLL: ha? good boy ka all the way?) Hindi, bago ko siya nakita ayoko mag-asawa. Masarap ang buhay ng bachelor saka walang responsibilidad
Q: Ilang taon ka ba nung kinasal ka?
A: 28 (CLL: bata ka pa) kaya nga walang responsibilidad
Q: Did you live a full bachelor’s life?
A: Oo. As a practicing lawyer, I think even yung ibang mga married lawyers nagba-bachelor life by necessities sa practice. It’s a hard life, kaya you work hard, you play hard.
Q: Yun din yung prinsipyo mo — work hard, play hard?
A: Nung una syempre batang abugado
Q: So sabi mo may integredad siya and stuff like this, okay so nagpakasal kayo before you left for the states
A: A long time before.
Q: a long time before, so at that time, nagpakasal kayo, um, what were you doing, you were still lawyering?
A: yes (CLL: And then you went to Harvard?) yes (CLL: why did you go to Harvard?) It was really a fulfillment of dream. Sayang na rin na nag-graduate ako na may Deans Medal for Academic Excellence, nagtop ako ng Bar, although sa States walang ibig sabihin naman yun, dito lang naman or in other national bar countries na may isa lang bar. So it was a logical continuation nung aking nagawa, hindi ko lang namalayan yung epekto sa akin na andami kong natutunan, andami kong nakilala from, mga kaparis ko n mga abugado na galing sa iba’t-ibang bansa saka lumawak ang pananaw ko
Q: Ba’t mo naisipan na dun nalang? Wag bumalik?
A: Kasi wala pa kaming anak nung nagdesisyon ako, dumating na lang yung anak namin bago kami bumalik ng permanente. Magandang environment kasi yung compensation for work done is malaki at parang yung kalayaan namin mag-asawa, lubos, sa ibang bansa ano, dito kasi marami siyempre, strictures, maraming pamilya saka yung legal profession nun sa akin ay hindi kasing lucrative nung or investment banking profession, i had a choice, so yun ang naisipan ko
Q: Bat ka bumalik?
A: Dalawang bagay, unang-una ang sabi ng aking ama, mag-isa kang anak, matanda na ko that’s the most important reason na bumalik ako. Matanda na ko papanong ikaw lang ang mag-isang anak ko. Pangalawa yung kinumbinsi ng uncle ko kami na bumalik para tumakbo sa bakanteng posisyon na nilisan ng aking isang tyuhin na si Tito PepingSo bakante yung posisyon, there was an opportunity so yun
Q: At that time hindi ka nagdalawang isip na dito na lang…
A: Dalawang isip siyempre pero pag sinabi na ng ama mo na, konsyensya ko kung may mangyari sa ama ko kaya nag desisyon kami na bumalik na lang. (CLL: good boy ka talaga) Hindi namAn sa good boy pero, as a matter of fact, dahil nga sa pagkadisciplinarian ng ama ko hindi kasi yung relationship namin hindi buddy-buddy relationship, talagang may distansiya, hindi katulad nung relationship ng anak namin sa lolo niya, doon wala ng inhibition yung tatay ko na lubos-lubos talagang minahal niya yung anak namin and vice versa. Yung relationship nila talagang at yun ay isang pasalamat ko sa Diyos na nag-abot pa yung apo at saka lolo, it was a beautiful relationship
Q: Ilang taon silang nag-abot?
A: Nine years
Q: Was that a relationship you would have wanted for yourself and your dad?
A: Hindi ko naisip yun basta, the relationship between both of them, masaya na ko na nangyari kasi lumigaya din yung father ko.
Q: Can you describe that relationship?
A: Talagang parang best friends yung dalawa, saka hindi ko nagagawa, nagagawa ng anak ko and vice versa (CLL: Kagaya ng?) yung talagang pagloloko sa lolo, pagkakarinyo, paglalambing sa lolo, di ko nagagawa yun nung araw kasi may takot talaga ko as tatay ko e
Q: Bakit ka natakot sa tatay mo?
A: Tanong niyo sa kanyang mga empleyado, sa SSS nung araw nakakatakot din talaga, mabagsik din (CLL: Pero sa anak mo?) walang kabangis-bangis ika nga. oo, puro karinyo ang binigay sa apo and vice versa (CLL: okay)
Q: Sa lola naman niya, ganun din?
A: Malapit din siya sa mga lola niya, ngunit iba yung sa tatay ko talaga na relationship niya. Hanggang ngayon pag dumadalaw kami sa pantyon ng aking ama, nagiging emotional yung anak ko.
Q: How old is he now?
A: 10 years old, mag-11. Last year lang namatay yun saka nung last two years ng ama ko dun na lang kami nagkalapi. Dun palagay ko naramdaman ko na pinaubaya na niya sa akin yung mga desisyon kahit sa buhay niya
Q: Kwento mo nga
A: Di ba medyo magiging emotional tayo? (CLL: It’s okay). Yung last year niya starting January of last year dun niya nalaman, dun namin nalaman na final stages of cancer na siya. Matagal naman siyang may ibang sakit pero nung January lang namin nalaman na may cancer siy. Ako, kami nagsabi sa kanya, and then finally, binigyan ko siya ng options. Sinabi na lang niya na, ikaw na lang ang bahala wag mo na lang akong saktan, wag na lang pabayaan na masaktan pa ko. Bahala ka na, kaya niyo na and then kinausap niya kaming mag-asawa. Sabi tingin ko kaya niyo nang mabuhay ng wala ako, pwede na ko. Yung problema, yung tinanong ng father ko papano niyo sasabihin sa anak mo, e yun ang problema talaga, hangga’t sa namatay yung father ko, alam naman nung anak namin na may sakit siya pero nung namatay, yun ang pinakamahirap kung pano namin sinabi sa kanya.
Q: Hindi niya nakita?
A: Hindi niya nakitang namatay so pinull-out namin sa eskwelahan. Sinabi namin dun na lang kami naiyak ng husto as a family
Q: How did your son take it?
