Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mga viral na gawa-gawang kwento tungkol sa regla PINASINUNGALINGAN

Likas na bahagi ng reproductive system ng babae, ang regla ay nananatiling bawal na paksa sa maraming mga bansa, kabilang ang Pilipinas, hanggang ngayon.

By VERA Files

Dec 10, 2020

8-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Likas na bahagi ng reproductive system ng babae, ang regla ay nananatiling bawal na paksa sa maraming mga bansa, kabilang ang Pilipinas, hanggang ngayon.

Ang mga gawa-gawang kwento at maling paniniwala na nakapalibot dito ay laganap sa buong kasaysayan, na negatibong nakakaapekto sa kalusugan at katayuan ng mga kababaihan sa ilang mga lipunan, ayon sa isang information sheet noong Mayo 2019 ng United Nations Population Fund. Kabilang sa mga kumalat sa Pilipinas ay ang paniniwalang ang babaeng naliligo habang may regla ay maaaring mabaliw o maging baog.

Kamakailan lamang, natagpuan ng VERA Files Fact Check ang pitong mga Facebook (FB) post na may maling pahayag at kwento tungkol sa regla, na inilathala sa pagitan ng Marso 2018 at Mayo 2020. Lahat ay nakakuha ng mga engagement mula sa mga gumagamit ng FB, na sama-samang tumanggap ng higit sa 111,600 mga reaksyon, 83,200 na mga komento, at 389,000 na shares.

Kasama dito ang mga maling kuru-kuro na ang pag-inom ng malamig o carbonated water, pagkain ng buko o pipino, pagtamaan ng isang matigas na bagay sa tiyan, at paliligo at pag shampoo kapag may regla ay maaaring maging sanhi ng mga komplikasyon mula sa isang simpleng sakit ng ulo hanggang sa pagkabaog o cancer pa nga.

Ang mga post ay inilathala ng dalawang gumagamit ng FB, ang mga page na Peace, Uya Pogi, Mr. Advice, at Zynergia – Team Radiance, at ang public group na SAN ROQUE MEXICO, PAMPANGA.

Ang lahat ay napasinungalingan nang mga medical practitioner.

Basahin ang mga sumusunod para madagdagan ang kaalaman tungkol sa bawat pahayag:

Ang buko at malamig o carbonated water ay hindi nakakaapekto sa regla

Ang pag-inom ng alinman sa malamig o carbonated water ay “walang epekto sa siklo ng regla,” sinabi ni Marjorie Santos, pangulo ng Philippine Society of Maternal and Fetal Medicine (PSMFM), sa isang email sa VERA Files.

Ipinaliwanag niya na dalawang magkahiwalay na sistema na “nagtatrabaho [nang magkakaiba] sa bawat isa” ang gumagana kapag ang babae ay umiinom at kapag siya ay nireregla: ang una ay ang digestive system, at ang huli ay ang reproductive system.

“Walang peligro na ang regla ay titigil at ang dugo ng regla ay mananatili sa uterine cavity sa loob ng maraming taon at magiging sanhi ng cancer growths sa pagtagal ng buhay,” dagdag niya sa Ingles, na pinasinungalingan ang mga viral post.

Marami pang mga FB post na nagdadala ng parehong mga pahayag ang pinasinungalingan ng Agence France-Presse (AFP) Mexico noong Oktubre 2019. Sinabi ni reproduction specialist Kiyoshi Macotela Nakagaki na ang pagkain ng buko, tulad ng malamig na tubig, ay “walang kaugnayan” sa alinman sa pagkabaog o cancer, at ang mga viral post ay “walang pang-agham na batayan.”

Ang pagligo o pag shampoo kapag may mens ay hindi sanhi ng pananakit ng ulo

Sinabi ni Santos sa VERA Files na may pananaliksik na nagmumungkahi ng paglaki ng pores ng kababaihan kapag may regla. “Walang katibayan na nagsasabi, gayunpaman, na ang dermatological na pagbabagong ito ay nagpapaigting ng pagpasok ng mga substance sa katawan na maaaring maging sanhi ng mga biological na epekto tulad ng pananakit ng ulo,” idinagdag niya sa Ingles.

