Skip to content
post thumbnail

Understanding Mar Roxas (Q&A)

Courtesy of PROBE PROFILES AFTER investing hundreds of millions of pesos on television ads and other organizational requirements for a credible presidential campaign in 2010, Sen. Manuel “Mar” Roxas II pulled a big surprise on Sept. 1 with his decision to withdraw from the presidential race in favor of Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III. Roxas

By verafiles

Sep 10, 2009

-minute read

Share This Article

:

Courtesy of PROBE PROFILES

AFTER investing hundreds of millions of pesos on television ads and other organizational requirements for a credible presidential campaign in 2010, Sen. Manuel “Mar” Roxas II pulled a big surprise on Sept. 1 with his decision to withdraw from the presidential race in favor of Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Roxas had long been considered the standardbearer of the Liberal Party, the party founded by his grandfather, President Manuel Roxas, and which he now heads as president. His I-support-Noynoy Aquino-for-president-in-2010 announcement fueled a lot of speculations about the senator’s change of heart:  Was Roxas just cutting costs? Was Aquino a convenient excuse to avoid a debacle at the polls? Was he pressured by the party leadership to make the supreme sacrifice because his survey ratings are a major source of concern?

The senator answers these questions and explains his decision in a one-on-one interview with Probe Profiles’ Cheche Lazaro (referred to as “CLL” in some parts of the transcript) at his Quezon City residence on Sept. 5, a few days after quitting the presidential campaign. The following is the no-holds barred conversation with Sen. Mar Roxas (referred to as “MR” in a few parts):

Q: Ano bang nangyari dun sa desisyon mo na magwithdraw in favor of Noynoy?
A: Well, sinuportahan ko si Noynoy, Cheche, dahil ito ang pamamaraan para mapagbuklod-buklod natin, mapag-isa natin, lahat ng pwersa para sa reporma. Ang 2010, Cheche, is tama versus mali. Tuwid versus baluktot. In short, good versus evil. Yung trapo-ism, katrapo-huhan na umiiral ngayon versus tunay na pagbabago. At para sa akin, hindi naman pwede na magkawatak-watak, magkahiwa-hiwa, yung pwersa para sa reporma. Cheche, we could be having the same interview and your questions would be, how many delegates is for Mar, how many delegates are for Noynoy? Kung dinaan ko pa ‘to sa kumbensyon, gapangan ng delegates–ang sagwa eh. At ito yung gawain ng mga trapo, no? Para sa akin ay nag-usap kami ni Noynoy, masinsinan. Ilang beses kaming nag-usap. At naging malinaw sa akin na nais niya na siya magdala ng torch ng reporma.

Q: Sinabi ba sa inyo, he stated categorically that he wanted to be president?
A: Ang sinabi niya is, ayoko siyang pangunahan, ano? He has a statement coming up in a few days, so hindi ko siya gustong pangunahan. Ang malinaw na malinaw ay laban–nakikita niya ‘to na laban ng magulang niya ito at itinutuloy niya ang kanilang laban.

Q: Pero nung nag-usap tayo nung huling beses, sinabi mo sa ‘kin at sinabi din nung iyong mga kamag-anak na ikaw ay isang planner at matagal mo nang pinagplanuhan itong pagtakbo mo bilang presidente. Sa matagal na panahon na paghanda sa pagka-presidente, biglang naunsyami, in the span of —
A: One month.

Q: Since the death of President Cory. Bakit ganun kabilis ang pagdedesisyon mo?
A: Pwede naman kasing patagalin ito, di ba? I mean, ang punto is pag pinatagal ko ‘to, magkakahati-hati. So I chose to lead for unity, not for division. Sa totoo lang, pangulo ako ng partido. May proseso na nakasaad sa partido na may kumbensyon, pwede lahat ng gustong lumahok magprisinta — mang-aakit, mag-iimbita ng mga delegado. Naku, eh hanggang Disyembre ito, magulo ito. Ang punto is, ano na lang ngayon ang agenda for reform? Magiging Noynoy versus Mar? But this is more than Noynoy versus Mar. Pinasok ko naman ito, Cheche, dahil gusto ko ng pagbabago sa bansa at hindi ko gusto na ako pa ang tatayo bilang hadlang sa pagbubuo’t pagbubuklud-buklod ng pwersa ng reporma.