A: Masama, malungkot na malungkot (CLL: Parang bestfriend niya yung lolo niya?) Saka bakit hindi daw namin sinabi sa kanya na pumanaw na. (CLL: Nung pinaubaya ng tatay mo yung kanyang buhay sa iyo, ano yung naramdaman mo?) Kay lungkot, lungkot na, sana yung relationship namin nagkalapit pa kami pa kami lalo, sa huli pagsisisi talaga
Q: But you had a few…
A: Kasi napagsilbihan ko ang uncle ko na mas pa sa aking ama, mas higit pa sa aking ama dahil nga ang ama ko may distansya nga kami hindi naman siya pulitiko. Hindi ko naman siya naging kliyente for one case na nahawakan namin
Q: Yung uncle mo ba ang pagtrato ba sa yo parang anak o parang associate?
A: Hindi parang anak, hindi parang associate, parang kaibigan, (CLL: magkavibes kayo, pareho ang inyong pananaw?) Sa iba’t-ibang bagay pero sa ibang bagay hindi naman pareho
Q: Sa inyong magpipinsan, ang laki ng angkan niyo di ba. Kumusta naman ang relationship mo dun sa mga..
A: Maganda naman kasi lumaki naman kami ng sabay-sabay halos. (CLL: pero ikaw lang ang nag-iisang anak) oo (CLL: lahat sila marami?) hindi, may isa lang ho na medyo marami-rami, ang isang tiyahin ko, walo ang kanyang anak (CLL: yung mga iba) average of about 3 (CLL: pero ikaw lang ang nag-iisa) yes
Q: Nakikita mo ba na parang iba ang buhay ko dito sa mga…
A: Hindi naman, hindi rin naman kasi lagi kaming magkakasama (CLL: may best friend ka ba sa mga pinsan mo?) wala naman best friend pero natural yung magkakaedad nag-ga-gravitate together so wala naman best friend
Q: sino ba mga ka-age mo sa pinsan mo?
A: Sa mga pinsan ko, si Charlie, one year ahead sa kin, si Congressman Cojuangco. Si Jay Lagdameo, six months younger than me; Kito Lagdameo’s six months older than me and the rest of the Lagdameo boys. I have a male cousin si Leo Suntay, about 4 years older than me kaya kami nagkalapit kasi Xavier kami pareho
Q: Fast forward naman tayo. When you married Nikki, you went to the States, ilang taon kayo doon?
A: 2 taon. That’s the only time I studied abroad unlike my parents. Ang tatay ko tumira sa Amerika ng 16 taon, (CLL: Bakit?) kasi pagkatapos ng giyera kinuha siya ng kuya niya, yung kuya niya nagpaaral sa kanya. Kinuha siya, ang kuya niya ay vice consul noon sa bagong tatag na US embassy, Philippine Embassy sa Estados Unidos. Dinala niya yung bunso niyang lalaking kapatid, yung aking ama doon. oon sa Amerika, nagtrabaho ang tatay ko sa Food and Agriculture Organization at nung 1952 sa IMF, naging, tunay na naging pamilya niya yung mga barkada niya. Dun sila nagkakilakilala sa Washington, ang pinakamaplapit na kaibigan niya yung mga una rin sila Louis Yulo, Tito Yulo ng Canlubang. Dun sila magkakasama talaga sa Washington DC, Gabaldon, mga Gabaldon, Lisares, ang aking ama, mga Yulo, mga Romulo, kasi si Ambassador Romulo ang nandun non. Secretary Romulo. Pero nung dumating yata ang aking ama, si Ambassador Elizalde pa ang nandun. Mga Romero.
Q: So hindi naman yagit yung tatay mo? Those family names are…
A: Pinakayagit ang tatay ko sa kanilang lahat dahil tumitira siya sa kanyang kapatid. Nagkataon lang–
Q: But up to now, you really called yagit?
A: Kasi yung kuya ng father ko, yun ang kumargo sa kanya. Hindi yung magulang niya Nung isang bakasyon nung father ko dito, ang lolo ko naging judge daw sa Negros. So dumadalaw yung father ko. Hindi malapit ang relasyon ng lolo ko at saka ng ama ko. Kaya siya nasasabi ko na naging yagit dahil wala siyang itinuring na magulang kundi isang kapatid niyang babae na nagpalaki sa kanya dahil ang relationship niya sa kanyang ama at ina, hindi malapit. Kaya sinabi niya sa kin, 12 taong gulang lang siya, sarili na siya. Nagkutsero pa nga yung father ko hanggang sa pinag-aral siya ng kuya niya. Hindi magulang ang nagpaaral sa kanya. Tapos nung dumating ang giyera, nag guerilla yung tatay ko dito sa Manila. Nakilala niya yung ina ko sa isang party dito. Yun na nangyari. Nag-asawa sila. Tapos pumunta sila sa America.
Q: Dun muna sila nanirahan?
A: Yes. (CLL: I see.) Bago ako pinanganak, umuwi sila dito.
Q: Parang yung anak mo rin? Yung anak mo ba pinanganak dun?) Doon. (CLL: Nung bumalik ka dito tumakbo ka na for Congress and you won?)
A: Oho.
Q: Nagustuhan mo ba ang pagiging kongresista?
A: Nung unang termino, nagustuhan ko. Dahil wala pa ako sa managerial role sa partido namin noon. Kaso very unique ang experience hindi lang ako, no? Lahat ng congressmen sa 11th congress kasi yan lang ang kongreso sa pagkaalam ko na nagkaroon ng tatlong speaker sa isang kongreso. At yan lang ang first time na may kongreso na may na-impeach na presidente. In a (CLL: Si Erap) controversial way. Yes. First-term congressmen kami, lahat kami we lived through it kasi kasama kami sa proseso. So yung 11th congress, unique talaga yun. Walang katumbas yun. I mean, magkakaibigan, nagkakaiba yung boto, nagkakawatak-watak yung kamara.
Q: Ano yung nakuha mong perceptions tungkol sa pulitika and tungkol sa–
A: Dalawang bagay yun. Ang perception na ano, wag mong ihalo ang pulitika sa pagkakaibigan, kundi mag-aaway lang kayo na magkakaibigan mo dahil magpapalit ang political situation, daily
Q: Nangyari ba sa yo?
