Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: IMPOSTOR ng ABS-CBN, nagpakalat ng PEKENG istorya tungkol sa ‘gamot’ sa dyabetes

WHAT WAS CLAIMED

Nagpublish ang ABS-CBN News ng balita tungkol sa pag-endorso ni Doc Willie Ong sa “lunas” sa diabetes. GlucoCalm ang pangalan ng proyekto.

OUR VERDICT

Peke:

Hindi ini-endorso ni Doc Willie Ong ang gamot sa diabetes na nabanggit sa mga pekeng ABS-CBN News website. Ang GlucoCalm ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration.

By VERA FILES

Mar 22, 2024

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kumakalat sa Facebook (FB) ang mga link sa balita raw ng ABS-CBN tungkol sa cardiologist na si Willie Ong at sa inendorso niya raw na lunas sa diabetes. Peke ito. Hindi inilathala ng ABS-CBN ang “balita” at hindi ini-endorso ni Doc Willie ang produkto.

Ang produktong GlucoCalm ay hindi registered sa Food and Drug Administration.

May dalawang website na may parehong kuwentong mula raw sa interview ng ABS-CBN kay Doc Willie. Ini-upload noong Feb. 7, sinasabi ng article na binalaan daw ni Doc Willie ang mga pasyente laban sa pag-inom ng Metformin at sa halip ay inendorso ang GlucoCalm.

Ipinangangako ng GlucoCalm ang paggaling mula sa diabetes, paglilinis ng ugat, pagtatama ng blood sugar level, pagpapawala ng sobrang taba at iba pa.

Ang mga website na BLOGISRAEL.COM at ANNWILDE.COM ay ginagaya ang website ng ABS-CBN News.

Ilang beses nang tinanggi ni Doc Willie ang pag-eendorso ng unregistered products. Ginamit ng pekeng website ang picture ni Doc Willie mula sa interview sa kanya ng UNTV kung saan pinag-usapan ang mga adbokasiya niya noong eleksyon ng 2019. Hindi niya inenderso ang GlucoCalm.

May picture din ng matandang babae na pinagmukhang pasyenteng gumaling dahil sa GlucoCalm. Mapanlinlang ito: in-upload ang orihinal na picture noong 2017 ng isang taga-Indonesia. 

Ang “Philippine Diabetes Research Laboratory, Inc.” na gumagawa raw ng GlucoCalm ay hindi totoo. Ang “laboratory” na ito ay binaggit din sa isa pang pekeng website na kumalat din noong 2023.  

Gaya ng iba pang scam, nangako ng mga discount ang pekeng website at sinasabing kaunti lang ang GlucoCalm at isinesekreto ng mga doktor at mga kompanya ng gamot. 

Noong nakaraang buwan, pinasinungalingan ng VERA Files ang isa pang pekeng website na nagsasabing nag-eendorso si Doc Willie ng gamot daw sa high blood pressure naman.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, diabetes mellitus ang pang-apat na nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Filipino. Mula January hanggang August noong nakaraang taon, nasa 25,450 Filipino ang namatay dahil sa diabetes mellitus.

Ang post ng Facebook page na Yadanar Fashion (ginawa noong Feb. 22, 2022) ay nakakuha ng higit 2,000 reactions, 190 comments at 330 shares. Ang Facebook users at groups gaya ng 4ps regular and none poor all region pay out 2023, 2024 (ginawa noong Sept. 14, 2023) at BORACAY BUY & SALE ONLINE SELLING (ginawa bilang BORACAY BUY & SALE shoppee noong Aug. 24, 2019) ay ibinahagi rin ang mga link.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.