Q: Pero pag pinag-isipan natin na si Noy ay biglang nagdesisyon, biglaan ito, hindi ba? (MR: Uh-hmm) Para kay Noynoy, hindi ito pinag-isipan (MR: Hindi. In fact, hanggang ngayon hindi pa siya nag-aanunsyo definitively kung siya ay tatakbo.) Itong desisyon ba ni Noynoy ay pinag-isipan o siya ba ay naudyukan dahil sa madaming taong nagpakita ng suporta para sa kanyang yumaong ina?
A: Hindi natin matatanggihan that yung August 5, yung pagpanaw ni Tita Cory, malaking, malaking impact ito. Hindi lamang sa personal na ambisyon ni Mar Roxas pero sa buong sambayanan. Ako mismo, Cheche, dinaanan ko yung halos 8 hours na, ano bang tawag dun, procession, yung pagpunta sa sementeryo, no? Nakita ko sa mata ng mga kababayan natin yung, una, pasasalamat, paghanga kay Tita Cory. Pero ang nakita ko rin dun na yung kanilang pagkauhaw sa pagbabago. Nakita nila kay Tita Cory yung isang leadership na selfless, na ang inisip ay sambayanan, hindi yung pansarili. So, nagmarka sa akin yun. Ngayon, fast forward, several weeks later, nagkaroon na nga nitong calling na si Noynoy ang siyang tutuloy ng laban ni Cory at ni Ninoy. Eh, nag-usap na kami ni Noynoy doon and dun nga, masinsinan ang aming pag-uusap.

Q: Pero ga’no kalawak ang suporta? Hindi ba masasabi na ito ay knee-jerk reaction lang dun sa pagkamatay ng dating presidente at inaamin ng lahat na mahal nila ang presidente but does this naturally translate into a base support for Noy to run?
A: I believe so, Cheche, ito’y mga facts. Una, malaki, mataas ang tiwala ko, mataas ang pagtingin ko kay Noynoy, no? Na nasa sa kanyang puso yung kabutihan, yung kapakanan nung bansa natin, ng nakakarami. So given yun. Pangalawa, hindi rin natin maitatanggi na sa buong bansa, sa aking pag-iikot mismo, ang mga Pilipino galit, sawa, talagang ayaw nila yung kabaluktutan na nangyayari. Hindi lang sila makahanap, palagay ko, ng paraan para ma-express ito o para mapakita ito. So, ngayon na nakita natin na napukaw muli, bumangon muli yung Cory Magic, yung pagsasama-sama sa EDSA 1 at nakita natin na nasa kamay pala natin yung kinabukasan natin ay kung ipagsama-sama mo itong mga elements na ito ay ako narating ko na meron talagang base support na para kay Noynoy. At hindi naman na Noynoy support is more than Mar, or Mar support is more than Noynoy. Hindi rin siya ganun, pero ang punto dito is Mar and Noynoy, sabay kami na gusto namin ng pagbabago. At pinagpasyahan ko bilang pangulo ng aming partido, bilang siguro nakakatanda ng konti kay Noynoy, na kung may magsasakripisyo man dito, ako na.

Q: Okay. Which leads me to the next question. Was this a pragmatic decision on your part?
A: Definitely

Q: Pragmatic in the sense na naisip mo ba, pumasok ba sa isip mo na baka hindi mo kayang mapanalunan ito kung si Noynoy ay nandyan na may kagustuhang tumakbo?
A: Kasama yun. Yun ang sinasabi ko na hindi naman pwede na maghati. Uh, anong magiging debate? Mas repormista ako kaysa kay Noynoy? Sasabihin naman ni Noynoy, “Hindi, mas repormista ako kasya kay Mar.” Eh, ang pwersa ng kadiliman, yung pwersa ng mga trapo, ang lakas-lakas niyan. Ang lawak-lawak niyan. Kung tayu-tayo, mga reformists, mag-aaway-away pa, maghahati-hati pa, eh wala nang kinabukasan ang bansa natin.