A: Nangyari sa amin yun. Nangyari sa amin talaga. Hindi ko naman pinersonal sa mga kaibigan ko, ang ibang mga views nila. Kaya siguro hanggang ngayon, magkakaibigan pa kami. Kanya-kanya yung pangangailangan, kanya-kanyang paniniwala.
Q: Mahirap ba yun?
A: Mahirap din tanggapin sa una dahil masakit pero kailangan talaga tanggapin dahil kung hindi, hindi ka na dapat tumagal sa pulitika
Q: Nasikmura mo yun?
A: Nasikmura in the sense dahil hindi ako, hindi ako bumaligtad ika nga, naiwan kami as opposition ano until. in the 12th Congress
Q: And then ano nangyari?
A: Nung first congress ang dami kong bills na finile sa awa ng Diyos hangga’t sa 13th Congress hindi pa naging batas na napakasimple ng mga bills ko…
Q: Ano to yung mga road extension?
A: Hindi, yun lang ang naaprubahan ng Senado nga pala nung 12th and 13th Congress, mga bills ko for nationalization of local road pero ang unang-unang bill na finile ko the first day at kinonsulta ko pa to, abogado pa ko. Ang pinagbabawal na i-present ang isang suspect sa media as a suspect by the authorities without his consent. Sa akin walang kontrobersiya pero hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ng snags, hanggang ngayon hindi pa batas yun
Q: Bakit napakaimportante yun panukalang batas na yun para sa yo?
A: Hindi na kailangang gawing batas yun, wala lang kasing mag test case na suspect sa korte suprema at controversial din sa ibang mga tao yung pag-file ng bill na yun dahil sabi nila mas mabuting pini-present minsan minsan ang suspect kasi malalaman mo buhay pa, pero sa akin naman it violates particularly sa ating kultura ang right to be presumed innocent kasi kung pinresent ka na parang guilty ka na. Mahirap na laban
Q: Ang sinasabi mo halimbawa yung ipepresent sa presidente o kung sino man
A: Kung sino man ito huli tapos the way they are presented, nakaposas minsan my konting pagmamaga ang mukha. If you want probably you can present a mug shot o a file photo of the person but not live. There is no precedent for that, sa ibang mag bansa pag may gumawa na opisyal na ganun, made-demanada yun, meron. Dahil bawal nga sa Estados Unidos, may tinatawag na din na mga pulis dun na prep walk, mula sa truck hanggang sa istasyon minsan binabagalan nila yung lakad para makunan ng media pati yun nadedemanda. Fortunately, under Gen. Versosa sa pulis pinagbawal na niya yung presentation na ganun
Q: So it’s like discretionary
A: Hindi bawal na talaga, binawal ni Gen. Versosa. Pero hindi batas yun.Discretionary in the sense na pag may bago na namumuno, kung gusto baka payagan uli
Q: Nung mag three terms ka dun, ano para sa yo ang pinakamakabuluhang batas na naisabatas, naipropose mo sa kongreso
A: Katulong ako, I was one of the principal drafters also of the securities and regulation code of 2000. Remember after the BW scandal ito bago pa yung BW scandal ginagawa na natin to, itong batas na to, tamang-tama galing ako sa Harvard, ang isa sa mga courses na inispecialize ko ang securities regulation kaya tamang-tama naiapply ko kaagad. Nirepaso ko yung draft ng SEC, katulong ko si Chairman, ang katambalan naman namin sa Senado, the late Senator Raul Roco, siya din nag securities regulation sa Masters niya sa Michigan yata o Pennsylvania so nagkaintindihan kami kaagad
Q: Sang-ayon ka daw dun sa national identification
A: Kailangan yun ano pero kailangan mo ang purposes na dapat paggamitan nito ay dapat lihitimo at dapat ang security instituion ng state limited yung access for prosecution purposes or what not, kailangan may court order yan. Pero kailangan natin yan kung hindi, hindi natin mabibigyan ng lubos na serbisyo ang mga tao at even for anit-terrorism purposes importante din naman siya
Q: Pagkatapos nung termino o sa kongreso yung asawa mo ang pumalit sa yo, wasn’t that smack of dynasty?
A: Ang nagrequest sa kanya na tumakbo lahat ng mayor namin at gobernador ng tarlac noon para sa ganun yung mga programa at projects ko na infrastracture, matuloy. Hindi matapos. I mean, the minimum na pinagawa ko is more than one kilometer ng kalye halos lahat ng barangay namin sementado na halos lahat ng lumang palengke, bago ang mga palengke, electrified na except for 2 barangays yung probinsiya. Ayaw nila maputol yung liderato kasi from congressman, governor down to barangay level noon, may local party kami na may organization, so sila ang nag request kasi ayaw naman talaga ni Nikki tumakbo noon kaso… (CLL: Hindi niya gusto ang pulitika?) Ayaw, pinilit lang nila para hindi maputol yung, yung political leadership dun sa area
Q: Nung nag term limits na kayo, did you think of moving on to something greater?
A: Oo, inisip ko naman. Pwedeng mag senador, iba’t-ibang options pero at that time walang opportunity na to move on. Sso eto nangyari, I was supposed to move on to the private sector already kasi nandiyan na. Nandiyan naman si Nikki sa gobyerno na, yun nga lang dumating nga yung offer ng ating pangulo sa akin na maging secretary of national defense, pinag-usapan namin, tinanggap ko.
Q: Bakit mo tinanggap itong national defense?
A: Ako ho, one of my interest nung nag-congressman ako ay military establishment, and the different establishments so nilubos-lubos ko yung immersion ko sa armed forces through continuous active duties, status sometimes (CLL: yes, you’re a full pledged…) colonel and I took all the required military courses
Q: Bat ka naging interesado sa military?
