Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mambabasa nagtatanong bakit nagkakalat ang intel chief ng mali, hindi napatunayang impormasyon vs SENADO, COURAGE

Gustong malaman ng isang mambabasa ng VERA Files Fact Check kung bakit si National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo at maraming iba pang mga Facebook user ay nagbabahagi ng maling impormasyon na madali namang mapatunayan.

By VERA Files

May 2, 2021

9-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Gustong malaman ng isang mambabasa ng VERA Files Fact Check kung bakit si National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo at maraming iba pang mga Facebook user ay nagbabahagi ng maling impormasyon na madali namang mapatunayan.

Ang mitsa ng tanong ay nagmula sa post ng isang pribadong netizen na nag-tag sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) bilang isang front ng kilusang komunista at, kasabay nito, ang pagbibigay ng maling petsa ng pagkakatatag ng grupo.

Ang post na ibinahagi ni Monteagudo, bukod sa iba pa, ay mali ring inilarawan ang apat na senador ng oposisyon bilang “tagapagtanggol” ng COURAGE, ang umbrella organization ng mga unyon ng mga manggagawa sa gobyerno.

PAHAYAG

Noong Abril 7, ang pribadong netizen na si Relissa Lucena ay nag-post ng pitong litrato, na ang isa ay inilarawan ang COURAGE bilang isang “front organization” ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), at ang affiliate nito, ang Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO), “bilang mga mata at tainga” ng kilusang komunista sa Senado “para i-hijack ang mga plano at programa ng gobyerno.”

Limang mga litrato sa post ay mga collage na nagpapakita ng mga aktibista, mga katutubo, at kay CPP founder Joma Sison, na tinawag ang mga pangkat bilang “kaibigan ng numero unong kaaway ng Pilipinas.”

Ang photoset ay nagpakita rin ng mga baril at combat gear sa isang mesa na kinumutan ng tarpaulin ng 2019 election campaign ni dating Bayan Muna party-list representative Neri Colmenares.

Si Lucena ay isa sa mga magulang na nagsalita sa isang 2019 public hearing ng Senate committee on public order and dangerous drugs na nagsagawa ng isang imbestigasyon sa pager-recruit umano ng mga makakaliwang grupo ng mga menor de edad.

Sa kanyang FB post, sinabi ni Lucena na sina Senador Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Leila De Lima, at Francis Pangilinan ay dapat nang “huminto sa pagtatanggol” sa COURAGE. Sinabi niya:

“[‘]Wag niyo na po ipagtanggol ang COURAGE dahil 52 years (na taon) napo (sic) silang nagkakaron ng operasyon at nakakagulat na hanggng (sic) sa mga panahong ito nakikita namin na kayo ang kanilang mga senador na tagapagtanggol.”

Pinagmulan: Relissa Santos Lucena Personal Facebook Account, Archived: Hinggil sa pahayag ng S.E.N.A.D.O, Abril 7, 2021

Ang post ni Lucena ay na share nang 52 beses, pati ni NICA chief Monteagudo, hanggang Mayo 2.

ANG KATUNAYAN

Ang COURAGE, na itinatag noong Mayo 1986, ay 35 taon nang nakikibaka sa mga manggagawa, hindi 52 taon tulad ng post na ibinahagi ng NICA chief. Ang CPP ang itinatag nang higit sa 52 taon na, noong Disyembre 1968.

Ang COURAGE ay umbrella organization ng mga unyon ng mga empleyado sa mga ahensya ng gobyerno, local government units, state colleges at universities, at iba pa. Ang ilan sa mga affiliated na unyon nito — kabilang ang SENADO — ay nakarehistro din at accredited ng Civil Service Commission (CSC), ayon sa 2015 database ng CSC.

Nakakuha ang VERA Files Fact Check ng isang certified true copy ng General Information Sheet (GIS ng COURAGE mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), na ipinapakita ang pagpaparehistro nito sa ahensya noong 1988 bilang isang non-stock trade union.

Hindi nahirapan ang mambabasa na mapatunayan ang petsa ng pagtatatag ng COURAGE, at nagbigay pa sa VERA Files Fact Check ng mga link na nagpapakita na ang government union ay hindi 52 taong gulang. Sinabi ng mambabasa:

52 years? The moment I saw that I knew the post [was] up to no good … Alex Paul Monteagudo has shared this post, so there. Why do they get simple factual stuff like this wrong? That definitely doesn’t help their credibility when it comes to their major claims.

(52 taon? Sa sandaling nakita ko [ito] alam ko na ang post ay may hangaring hindi maganda … Ibinahagi ni Alex Paul Monteagudo ang post na ito, kaya’t ayan. Bakit ba nagkakamali pa sila sa mga simpleng bagay na madali naman mapatunayan kung totoo? Tiyak na hindi ito nakakatulong sa kanilang kredibilidad pagdating sa kanilang pangunahing mga pahayag.)

Pinagmulan: VERA Files Official Facebook Account, From the messages: reader request, na-access noong Abril 22, 2021

Si Monteagudo, bilang NICA director general, ay isa sa 22 na miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at pinuno ng Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) Cluster nito.

Bago ang insidenteng ito, ang NICA chief ay na-flag ng Rappler, isa ring Facebook third-party fact checker tulad ng VERA Files Fact Check, dahil sa pag-post at share ng maling impormasyon sa social media, kabilang ang isang hindi totoong post na nagsasabing si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago ay binigyan ng award bilang politician of the year ng CPP committee sa London. Ang nonprofit na One Young World na naka base sa London ang nagbigay ng parangal sa kinatawan ng kabataan bilang isa sa mga pulitiko ng taon para sa 2020. Ang One Young World, na itinatag noong 2009, ay may taunang pagpupulong ng mga batang lider sa buong mundo at nagbibigay ng mga award sa namumukod-tanging pulitiko na gumagawa ng positibong kontribusyon sa mga kabataan sa kanilang mga pamayanan o bansa.

