FACT CHECK: HINDI pa nagdedesisyon ang ICC sa pansamantalang paglaya ni Duterte
Hindi totoo ang sinasabi ng mga video sa YouTube at Facebook na maaari nang makalaya si dating pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagkakakulong matapos umanong aprubahan ang kahilingan ng kanyang kampo para sa pansamantalang paglaya.