A: Unang-una, kasi piloto ho ako. Yun ho yung initial interest and after that, as an organization, it’s a very unique organization, one of the most efficient mission capable organization sa gobyerno. Tapos pagka ma-immerse kayo, may camaraderie, may esprit de corps, so kahit na sandali lang at total po siguro of about 8 and nine months, ang total immersion ko, malaki ang marka sa akin, so yun na ho nangyari. Tapos ho sa Commision on Appointments indirectly through the chairman of the committee on defense of the commision on appointment na ka-partido ko palagi dapat slot ko yun pero dahil ako ang namumuno ng NPC sa House, hindi ko pwedeng kunin kailangan ibigay ko sa mga miyembro. Hindi ko pangungunahan yung mga miyembro, sinusupervise din naman ho namin to see to it really that wag silang pahirapan sa confirmation nila na hindi ng Armed Forces personnel na hindi naman nararapat, yung immersion po na ganyan nakita ko talaga na it’s an organization that works. It’s an organization with a good culture, kasi it’s an organization with pride and and a pride in itself and yung esprit de corps, camaraderie, pinakaimportante yun
Q: yes, but you are well aware that the military has been criticized very often for corruption, for being used by the powers that be, for the revolving door policy re the chief of staff, and parang hindi nga nade-develop yung esprit de corps na sinasabi mo dahil dito sa mga paratang na ito
A: On the contrary po talagang nandiyan yung esprit de corps kasi ang chief of staff right now ho, is not as important as the unified commanders in terms of actual control of military operations, chief of staff nga po yung chief of staff natin, although ang chief of staff ay medyo may misnomer din kasi siya yung commnading general naman talaga ng armed forces hindi katulad ng chairman of joint staffs ng United States and reform mechanism po namin ay almost in place and magpo-provide ho kami sa inyo ng literature galing sa US Department of Defense dun sa mga defense management systems na na-introduce na namin, this country is a showcase for that. People may not want to believe but it is, and it has high credibilty with the US department of defense and it’s neighbors. Malaki na ho ang progress na ginawa ng armed forces at ng defense department towards transparency, towards reform. Ngayon ho ang kailangan naman on the other end ang ouong bansa at ang political establishment humabol naman, bigyan naman ng sufficient capabilities ang Armed Forces natin, kasi yung reform ginawa na, kakaiba pati ang procurement system po dito nakabukas sa lahat, alam ho ng business …
Q: So you have been able to cut corruption?
A: Large extent, yes, particularly now, hindi naman ho natin gusto sabihin aksidente pero no choice dahil since August, January last year matindi ho ang operations natin, we need every peso that we can muster, sobra-sobra na ho ang operations with one of the smallest budget per, if you compare it with GDP in the whole world, .6% GDP lang ang ginagastos natin dito with three fronts noh, NPA, ASG, lawless MILF groups plus disaster response napakalaking gastos
Q: Napakalaki ng gastos, okay. Isa hong akusasyon dito ay kung talaga kayong mission efficient and capable, bakit hindi ho mabuwag-buwag ang mga ASG…
A: Kasi ho kulang ng sundalo. Kulang tayo ng sundalo, kaya natin buwagin yan pero pag hindi natin kaya tutukan for a very, very long time para maging balakid sa kanilang pagbalik, babalik at babalik yan. At may sitwasyon ho na kakailanganin din kami sa ibang lugar kailangan namin umalis. Tingnan po natin ng numero — 90M Filipinos, 120,000 lang ang ating sundalo, archipelagic pa tayo, 7101 islands, napakarami nito inhabited kailangan bantayan. 1.6M sq. km ng teritory, 300,000 of which is ang lawak pa ng karagatan na kailangang bantayan, ang ibang mga bansa katulad po ng Malaysia ano, hindi siya archipelagic, wala siyang internal security problem, ang populasyon niya ay 26M, 128,000 na ho sundalo niya; ang Thailand po ang problema niya ay sa southern boarder lang niya, 300,000 po ang sundalo niyan, ang populasyon niya mas maliit sa Pilipinas. Ang operating budget ho natin dito ay $1.2B, P50B more or less. Ang Thailand po 3.4B na, yan na ho ang pinakamalapit sa atin sa expenditures, yung ibang mga bansa mas malaki pa. Ayoko na lang sabihin kung magkano so it’s a question really of numbers sa akin. Ngayon, kaya po nating isolve yan ano, katulad po ng NPA nawala na ho halos yan noon at saka yung separatist problem sa Mindanao nawala yun nga lang it needs a serious period of time, where you must be there in force, you cannot immediately scale back
Q: Dahil sa ikaw lang nag pangalawang civilian leader ng DND, malaki ho ba nag impact ng isang civilian leader na pumapasok sa isang military establishment?
A: Malaki po ang impact at hindi necessarily good, kasi pwede ho tayo maglagay ng civilian dito napaka steep ng learning curve dito lalong-lalo na ngayon ano, after July last year may actual conflicts na hinaharap tayo na bago, lalo na ang tindi ng opeartions laban sa terorismo. Pag maglalagay ho tayo ng civilian dito na hindi alam ang mga patakaran, mga operational systems at mga strategic imperatives ng bansa, lalong-lalo na ngayon na very precarious ang balance lalo na ho sa Mindanao
Q: Anong kabutihan, bakit nirekomenda ng Davide commission o ng feliciano commission na gawing civilian ang head
A: Ginawa nila in reaction to perceived past conditions, na itong institusyon na to hindi nagiging check against transparency. For transparency against corruption, yun ang number one na rason pero ngayon po na transparent ang integrity development mechanisms natin lalong-lalo na po sa procuremens ano, ang Bishops-Businessmen’s Conference po na alam natin ay hindi kasangkapan ng establisamyentong ito. Ano po sila, present po sila sa lahat ng acquisitions, whether negotiated or procured or procured by billing.
Q: We went to Sulu before, ang sabi sa amin nung mga MILF yata or MNLF na nakausap namin dun, lahat nung kanilang baril ay supplied ng Armed Forces of the Philippines.
A: Nung araw ho, baka may katotohanan. Pero sa ngayon, sa tingin ko, sasabihin pa rin nila yan para sa psychological war, pero nung araw ang pinakamalaki rin na pinanggagalingan na IED, yung improvised explosive device, yung mga bala ng mortar na hindi pumuputok. Eto ho pwede nilang hukayin, kunin at gawing bomba. Kaya striktong-strikto din kami sa pag-aacquire ng quality material.
Q: Gusto niyong tumakbo bilang presidente, bakit?