Q: Okay. Meron akong napanood na interview mo na sinabi mong nasaktan ka. Bakit ka nasaktan at sino ang sino ang nagbigay ng kasakitan sa kalooban mo?
A: Hindi naman, ang sinabi ko is, masakit din ito because matagal ko naman na pinlano ito. Matagal ko na ring pinagtrabaho ito. Yung pinakalatest survey ay nasa striking distance ako. Yung aming internals ay maganda rin ang aming tayo. At Cheche, nung ako’y tumakbong senador, one month before filing ay nasa page three ako, sa katapusan ng kampanya, nasa number one ako. Nineteen million mahigit na boto na hanggang ngayon hindi pa napapantayan. So, para sa akin, I had a legitimate chance also. Pero hindi hindi mananaig ang pwersa ng reporma kung ang mga repormista ay maghahati-hati. Kaya para sa akin, ito ang pinakamabuti para maisulong natin yung reporma na ginugusto natin.

Q: Okay. Given that batting average na sinasabi mo, you’re internals were okay, given all of that. Now, all systems go. Why give up?
A: As I said, you know, anong scenario ang mangyayari–maghahati, maghihiwa, ang laban will be within the reformists, not reformists versus trapo. Eh hindi naman, para sa akin, hindi ko rin matatanggap na ako pa ang magiging dahilan kung bakit hindi magwawagi ang pwersa ng reporma.

Q: Did the party leaders turn their backs on you?
A: No, no. This was my decision. Natural that the party leaders, you know, kilala na nila ako, kilala nila si Noynoy and of course, ayaw din nila na malagay sa, “Pumili kayo.” Parang pamilya ito, di ba? I mean kukumbaga sa magulang, pipili sila, sa nanay ba o sa tatay, di ba? Parang hindi naman ata tama, no? So, para sa akin ay hindi naman ito nakukwenta mo sa columnar na points for Noynoy, points for Mar. Ang pangit no’n. So nag-usap nga kami ni Noynoy, ilang beses kaming nag-uusap. Masinsinan na pag-uusap. Usapan na bilang–hindi lamang magkakapatid. Usapan ng dalawang tao na malalim ang ang pinagdaanan, not just physically, but also emotionally, spiritually and generationally. Ang aming mga ate, mag-classmate sa Teresiana. Ang aming magulang, magkasama sa senado, anti-Marcos, nagka-martial law, hindi bumigay ni isa kay Marcos. Yung, Tita Cory nagsakripisyo; yung nanay ko, natadtad ng shrapnel sa Plaza Miranda. So, yung basis namin for our talks was almost spiritual, di ba? Hindi yung pulitiko na (CLL: horse-trading), oo ganun. Kaya masasabi ko sa yo, Cheche, sa kahit kanino na hindi pumasok yung transaksyon, yung palitan. tinabi namin yun at sabi namin, “This is more than Noynoy and Mar. Ano bang gusto natin para sa bansa?” At yun ang naging basehan ng aming pag-uusap.

Q: But it seems as though it was a unilateral decision on his part. Dahil sa yung kanyang pamilya, lalo na yung kapatid niya, nagsasabi pa rin na hindi sila desidido, na kokonsultahin sila. It was unilateral on his part to say na gusto niyang tumakbo?
A: Ah, you’ll have to ask him. I–I don’t–I think that, I think naman that his sisters, ang mga statement ng mga sister nila is that they will support him. Close sila, ang gusto lang nila is that yung kanyang desisyon ay base sa kanyang tunay na kagustuhan, tunay na pangarap para sa bansa at hindi lamang bunga ng mga udyok-udyok or pag sisilaw sa pansamantala.

Q: Nung nag-uusap kayo, sinabi ba niya sa ‘yo na kagustuhan din niya, ng mga magulang niya lalung-lalo na si Presidente Cory? May habilin ba sa kanya na ipagpatuloy ang laban nung kanilang mga magulang at mag-ambisyong maging presidente?
A: Hindi, hindi naman ganun. Ang sinabi niya is that, “Laban ito ng Dad at saka ng Mom–” (CLL: Na siya ang magpapatuloy) na inacknowledge din niya na laban ito ng  dad ko at ng mom ko. You know, we’re all reformists. Ito yung kagustuhan natin. Pumasok tayo sa public service para ito nga ang mangyari. So, ganun lang.

