Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Ejercito nagbago ng isip sa contempt order laban kay Quiboloy

WHAT WAS CLAIMED

Binawi ni Sen. Jose Victor Ejercito ang kanyang pirma sa isang manipestasyon na tumututol sa isang contempt order na naghahangad na arestuhin si Apollo Quiboloy, pastor ng Kigndom of Jesus Christ, na nagsasabing ang lider ng relihiyon ay dapat “mabigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang panig.”

OUR VERDICT

Flip-flop:

Si Ejercito ay isa sa limang senador na pumirma ng manifestation para baligtarin ang contempt order kay Quiboloy, na sinasabing ang Justice department ay “ipinagpatuloy na ang sexual abuse at qualified trafficking” laban sa pastor.

By VERA Files

Mar 9, 2024

4-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Binawi ni Sen. Jose Victor “JV” Ejercito ang kanyang pirma sa isang “manifestation” na tumututol sa isang contempt order na naglalayong arestuhin si Apollo Quiboloy, self-styled pastor ng Kingdom of Jesus Christ sect.

PAHAYAG

Sinulatan ni Ejercito si Sen. Robinhood Padilla noong Marso 7, na ipinaaalam ang kanyang pagbabago ng isip sa pagbigay ng pagkakataon si Quiboloy na sagutin ang mga paratang na iniimbestigahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality. 

Nakasaad sa bahagi ng sulat ni Ejercito:

“After thoughtful contemplation, I would like to respectfully inform you of my intention to withdraw my signature affixed in the document objecting [to] the contempt order directed towards Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.”

(“Pagkatapos ng maingat na pagninilay-nilay, nais kong magalang na ipaalam sa iyo ang aking intensyon na bawiin ang aking pirma sa dokumentong tumututol [sa] contempt order kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.”)

Pinagmulan: JV Ejercito Official Facebook page, Official Statement of Senator JV Ejercito on the reversal of the contempt citation against Pastor Apollo Quiboloy, Marso 7, 2024

Idinagdag ni Ejercito na ang “mga seryosong alegasyon ng panggagahasa” mula sa pagdinig ng komite ng Senado noong Marso 5 ay “nag-udyok” sa kanya na suriin ang facts at mga testimonya, na nagresulta sa kanyang pagbawi ng suporta para sa pagbaligtad ng desisyon ng komite laban kay Quiboloy.

ANG KATOTOHANAN

Sa isang press conference limang oras bago bawiin ni Ejercito ang kanyang pirma, pinangalanan siya ni Padilla na isa sa limang senador na pumirma sa written manifestation na nananawagan sa pagbaligtad sa contempt ruling kay Quiboloy.

Binawi ni Sen. JV Ejercito ang kanyang pagtutol sa contempt order para arestuhin si Apollo Quiboloy, pastor ng Kingdom of Jesus Christ.

Sinabi ni Ejercito na ang kanyang naunang desisyon na pirmahan ang pagtutol ay batay sa katotohanan na ang “Department of Justice (DOJ) ay itinuloy na ang mga kaso ng sexual abuse at qualified trafficking laban kay Pastor Quiboloy” at naniniwala siyang mas nararapat para sa DOJ na mag-imbestiga sa isyu.

BACKSTORY

Hindi sinipot ni Quiboloy ang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality noong Marso 5 sa mga alegasyon ng human trafficking, sexual abuse at forced labor laban sa kanya. Dahil dito, iniutos ni Sen. Risa Hontiveros, pinuno ng komite, ang contempt charge at pag-aresto kay Quiboloy.

Si Padilla, nang hindi nagbigay ng malinaw na dahilan, ay tumutol sa hatol ng komite. Sinabi ni Hontiveros, na binanggit ang mga panuntunan ng Senado, na ang mayorya ng mga miyembro ng isang komite, sa kasong ito ay walo, ay may pitong araw upang baligtarin ang contempt ruling.

Sa kanyang press briefing noong Marso 7, ipinaliwanag ni Padilla na ang kanyang pagtatangka na hadlangan ang contempt order kay Quiboloy ay isang pagpapakita ng demokrasya at naniniwala siyang ang mga alegasyon laban kay Quiboloy ay mas mabuting harapin sa korte, na ginagamit ang prinsipyo ng paghihiwalay ng simbahan at estado.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga Pinagmulan

Senate of the Philippines, Press Conference of Senator Robinhood C. Padilla (March 7, 2024), March 7, 2024

Sen. JV Ejercito stating his reason for objecting the contempt order

Senate of the Philippines, Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality (March 5, 2024), March 5, 2024

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.