Binanggit niya ang isang pag-aaral noong 2006 na inilathala sa Brazil Journal of Medical and Biological Research na nakita na “sa ilang mga sitwasyon sa pag-eehersisyo,” mas maraming pawis ang mga kababaihan sa luteal phase ng kanilang pagreregla — o bago pa magsimula ang regla — dahil sa mas mataas na bilang ng progesterone sex hormones. Sinabi ni Santos na kasama ito ng “bahagyang paglaki ng pore size upang sumingaw ang init.”

Walang sinabi ang pag-aaral tungkol sa pores na maaaring pasukan ng mga substance, tulad ng shampoo, na papasok sa ulo ng babae kapag may regla at kalaunan ay maging sanhi ng pananakit ng ulo.

Ang isa pang gynecologist, si Anais Reyes-Navarro, ang nagsabi sa AFP na ang sakit ng ulo na nararanasan ng isang babae kapag may regla ay maaaring sanhi ng tinatawag na “premenstrual syndrome” o PMS, isang set ng mga sintomas na nauugnay sa pagbabago ng hormone levels. Bukod sa pananakit ng ulo, ang isang babae ay maaari ring magkaroon ng “sensitive breasts, pagbabago ng mood, at pulikat” sa siklo ng kanyang regla.

Pinasinungalingan ng mga dalubhasa at mananaliksik sa isang 2012 manual tungkol sa menstrual hygiene na ginawa ng British non-profit organization na WaterAid ang paniniwala na ang paliligo kapag may regla ay magiging sanhi ng pagkabaog, tulad ng sinasabi sa ilang nagpapalipat-lipat na mga post sa FB. Nakasaad sa manual na ang paliligo sa panahon ng regla ay “kinakailangan” dahil “pinipigilan nito ang pagkakaroon ng impeksyon ng babam.”

Mali ang mga pahayag tungkol sa pipino at regla

“Walang katibayan na nag-uugnay sa pagkain ng pipino sa pagkabaog ng kababaihan,” sabi ni Santos sa Ingles.

Nagpaliwanag si Aloysius Inofomoh, isang obstetrician sa Nigeria, noong Mayo 2019 sa Africa Check fact check article na pinasisinungalingan ang katulad na mga pahayag: “Ang pipino ay isang gulay na, kapag kinain, ay dumadaan sa alimentary canal. Hindi ito nakakarating sa matris. Walang kaugnayan ito sa pagkabaog.”

Inilista ng National Institute of Child Health and Human Development ng United States ang maraming mga posibleng dahilan sa likod ng kawalan ng kakayahan ng isang babae na mabuntis, kasama na ang pagkabigo na mag ovulate, pagkakaroon ng impeksyon, at mga problema sa siklo ng regla o ng reproductive system. Hindi kasama sa listahan ang anumang tungkol sa pagkonsumo ng mga pipino.

Sinabi din ni Santos na ang pipino ay kinikilala ng mga eksperto sa kalusugan sa kanilang maraming benepisyo sa nutrisyon, kabilang ang kanilang mga katangian sa pakikipaglaban sa kanser dahil sa kanilang antioxidant content, at kanilang kakayahang kontrolin ang insulin sa katawan upang maiwasan ang diabetes.

Ang tama sa tiyan ay hindi tama sa matris

Ang mga FB post na lokal na nagpapalipat-lipat ay pinapayuhan din ang mga kababaihan na huwag matumba, mahulog, o matamaan ang kanilang tiyan ng matitigas na bagay dahil maaari nitong masaktan ang matris at maging sanhi ng pagsusuka ng dugo.

Ang tiyan ay nasa upper abdomen, habang ang matris ay nasa loob ng pelvis ng babae na matatagpuan sa ibaba ng tiyan. Dahil dito, sinabi ni Santos, ang pagsusuka ng dugo pagkatapos na matamaan ang tiyan ay malamang dahili ng isang “matinding pinsala” sa tiyan o mga nakapaligid na organs dito, at, “sa karamihan ng mga sitwasyon,” ay hindi sangkot o apektado ang matris at ang iba pang bahagi ng reproductive system ng babae.

Sinabi ni Reyes-Navarro, sa ulat ng AFP, na dahil ang matris ay isang organ na “napapaligiran ng mga bituka, taba, muscle at balat,” isang “malalim na saksak” ang kailangan para masugatan ito.