Q: Hindi ba yung nanay niya nung nabubuhay wag nang pumasok sa pulitika si Noynoy?
A: Hindi naman, eh kinampanya niya bilang senador, maganda naman ang showing ni… I don’t know. Between him and his mother, I don’t know. I can’t comment.

Q: Sinabi mo na “This was the most difficult decision in my political career.” Ba’t mo nasabi yun?
A: Well, mabigat din ito. Katulad nung nasabi mo, matagal kong napag-isipan ito, pinagplanuhan, at sinimulan na ang pag-iikot. Kaya hindi rin madali. Marami ang nagtiwala sa akin. Marami ang sumuporta at  mahirap rin ito dahil yung kanilang pinagtiwala sa akin ay naisip ko rin at matimbang din sa akin. Pero nakita ko na yung kanilang pagtiwala sa akin ay dahil nakita nila sa akin, isang uri ng pamumuno na para sa reporma. Tuwid, tapat, walang mantsa, walang bahid. At mahaharap ko rin sila na dito tayo, suportahan natin si Noynoy dahil mas malaki ang tsansa na ma-mabuo natin ang pwersa ng reporma at mananalo ang tuwid, ang tapat, ang malinis kaysa sa kasalukuyan at ikinagagalit natin, na baluktot (laughs), pangungurakot at saka trapo.

Q: Naniniwala ka ba na mananalo si Noynoy kung siya ang kandidato ng Liberal Party?
A: Maganda ang chance niya. I mean, ang chance ni Noy is, good versus evil.

Q: Can it last until next year?
A: Oo naman. Enduring naman yung good versus evil. Ang good versus evil is biblical times yan, di ba? Tuwid at tapat versus baluktot at saka yung pangungurakot. Eh–

Q: Are you open to other changes? Final na ba itong desisyon mo o since there’s nine months to go, can something else happen?
A: I’m supporting Noynoy. I’m whole-heartedly supporting Noynoy Aquino for president. Gusto kong isulong ang reform agenda. Gusto ko na mabuo para magkaroon ng tunay na pagbabago dito sa bansa natin. Alam mo, hindi ko alam kung nasabi ko sa yo nung nakaraang mga araw, pero di ba, dito sa atin SOP na ang page-SOP? SOP–Standard (CLL: Yes) Operating Procedure (CLL: Yes). Parang tanggap na natin, parang lunok na natin na ang kalakaran ngayon, kailangan talaga may SOP, may panunuhol. Masakit yan na sa Pilipinas, yan talaga ang kalakaran. Di ba–ako galit ako dyan. Alam ko mga kababayan natin galit dyan. So, para sa akin, yan naman talaga ang punto dito eh. Gusto ba natin ng pagbabago? Gusto ba natin na magkaroon ng pagpalit sa pamumuno, sa uri ng pamumuno rito? Business as usual lang ba na kung saan ang mga pulitiko, mga malalakas, mga matataas na posisyon, sila-sila pinag-aawayan nila yung bibingka, kung ano na lang ang matitira, yun na lang ang para sa taong-bayan? Eh para sa akin, mali yun. Kaya, this is really, for me, good versus evil. I want to give this, every chance of success.

Q: Did you ever think that this would happen to you?
A: Hindi–wala naman, wala naman–alam mo, sa planning, you can plan for many things but may kasabihan, Cheche, “Life is what happens while you’re making plans.” (Laughs)

Q: That’s true. That’s true.
A: Di ba? (laughs)

Q: Did you plan for this eventuality?
A: Well, hindi naman natin pinaplano yung pagkapanaw ni Tita Cory, di ba?