A: Nung pumasok po ako sa DND, wala ho sa isipan ko yun. At siyempre, resign lang ang unang-una sa civilian life nagkaroon ng DND. Nagumpisa ho yan dahil sa, of course, nakakatrabaho po natin ang maraming kasama natin sa gabinete, mga gobernador, as NDCC chairman and as Secretary of National Defense, kung may conflict. Ako po ang cord ng region 12 at yung mga congressmen po kasi dati kong kasamahan din. So sila nagsasabi sa panig ng administrasyon, “Bakit hindi mo isama ang iyong pangalan, para sa ganun, magkaroon ng mas malawak na bench para pagpipilian.” Yun ho yung major reason.
Q: So sila ang nag-udyok–
A: Alam ko naman ho may kakayahan ako dahil may bisyon din naman ako na kelangang gawin. Pero ang talagang moving force, hindi ako. Ang bisyon ko? Kailangan may total reform ng government dito, hindi lang sa tao. Kasi ang good government, misnomer po yan, sa pagkakaintindi ng mga Pilipino. Pagkakaintindi po natin ng good government, maglagay ka lang ng mabuting tao. Maglagay ka man ng mabuting tao, pag hindi tamang organisasyon o struktura, wala ring mangyayari. Either, ma-absorb yung mabuting tao sa sistema or i-reject ng sistema na walang mangyayaring mabuti. Sa tingin ko, as important, kasing importante nung paglalagay ng mabuting tao, isipin natin ang administrasyon natin. Gobyerno, watak-watak ang gobyerno natin.
Q: Bakit?
A: Kasi may benepisyo ako na nag-aral ako nung nagkaroon ng rebolusyon. Kasi, nahirapan rin kami pero nakapag-aral kami ng ilang sistema. Nung nag constitutional law kami, 1973 constitution, nung nag-bar exam kami, 1987 constitution. Nag-civil law kami, yung old civil code. Persons and Family Relations. Nung nag-Bar kami, Family Code na. So ang daming pinag-aralan. Pero nagkaroon ng basis of comparison. Yung ’73 constitution, synergistic constitution yan. No debate yan na talagang mas malapit ang legislature at executive. Lamang merong tinatawag na amendment number 6 kung saan ang presidente ay binigyan ng legislative powers, yung nakasira ng balanse nung ’73. Ang ’87 naman, reaksyon sa nangyaring mga pagmamalabis nung panahon ni presidente Marcos dahil sa panahon na nagkaroon ng Martial Law, ang focus ang tutok to disban all vestiges of Martial Law. Ang nakalimutan lamang tumingin sa kinabukasan. It is not a forward-looking constitution. So right now, we are bugged down by—
Q: It’s a reactional constitution.
A: Exactly.
Q: I have so many questions to ask you, pero looking forward, you are for constitutional reform. Anong papalitan niyo dun?
A: Lahat halos. Hindi kailangan palitan lahat like the bill of rights. Bill of rights, maganda ang bill of rights natin, patatagin natin. Ang integridad ng ating korte kailangan, it remains, manatili ano, lamang–
Q: Do you feel–
A: Lamang, yung poder nila na magdesisyon ng purely political questions as we knew it before, even business judgments, medyo dapat ma-taper ng konti sa tingin ko naman.
Q: Do you think our judicial system has been compromised?
A: Hindi naman nakompromiso. Ang ating judicial system ay kailangan ng ipin pa. Maraming korte na kailangan itatag. Maraming public attorneys na dapat ilagay sa mga sa mga liblib na lugar ano? I mean, we have to spend more really for justice. Kaya nga ako tutol sa death penalty. Hindi naman ako tutol dahil sa tingin ko masamang kumuha ng buhay para sa isang krimen. Ako, wala naman akong problema kung yan ang talagang dapat na katambalan ng isang masamang ginawa. Ang takot ko ay maraming walang sala na pwedeng mabitay dahil sa estado ng judicial system natin. Dun lang sa Estados Unidos kung saan ang gastos more than one million dollars per high profile homicide trial, ang dami, nakikita natin because of the discovery of DNA evidence. Ang daming walang kasalanan na nakukulong o napatay, ano pa kaya dito? Kung saan wala tayong kakayahan.
Q: Di ba nga ang sabi “jus-tiis” dito, hindi naman justice?
A: Oo, dahil walang resources talaga.
Q: Anong stand, stand mo sa population issue, reproductive–
A: Ay kailangan, oo, for reproductive health ako, ngunit tanggalin natin ang ibang punitive provisions. Medyo nakakatakot daw yung ibang punitive provisions, katulad nung pagkamag-express ng different opinion yata ang isang guro ito ay pwedeng makulong. Tanggalin natin yun. Pero kailangan talaga, dahil nakikita ko araw-araw, as NDCC chairman, na kailangan natin ang resources para sa lahat, hindi na natin pwede palawakin ang ating populasyon. Hindi lumalaki ang ating lupain, lumiliit, umaakyat ng karagatan. At baka ang susunod na paglalabanan ay kakulangan pa ng tubig.
Q: Hindi ka takot sa simbahang Katoliko, na mawalan ka ng–
A: Natatakot din naman. Natatakot din naman pero ang realidad, ang daming bata sa lansangan na walang mga magulang. Sinong mag-aalaga dito? At pangalawa, lumalaki ang populasyon natin, hindi lumalaki ang lupain natin. Lumiliit, 300 thousand square kilometers lang yan and going. Nagkakaroon tayo ng liquefactions sa Central Luzon o subsidence, ika nga. Nagkakaroon ng salination ang mga acquifers natin. At nag-geohazard mapping tayo. Let’s say, Magallanes, Sorsogon. Bumagsak ang bundok dahil sa saturation ng ulan, constant rain. Ang mga safe na lugar based on new technologies, lumiliit, hindi one hundred percent ng lupa pwede mong tirahan. Kailangan sa bagong komunidad, yung piniling lugar lamang at makabagong disenyo ng kabahayan at lansangan, flood control projects, kailangan mong gawin. So lumiliit ang livable territory based on modern technological advances.
Q: This is your field. Mindanao, NPA, peace process. Anong stand niyo dyan?