Sinabi ng mga maling post na ang tama sa tiyan — na sinasabing nakakasi ng matris — ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng ovarian cancer ng babae. Sinabi ng American Cancer Society na ito ay isang gawa-gawang kwento. “Ang pagbagsak, mga pasa, nabaleng buto, o iba pang mga katulad na pinsala ay hindi naiugnay sa kanser,” ayon sa web page ng organisasyon sa frequently asked questions tungkol sa cancer.

Ang mga litrato sa mga viral post ay nagmula sa iba’t ibang mga mapagkukunan

Sa pitong mga viral FB post, anim ang sinamahan ng limang magkakaibang litrato na hinugot mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan.

  • Isang female reproductive system diagram na maaaring nagmula sa Harvard Medical School web page tungkol sa fibroids o non-cancerous growths sa matris;
  • isang collage ng apat na litrato na kinunan habang ginagawa ang operasyon sa pagtanggal ng ovarian cyst noong 2016, na inilathala ng British media na The Daily Mail, The Sun, at The Daily Telegraph at na-credit sa isang Caters News Agency;
  • isang Getty Images stock photo ng dugo sa pagitan ng mga paa ng isang tao;
  • isang litrato ng dugo na dumadaloy sa mga binti at paa ng isang tao, na unang na-upload ng Tumblr account na vermelho que me jorra bilang bahagi ng isang “photographic and collaborative project” na naglalayong “gawing natural at magbigay ng mga bagong kahulugan sa regla”; at
  • isang 2010 Getty Images photo na nagpapakita ng madugong mga paa at damit ng isang Shiite Muslim sa India, na kinunan habang ang hindi kilalang tao na sumali sa isang ritwal ng penitensya habang “panahon ng pagluluksa sa Ashura.”

 

Mga Pinagkunan

United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines, Menstruation is OK: from taboo to acceptance, Nov. 15, 2019

United Nations Population Fund, Menstruation and human rights – Frequently asked questions, May 29, 2020

The Philippine Star, Masama bang maligo kapag may ‘mens’?, May 6, 2001

GMA News, Masama nga bang maligo ang may regla dahil baka raw mabaliw?, Oct. 25, 2019

Personal communication with Dr. Marjorie Santos, Nov. 3, 2020

Agence France-Presse, No, consuming cucumber, coconut or cold water during menstruation will not cause ‘uterine cancer’ or ‘sterility’, Oct. 12, 2019

Garcia, A.M.C., Lacerda, M.G., Fonseca, I.A.T., Reis, F.M., Rodrigues, L.O.C., & Silami-Garcia, E.. (2006). Luteal phase of the menstrual cycle increases sweating rate during exercise. Brazilian Journal of Medical and Biological Research, 39(9), 1255-1261. Epub August 21, 2006. https://dx.doi.org/10.1590/S0100-879X2006005000007

Better Health Channel of the State Government of Victoria, Australia, Menstrual cycle, April 30, 2014

WaterAid, Menstrual hygiene matters, 2012

Africa Check, Busting four false claims about menstruation, cancer and women’s bodies, May 16, 2019

Eunice Kennedy Shriver National Institute of Child Health and Human Development, What are some possible causes of female infertility?, Jan. 31, 2017

American Cancer Society, Questions People Ask About Cancer, July 8, 2020

Harvard Medical School, Fibroids, March 15, 2019

The Daily Mail, Is THIS the world’s biggest cyst? Woman, 24, with ovarian growth weighing the same as TEN BABIES has it removed after it crushes her organs, March 20, 2017

The Sun, ‘IT WAS CRUSHING HER LUNGS’ Woman has massive FIVE STONE cyst removed thought to be ‘world’s largest removed whole’, March 20, 2017

The Daily Telegraph, Woman has five stone cyst removed in life-saving operation, March 21, 2017

Getty Images, Directly Above Shot Of Blood Amidst Woman Standing In Bathtub – stock photo, n.d.

Vermelho Que Me Jorra, “Photographic and collaborative project,” May 27, 2015

Getty Images, Muslims Mark Ashura In Delhi, Dec. 17, 2010

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.