Q: No, I mean, did you ever plan, did you ever, in your plan, dun sa, kasi planner ka nga, dun sa pagpaplano mo, was this one of the options na maunsiyami ito dahil sa merong ibang pumasok?
A: Pwede naman (CLL overlaps)

Q: But you have said, you’ve been quoted to saying, “This is full steam ahead. Nothing’s going to stop me.”
A: Well, I mean, I’m all out in applying myself, and presenting myself to the people, but at the end, it’s the people who will decide. Hindi naman ako–

Q: What if this is reversed? Would you reconsider running again?
A: What do you mean reversed? (CLL: Let’s say–) I don’t want my mother to die! (Laughs)


Q: No, no, no, no. No, no, no. I mean, if circumstances change, as they have, circumstances change in the next nine months, Noynoy says he isn’t going to run. Will you run again?
A: Ay hindi ko gustong pangunahan si Noynoy, pero ang paniwala ko na si Noynoy ang kandidato natin.

Q: How did he change his mind so fast? How did he make up his mind?
A: Siguro since you have a series of presidentiables, that’s the question you can ask him (laughs).

Q: So is this a move to preempt a challenge to your campaign from Noynoy, from within the party?
A: Tingin ko, no chance ang pwersa ng reporma kung magsabay kami. Hindi lang kami nagsabay. Meron pa yung Among Ed. Yun talaga, no chance ang pwersa ng reporma kung hati-hati, hiwa-hiwa. Kaya para sa akin, I wanted to be a force of good. I wanted to be a force to move the agenda forward. Gusto ko na kung ano man ang magagawa ko para mapagsama natin ito, okay sa akin, kahit ako pang natamaan.

Q: What happens to your political career? Where do we go from here?
A: Well, it’s wide open, Cheche. There’s no reason why I cannot run for Vice President. There’s not reason why I cannot run for Senator.

Q: So there’s still a chance that you will be a candidate for the Presidency at some future time?
A: Not in 2010. I’m supporting Noynoy Aquino for presidency.

Q: You’re not saying anything about 2016?
A: Eh, hindi ko nga alam kung anong mangyayari (laughs heartily) sa ano, di ba? Eh papano, ang layo naman ng 2016. Ang importante dito, Cheche, once every six years, may pagkakataon tayo na baguhin ang ating landas. Baguhin yung tinatahak natin na pagbiyahe. Napakahalaga nitong 2010 na ito. At kung hindi magsama-sama ang mga pwersa para sa reporma, mananalo muli yung pwersa ng kadiliman. Yung pwersa ng status quo. Yung pwersa ng trapo. Yung pwersa ng kalakaran ng SOP. In short, mananalo muli yung kasalukuyan. Magpapatuloy lamang ang kasalukuyan. So simpleng-simple lang itong leksyon na ito, Cheche. Kung gusto natin yung kasalukuyan, then yan ang mangyayari. Pero kung gusto talaga natin ng pagbabago, may tsansa tayo rito sa pamamagitan ni Noynoy.

Q: You think he’ll make a good president?
A: I believe so. Taglay ni Noynoy ang pinakamahalagang katangian: yung kanyang puso, kanyang diwa. Hinding-hindi niya mamantsahan ang magandang pangalan ni Tita Cory at Senator Ninoy. The same way na hindi ko rin mamantsahan yung pangalan ng aking ama’t ina. Ang punto dito is, siya ang torch bearer at susuportahan ko siya.

Q: Maraming nagsasabi that’s not enough.
A: (Pause) Pero yan ang pinaka-importante. Expert ka nga, Ph.D ka nga, eh pero kung ang diwa mo, ang puso mo naman ay baluktot, di ba, nandiyan tayo ngayon (laughs).

Q: Nung nagdeliver ka ng speech mo, ang sinabi mo dito, “Today, I’m announcing my support for the candidacy of Nonoy Aquino–Noynoy Aquino for president in 2010.” Parang meron na kayong modus vivendi, meron nang kasunduan na siya nga ang tatakbo. Ngunit ang mga salita niya ay hindi pa tapos. Wala siyang definitive statement.
A: Kumbinsido ako. Kumbinsido ako na hindi tatalikdan ni Noynoy itong hamon na ito. At sinabi din niya yun, di ba, the next day? “Hindi ko tatalikdan itong hamon.” Siguro, bigyan lang natin siya ng panahon para matapos ang kanilang pagluluksa. At sa tamang panahon ay sasabihin din niya yung kanyang desisyon at plano.