A: Ang stand ko dyan ay napakaimportante na maaprubahan ng senado ang amnesty proposal para sa mga NPA rebels na gusto bumalik. Kasi ang problema namin ngayon, napakadaming gustong sumuko. Dapat mapawalang-sala itong mga ito. At ang katambalang social integration program na kasama dun sa amnesty proposal, mabigay, para mabigyan natin ng livelihood at makabagong oportunidad itong mga ‘to.
Q: Palagay mo, pag ginawa mo yan, babalik ang kapayapaan sa Mindanao?
A: Hindi one hundred percent babalik. Kailangan pa rin dumami ang ating mga sundalo para masigurado na babalik ang kapayapaan. Ang Mindanao, ang dapat isipin natin, ano ba ang problema sa Mindanao? Hindi natin pwedeng i-solve ang root causes niyan kasi kahit sa Estados Unidos na napakayaman na bansa, napakadaming root causes na nagwawalay-walay sa mga sociedad. Ngunit ang pagkakaiba doon at dito, walang non-state na armadong grupo na nakikipag-barilan sa gobyerno o nakikipagbarilan sa isa’t-isa na hindi natin masugpo. Dapat itigil natin ang armadong pakikibaka at may isang paraan lang yan–pag-eenganyo or pag-eenforce ng batas. Pagka may baril ang isang tao, isang tao lang sa isang baranggay, nagkakaibang equation dun sa loob ng baranggay. At ang proliferation ng firearms sa Mindanao ang pinakaproblema. So, ang pwede nating gawin matigil natin ang putukan at ang barilan pero hindi natin pwede namang isipin overnight magmamahalan ang mga tao dun dahil napakalalalim ng problema. Yung mga solusyon ng problema na yun, palagay ko wala naman sa atin ang may 100 percent na solusyon dyan. Ngunit ang magagawa natin, pwede nating i-channel ang galit magmula sa putukan sa debate, sa political struggle, political work. Ngayon kaalinsabay niyan, importante ang development. Talagang truism. Maglagay ka ng kalye sa isang lugar, fifty percent of the time, mababawasan ng insurgency. So yan ang katambalan nyan. Tapos local government capacity building. Kailangan mong amendahan ang saligang batas para patatagin ang mga local government units. Pero tutol ako sa pagbibigay ng autonomy sa mga lugar na wala pang kakayahan. Baliktad ang gusto ko. Magbigay ng autonomy sa mga lugar na may kakayahan, mababawasan mo na ang ayuda o tulong ng national government sa kanila, maganda ang gamit mo, yung tinutulong ng national government dun sa mga lugar na wala pang kakayahan. Katulad ng Makati. I mean, tumatanggap pa ng malaking IRA, pero napakayaman na. Palagay ko, pwede namang baguhin yung formula ng sharing, mapunta ito sa mga less fortunate na mga munisipyo.
Q: Debt, anong gagawin mo sa ating mga utang?
A: Lumiliit na ang bayad ng ating utang. At yan dahil sa increase ng ating GDP-GNP, that’s one of the gains of this government. It’s the 37 percent of GDP from seventy-something. Ito’y lumiliit ano kasi nababayaran natin. Hindi naman tayo pwedeng mag repudiate ng utang na walang supisyenteng basehan. Pagkat hindi na tayo makakakuha ng magandang relationship sa ibang mga creditors. Lahat naman ng bansa may utang, at minsan mas mabuti pang utangin ito depending on financial conditions other than buwisan mo lalo ang mga tao. So, financial management yan, treasury management and financial management.
Q: So you’re against repudiation?
A: Yes, in the same way I as I am against baseless repudiation of any treaty, including the VFA. Kasi, hindi naman ito makakasakit lamang sa relationship natin sa America at ang Pilipinas, kung hindi pinag-aaralan din tayo ng ibang mga bansa kung papano o gaano katatag ang respect for agreement sa atin. Hindi lang ito nananalaytay sa public sector kung hindi sa private sector din sa pamamagitan ng investments at iba pang mga good transactional or trade activities and foreign direct investment.
Q: Pork barrel?
A: Ang pork barrel sa ngayon, sa experience ko, depende sa congressman yan, nakakatulong yan. At yan lang ang tanging paraan na ma-democratize yung pagbibigay ng basic infrastructure sa ibang communities. In the future though, in the future we would like to see that these basic infrastructures of small size be handled by the local government units already. Kasi walang matatag na bansa na ang national government pa ang nagsa-subsidize ng basic services—
Q: You’ll remove this from the congressmen and the senators?
A: Sa ngayon wala kang pang palit.
Q: Kung maging presidente ka, anong gagawin mong sistema?
A: Palagay ko, i-ano na lang natin, i-assure na lang natin talaga na napupunta sa dapat puntahan ang CDF kasi it’s a useful tool. Katulad dun sa distrito ko, wala ang CDF, maraming barrio roads, hindi na nasemento yan. Maraming palengke na hindi na ano. Ngayon ang ginawa ko kasi, itinulong ko sa LGUs yung aking CDF. Those that have proven that they have managerial capacity, for example, I can cite a specific example. Nasunog ang palengke ng bayan ng Moncada. Fininance namin through my CDF in three years ang palengke for fifty million pesos brand new palengke. Nandun nakatayo ngayon.
Q: Pero ang experience ng mga iba is kung hindi ka gusto ng presidente, hindi pare-release yung CDF mo.
A: Well, I mean, yung ang problema.
Q: Will you continue that if you became president?
A: Ang CDF ay national fund. Like, I’ll give you the example of Rufus Rodriguez. Pag galing sa national funds yung isang programa, he gives credit where credit is due. Wala naman akong problema.
Q: You will not use it as a lever of power?
A: Hindi siguro dahil you know why? Because ang kelangan gawin, at ako dating congressman din alam ko, I mean, may expectations din sa akin ang kongreso as dating congressman. Hindi natin itatago yan. Ang kailangan gawin kasi ng bagong presidente ay dalawang bagay din ano? You must hit the ground running. Napakadaming problema. At napakadami ding mabubuting programa na nangyayari ngayon ano na kailangan ituloy and you have to have familiarity with that. Pangalawa, kailangan naghihilom ang bagong presidente. Yung repeated cycle of political bickering and vengeance has to stop and it needs a person na may kredibilidad sa lahat ng sector na maghilom ng mga sugat. I mean, that’s why I have a problem with campaign propaganda which looks to a vengeance cycle. Kasi ang presidente ng Pilipinas, oras na nakihalo yan sa isang prosecution or anything, hindi na justice yun, bengansa na yun. Kasi the highest and the most powerful political personality in the land involving himself or herself in the future in a justice proceeding, it doesn’t make things right.