Sa paratang sa post ni Lucena, na mas pinalakas pa ni Monteagudo, na ang apat na senador ng oposisyon ay matagal nang dinedepensahan ang COURAGE, ang VERA Files Fact Check ay walang nahanap na opisyal na press release o ulat na makapagpapatunay sa akusasyon.

Ang sinabi nina Senador Drilon, Hontiveros, De Lima, at Pangilinan — na pinangalanan sa post ni Lucena — noong Abril 7 ay isang joint statement na ginagarantiyahan ang SENADO bilang isang “lehitimong unyon ng mga empleyado sa Senado” na matagumpay na nakapag-ayos ng tatlong Collective Negotiations Agreement (CNA) kasama ang mga dating pangulo ng Senado, kasama si Drilon, na humawak ng posisyon ng tatlong beses sa nakaraang dalawang dekada.

Sa kaparehong pahayag, “matinding kinondena” ng apat na senador ay “[ang] red-tagging” ng SENADO at “mahigpit na tinuligsa ang mga opisyal ng gobyerno na nagpapatuloy na lagyan ng label, tatak, alipustahin, at ligaligin ang mga indibidwal at samahan tulad ng SENADO bilang mga kaaway ng estado at subersibo.”

Ang iba pang mga mambabatas, kabilang sina Senador Nancy Binay at Koko Pimentel, na minsang nagsilbing pangulo ng Senado, ay nagpatunay din sa pagiging lehitimo ng SENADO bilang unyon ng mga empleyado.

Sa isang tweet noong Abril 8, sinabi ni Pimentel sa Ingles: “Ang mga opisyal ng unyon ay legit reps ng mga empleyado ng senado. Sinuportahan nila ang aking pagsisikap (noong ako ay [Pangulo ng Senado]) na ‘wakasan ang kontraktuwalisasyon sa serbisyo ng gobyerno.’ Ano ang communistic tungkol dyan?”

Ang kasalukuyang Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na dating kumontra sa mga panukalang ipagbawal ang red-tagging, ay nagsabi sa isang text message sa mga reporter noong Abril 6 na siya “ngayon ay nagugustuhan nang suportahan ang pag criminalize sa red-tagging.”

Nangyari ito ilang araw matapos mag-file si Drilon ng isang panukalang batas sa Senado na naghahangad na panagutin ang mga ahente ng estado, kabilang ang “mga nagpapatupad ng batas, paramilitary, o tauhan ng militar,” na nagre-red-tagging.

Sinabi ni Sotto na “malamang na misinformed” si Monteagudo sa mga tirada na inilunsad at ibinahagi nito tungkol sa SENADO.

He added that he “would have been the first to sense” if there is a basis in Monteagudo’s post since the senator has been in Congress since 1992, the same year SENADO was established.

Idinagdag niya na siya ang “mauunang makapansin” kung may batayan ang post ni Monteagudo dahil ang senador ay nasa Kongreso mula pa noong 1992, ang parehong taon kung kailan itinatag ang SENADO.

 

Mga Pinagmulan

National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Leadership, Accessed April 22, 2021

Courage National Office Official Facebook Page, About Page, Accessed April 27, 2021

SENADO Official Facebook Page, About Page, Accessed April 27, 2021

Senate of the Philippines, Committee Report No. 10, Oct. 1, 2019

Inquirer.net Official Youtube Channel, Mothers of minors recruited by leftist groups turn emotional at Senate probe, Aug. 7, 2019

ABS-CBN News, At Senate hearing, parents lament kids’ recruitment into leftist groups, Aug. 7, 2019

Relissa Santos Lucena Personal Facebook Account, Hinggil sa pahayag ng S.E.N.A.D.O, April 7, 2021

United Nations Office of the High Commissioner, Alternative Report on the Philippines: 27th Session of the Working Group on the Universal Periodic Review, May 2017

COURAGE National Office Official Facebook Page, COURAGE Press Statement, March 14, 2021

Asian Monitor Resource Center, Asia Pacific Labour Law Review: Workers’ Rights for the New Century, 2003

COURAGE National Office Official Facebook Page, PRESS STATEMENT, April 7, 2021

Civil Service Commission, List of Registered Unions, Dec. 31, 2015

Civil Service Commission, List of Accredited Unions, Dec. 31, 2015

Securities and Exchange Commission, COURAGE 2020 GIS, April 27, 2021

Securities and Exchange Commission, About Us: Power and Functions, Accessed May 1, 2021

Monteagudo as NICA chief

Senate of the Philippines, Joint Statement of Senate Minority Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima and Sen. Francis Pangilinan, April 7, 2021

Senate of the Philippines, Ceremonial CNA Signing, Sept. 16, 2013

Senate of the Philippines, Franklin M. Drilon, Accessed April 22, 2021

Senator Nancy Binay Official Twitter Account, I can attest that SENADO…, April 8, 2021

Senate of the Philippines, Resume of Aquilino Martin “Koko” dela Llana Pimentel III, Accessed April 26, 2021

SENADO – Employees’ Union Official Facebook Page, Sen. Koko Pimentel supports S.E.N.A.D.O, April 11, 2021

Sen. Koko Pimentel Official Twitter Account, I have dealt with SENADO…, April 8, 2021

Sotto on SENADO

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.