Q: Do you think this will really unite the opposition?
A: I think that kung makatulong ito sa pagpukaw sa ating mga kababayan na hindi mawawalan ng pag-asa dahil may mga pulitiko pa na nag-iisip sa kanilang kapakanan, di nakatulong na rin ako nun.

Q: You’ve been called as a statesman as opposed to a politician. Do you like that?
A: Mabigat yun ah! Pero, sinisikap ko naman na araw-araw, magserbisyo ng tuwid at tama, at hinding-hindi na mamantsahan ang aming…in fact, emotional ako the other day. Binibisita ko yung puntod ng aking lolo, yung akin ama, yung aking kapatid, at uh, parang nagreporting for duty ako sa kanila na, “Yung magandang pangalan na binigay ninyo sa akin ay hindi ko minantsahan ng pagka-trapo at uh, inisip ko parati ang ating bansa.” Yun ang mahalaga sa akin.

Q: Apat na beses kayong nagmeeting. Nung mga araw na yun, was it emotionally wrenching for you?
A: (Laughs) Oo naman.

Q: Can you tell me about it?
A: Well, talagang nung nag-aagaw yung emosyon at saka yung, yung kaisipan, pag-iisip, at yun naman talaga. Kaya nga sabi ko, Cheche na ito nang pinakamabigat o pinakamahirap na desisyon sa buhay ko dahil ang dali naman na pagbigyan lang yung sarili na “Bakit, eh nagsimula na ako,” ganun-ganun, di ba? Natural eh, tao lang tayo–

Q: Ano yung, ano yung pinakamatinding argumento na nagkumbinsi sa yo na ito ang gawin mo?
A: Well, dun sa sinabi ko, kung ano yung pang personal at yung pang–pambansa. Nakita ko na para sa pambansang interest, dapat na unity. Dapat na magsama-sama.

Q: Where there pressures borne upon you?
A: Wala naman. Yung mga tunay na nakakakilala sa akin, alam naman nila ako’y nagdedesisyon, pwede silang mag-advice-advice. I take it under consideration. Pero, akong nagdedesisyon.

Q: Sinong kinonsulta mo dito sa iyong hakbang na ito?
A: Well, of course, uh, yung, sa Tagalog hindi ko alam eh, yung kapihak-dughan ko, si Korina, of course, no?

Q: Ano yun?
A: Dughan is puso. Kapihak — kahati sa puso.

Q: This is a Visayan term?
A: Oo. Kapihak-dughan. I mean, she’s, I mean in a few weeks, she’s my spouse, no? And, for all intents and purposes, we treat ourselves as one. She’s put her career on hold. Malaki rin ang kanyang sakripisyo dito. So, nag-usap kami. Of course, I consulted na my family.

Q: Anong sabi nila? They’ve thrown their support full steam.
A: Well, ang sa kanila is “You’ve always made us proud. Make us proud.” Yun lang yun eh. Ang advice naman nila, ang advice naman namin dito sa isa’t isa, hindi yung kwenta-kwentahan eh. It’s more values. It’s more kung anumang–ang sabi lang ni Korina, halimbawa, is “Do what you think is right, kasi if you do what you think is right, then, tapos na, wala nang ano pang argumento, tapos na yan, di ba?” Yung ganun lang. So, hindi, wala yung discussion na “ilang probinsya na napuntahan mo, ilang governor na ang nag-commit sa yo.” Wala naman. Ang pinakamahalaga dito ay yung kung ano yung dapat, at anong para sa bansa.

Q: Partymates, kinonsulta mo ba yun?
A: Konti. Tumawag ka, at nagtawag rin ako. Pero alam ko rin na malalagay rin sila sa alanganin. It was like, asking them to choose one brother versus another. So, alam ko naman na yun ang magiging reaksyon.

Q: Matagal ka bang nag-isip bago mo na, narating itong desisyon?
A: Matagal-tagal din. Pero, Cheche, ano ako eh kung minsan, or madalas, yung brain, yung utak ko, yung processing ko, yung pag-iisip ko, mas mabilis sa emosyon ko eh, di ba? So malinaw na malinaw na. Halimbawa, two plus two equals four. Eh kung ayaw pa tanggapin ng kalooban mo yun, eh kelangan bigyan mo ng pagkakataon na makahabol, di ba?