Q: So, if GMA, if cases are filed against her, and you are president, what will you do?
A: You’re not supposed to do anything because there are institutions that are supposed to do that.
Q: You’ve been accused of having your NDCC ads for the purpose of getting your name up front?
A: Well, we, first and foremost, we spent personal funds.
Q: Personal funds?
A: Yes. It was supposed to be na may, there were some NGOs, some grupo na gustong kumontribute but we did not take the offer. Nilabas ko yung ad in a way na talagang, I think it was even, some people even say, counterpart-productive because the message was too long and it was really nakatutok sa–
Q: NDCC?
A: Hindi NDCC, sa people that–what people have to do to remember.
Q: For disasters.
A: What to do in disasters. Katulad dun sa Bicol nung isang araw, nandun ako, may isang tao nung may threatened lahar flow sa Mayon, nag panic siya, nagsuot ng brief tumakbo sa labas ng bahay, naalala niya na mag brief para hindi siya nakakahiya, tumakbo sa labas ng bahay, kinuha yung kalabaw, naiwanan niya asawa niya saka mga anak niya sa bahay Kaya sa susunod daw sinabi nung isang colonel ang nagsabi sa akin kasi sila ang nagsu-supervise ng evacuation. Sinabihan nila, “Maghubad ka na lang pero kalimutan mo na yung kalabaw mo, yung pamilya mo.” In a state of panic, talagang nakakalimutan mo unless na organisado ka. And it was high time for that message to come out. As a matter of fact, may ginawa pa kaming DVD about earthquakes pero hindi na nailabas yun ano.
Q: That wasn’t connected to your desire to move up in the ratings?
A: If I say no, people will say I’m lying. So I mean, take it as it is. But if it was really principally-designed, I say principally-designed to put me up in the ratings, probably it was the wrong ad.
Q: All right, sige. Sabi mo, papalitan mo lahat ang konstitusyon, right?
A: What I mean to say is a revision.
Q: A revision.
A: Meaning to say na kung merong magagandang provision ay panatilihin natin. Tulad nung bill of rights. Kailangan di mo palitan.
Q: Nung nasa kong eso ka, you went for the constitutional change, di ba?
A: Con-Ass, dalawang beses. Con-con and Con-ass, dalawang beses.
Q: Okay. constituent assembly.
A: Constituent Assembly.
Q: You’re also for constituent assembly?
A: No, not anymore now, because I’ve been there, done that and I know it will not work. Ang proposal ko after the 2010 elections, state of the nation address, magkausap ang kongreso, maghayag, magpanday ng constitutional convention law for election, ano? Pero ang importante dito, crucial, aminin na natin ang katotohanan. There is no such thing as a non-partisan election. Kailangan partisan yung election para sa ganun, all the political leaders, everybody in society can advocate what they want. Because a constitutional convention, when non-accountable, walang pressure sa political, sa public opinion at political pressure, baka gumawa ng kung anu-anong produkto. Kaya nga tayo naghahayag ng constitutional convention, we have certain things that we want to put in there.
Q: Corruption? Paano mo lalabanan?
A: Transparency is the number one way of doing it, like we’re doing it here no? Pero sometimes, we look into the moral, solidly into the morality of corruption, but we do not look at the incentives given a person to remain honest. For me, if a person remains honest, can you reward him with a bonus? No. Government? No. Do we pay our government officials adequately or decently when we align standards? No. So it goes both ways. You have to improve the standard of living also of government officials. You have to make rules more reasonable, you have to have transparency. And then probably, you can deal very strongly with the corruption. You have to have less a disincentive to corrupt and a lot of it is material, too.
Q: Material, meaning, higher salaries? Pa’no mo gagawin yun? Bangkarote nga tayo, di ba?
A: Well, bangkarote tayo because our economy is a closed economy. It is not as open as other economies where you have potentially more velocity of economic transactions, more revenue. So, in advocating for example, ang mas malakas ang defense establishment, I’m not saying that we should take it from education, which is woefully inadequate din yung budget, ano? When aligned in international standards. Social services, hindi. You have to expand the whole economy to have more revenue for all. We cannot afford to just shift resources.
Q: So in changing the constitution, you were aligned for investment. I mean, foreigners to buy properties in the Philippines, to be able to…
A: I’ll propose this. And this is an experiment, subject to debate in a constitutional convention. Residential, industrial, commercial, tourism, lahat, pwede. Pero sa residential, dahil may concern na pinoint out sa akin, baka pati low-cost housing lands makuha at magmahal, I propose a reverse cap that they can own land if the value or a structure, if the value is more that X billion of pesos.
Q: Foreign trips? Kasi binabatikos si presidente tungkol sa foreign trips.
A: I think it is crucial for this country because our economy, domestic economy right now is at a marginal level already. It’s really important to get the world aboard the Philippines. Particularly now in tourism. That’s really, really important. Of course other trips are functions also of security means and engagements in Mindanao. Tourism for example, we have to devote more resources into marketing ourselves. Like you see, the commercials of Malaysia, an hour on the hour, you have to spend more on these things and foreign trips are but a drop in the bucket, what we need to…
Q: Do you agree with what the current president is doing? Having one-million peso dinner in Le Cirque …
A: The Le Cirque incident, I mean, was beyond the foreign trip schedule and the purpose, no? I won’t comment on the Le Cirque thing. I was in there but—
Q: What about a planeload of congressmen?
A: I mean, it’s also important because a lot of, it’s a reality. A lot of the objects of these foreign agreements need legislation to work.
Q: You don’t think she’s just paying favors?