Q: So nauna yung iyong brain?
A: Siyempre naman, dapat naman siguro na pag-isipan nang mabuti ito at saka hindi lang basta-basta o hindi lang emosyonal. Kasi kapakanan–hindi lang, hindi si Mar Roxas ito, kapakanan ng bansa ito. Kinabukasan natin ito. Biro mo, kung naghati-hati ang oposisyon, ang pwersa ng reporma, anim na taon na naman tayo kung mali ang pili natin sa 2010. Anim na taon na naman. Eh hindi ko na gustong kargo de konsensya yan.

Q: Okay. Watak-watak pa rin ang oposisyon.
A: Hindi, ang importante dito, mag-unite yung pwersa sa reporma. Kasi opposition does not mean that you’re not necessarily trapo. Ang pwersa para sa reporma, good versus evil, may mga nagpipilit, admin oppo ito, hindi po. Kabutihan versus kasamaan ito. Pagbabago versus trapo ito.

Q: Okay, yung pagbabago at saka yung reporma, yung mga nagrereporma, sa palagay niyo nagkakabuklud-buklod na?
A: Oo naman.

Q: Dito sa iyong pagwi-withdraw, pagsuporta kay Noynoy?
A: Well, lumalakas nang lumalakas. Unti-unti nakikita natin na ang ibang lider, malaki man o maliit, may pangalan man o hindi ay nagsasabi dito may chance tayo. Sumugal tayo rito. Dito tayo tumaya dahil may chance dito eh. May chance ang bansa natin dito. In fact, ang aking rekomendasyon nga kay Noynoy ay parang sa governor, mayor, congressman: piliin niyo na kung sino’ng gusto niyo. Pero yung pinakamahalagang posisyon sa bansa, yung pagkapangulo, dun tayo talaga tumaya. Yan ang ikakampanya sa taong bayan. Kasi may pagkakataon talaga na mabago natin ang kalakaran.

Q: You’ll run for Vice President?
A: Hindi namin pinag-usapan yan. 0asasabi ko sa yo na talagang sinantabi namin yan. Sinabi ko rin kay Noy, “Noy, wag nating haluan ito. Di ko gusto na mabahiran ito, mamantsahan ito ng transaksyon.” Parang, hindi naman ako ganun ka-cheap (laughs) na I mean, sabi ko, “Kung may pagtingin ka rin lang sa akin, wag nating haluan ito nang ng ano–ginawa ko ito kasi ito yung tama. Kung sa darating na mga panahon naka-settle down ka na, kung yung nasa campaign rhythm ka na, at yan pa rin ang iyong pagpasya, mag-usap tayo.”

Q: So you think Noynoy has better chances to win the presidency than you?
A: Well, hindi natin, hindi natin made-deny na, hindi natin made-deny, Cheche, na siya’y Aquino. Eh kung Ninoy, Tita Cory, Noynoy…Mar. Kahit iendorso pa ako ni Noynoy, parang ilang (CLL: Ilang palit) oo. Ilang hakbang yun eh, well. Hindi natin made-deny na sa mata ng ating mga kababayan ay siguro siya ang mas, mabuting taga-dala ng bandila ng reporma dahil siya naman talaga ang dugo ni Tita Cory

Q: Nasa pangalan lang ‘to?
A: Hindi naman. May paghanga ako kay Noynoy. Dumadaloy sa kanyang mga ugat ang dugo ng kadakilaan ng kanyang magulang. At wala naman siyang ipinakita na kamalian or kasalungatan dito sa kadakilaan na ito. Malinis, (CLL tries to say something) malinis ang kanyang record. Straight-talker siya, hindi bolero. Lahat ng mga issues, tinatayuan niya, kung ano yung tama. Hindi niya iniisip yung mga political calculations. Eh, para sa akin yan ang…

Q: Dumadaloy ba sa kanyang dugo yung kadakilaan o yung mga characteristics nung kanyang nanay at tatay?
A: Nakikita ko sa kanya.

(Publication of the transcript was made possible by VERA Files trustee Booma Cruz, who is the general manager of Probe Productions.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.