A: I think a foreign trip like that, the congressman can very well take it from their own travelling allowance, which is provided for. It’s a difference when you try to bring them into the picture as actual participants in international relations. President Ramos before did that domestically through using the Ledac more, very often. I mean, it’s a team building effort also.
Q: Are you in favor of yung EO 464? Yung executive privilege? Yung ginamit nila Neri, ginamit nila, lahat nung mga–
A: I think that there should be some presidential prerogatives to withhold, particularly information, particularly when you are exposing youselves to a partisan political body and national interest is at stake. There should be a balance. I mean, in the same vein as they say the motives of the executive may purportively been less than noble in withholding information, we can also say with the same sincerity that purported objectives also and goals of partisan politics are also not that noble so there must be a balance. And there must be mutual respect between the institutions. They can always request information by coming and be briefed directly. But the need to have all information in a public hearing, I mean that’s a different matter.
Q: What will your cabinet be like?
A: That’s a choice I have to make. I know there are several that I’m able to gauge the performance. A lot of cabinet members who are really performing, I’ll certainly ask them to be retained. But I’ll put, I’ll twist on my own. Number one, they must suit my leadership style. They must be attuned with my reform philosophy, and number two, they must be in tune also with, because I’m a macro-person, I’m not a micro person, so they have to handle the nitty-gritty for me.
Q: And plan for your first 100 days, what will you do? Hit the ground running?
A: You have no choice but to continue with a lot of programs like the infrastructure programs that need to be continued and management day-to-day of the security situation. Number three, you have to plan your legislative agenda, the most important thing. Your first budget, your legislative agenda. That legislative agenda would include the constitutional convention law, the support for the new Philippine education road map because basic education must be reengineered. And I want to experiment also legislatively with universal participative health care, if it is feasible. Meaning to say, everybody participates. I mean, what’s for a rich person to contribute 100 or 200 pesos per month to a participative delivers on health care so there’s more for everybody, not merely in terms of buying medicine and providing care but for providing reimbursements for doctors and nurses, so there’s an incentive to stay and participate in the system and I want also a legislative proposal for student loan program rather than scholarships. I want a revolving student loan program, probably five billion pesos, get that from the national treasury, park it in the SSS, not SSS funds but SSS facilities. Student wants to study, comes in, you give the student and SSS number which should be a GSIS number, too, and give him or her the loan. Once that SSS number comes out because he or she is employed, then you deduct and you have an incentive to study because you have to repay the loan and you can service more people. You give scholarships to those who are really deserving because of high aptitude and to those subjects that are not too popular but the country needs like international relations, public policy and planning.
Q: You will specify kung ano yung fields na yun?
A: I think we do. We need to rationalize the system of giving scholarships.
Q: Why should we vote for you?
A: Because I provide a balance. Kasi po, ako’y nagtataglay ng balanse ng pagsulong sa reporma at pagsulong ng kinakailangang programa. Ako lang po siguro ang naghayag ng pangangailangan ng pagpapatawad, pagkakaisa, pag-uunawaan para sa kinabukasan at hindi pagbebengansa. At dahil po sa importansya ng kapayapaan sa ating bansa, na araw-araw ko pong nakikita, hindi po nadarama ng mga tao sa Luzon, Visayas at bilyun-bilyong na sanang pagkakabenepisyuhan ng ating bansa kung matahimik ang Pilipinas–hindi nila nararamdaman kasi na tahimik tayo dito. Pagka hindi po nasolbahan tong problema na to, hindi nasolba, napakalaking mawawala sa ating bansa at siguro sa eksperiensya ko na may mga desisyon din tayo na nagagawa or napupunta sa ating balikat na mangangahulugan na baka may mamatay o may mabuhay, napakalaking maturing experience po nito at ito po mga katangian na mabibigay ko sa ating bansa.
Q: Totoo ho bang kayo ang pinakamayamang cabinet member? Nagdoble daw ho ang SAL ninyo?
A: Nagdoble po since February po ng last year sa kadahilanang namatay po ang aking ama.
Q: Meron ho kayong minana?
A: Meron po.
Q: Bilang isang tatay ngayon sa anak mong sampung taon, right? Yung relationship niyo ba ng anak niyo kapareho nung tatay?
A: Ibang-iba ho. Ibang-iba.
Q: Anong pagkakaiba?
A: Unang-una, ang parenting, kahit sa sinong magulang na ngayon pinanganak ang anak, napakalaking deperensya. Ang tatay ko ho, ni hindi nagpunta sa isang PTA meeting nung ako’y–nakita ko siya sa eskwelahan, sa eskwelahan ng limang beses–kada graduation ko. Dun ko lang siya nakita.
Q: Kayo?
A: Eh participative parenting ho ngayon at saka democratic parenting ho ngayon. May mga karapatan ang kabataan ngayon na walang karapatan nung araw. Pagdidisiplina lamang ay ibang-iba na. At ang lawak ng talino ng kabataan ngayon. Nagulat nga ho ako sa high school level, ano? Kasi matagal ko nang hindi narinig yung curriculum, meron na palang calculus ngayon. Nung araw, wala ho yan, sa kolehiyo lang yan.
Q: At kung math major ka lang.
A: Yes. Actually meron ho kaming calculus nung araw dahil sa business may konti ho kaming differential, integral calculus. So, napakalaking diperensya nung mga kabataan ngayon. So hindi uubra ang parenting nung araw sa parenting ngayon.
Q: So you’re a hands-on father?
A: Kami pong dalawa ay hands-on parents talaga. Ni hindi ho nagkayaya yung anak namin in the traditional sense. Until he was about eight years old, one of us was with him at all times.
Q: Really? Wala siyang yaya, yayo?
A: Meron hong katulong lamang na tumutulong sa amin sa mga kagamitan pero hands-on ho talaga kami. Kahit sa Kongreso, alam nila I’m hands-on dahil minsan ho, pag napupuyat, nagkakapuyatan ho nung araw, nung 11th Congress kasi ssa budget, sa majority, assistant majority leader ho ako, nagpapaalam ako nun, alas-dos ng madaling araw dahil turno ko na ho.
Q: Magbantay ng bata?
A: Oo.
(Publication of the transcript was made possible by VERA Files trustee Booma Cruz, who is the general manager of Probe Productions.)