Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Post ni Marcos Jr. na nagpapakita ng malaking audience habang nagsasalita siya sa UNGA nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Marami ang naging tagapakinig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nagtatalumpati sa 77th United Nations General Assembly noong Setyembre 21.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Ang mga video clip na nagpapakita ng malaking audience sa recap ng talumpati ni Marcos na nai-post sa kanyang Facebook page ay maaaring kinunan noong nagtalumpati ang sinuman kanila UNGA president Csaba Kőrösi o UN secretary-general António Guterres. Ang footage mula sa opisyal na Radio Television Malacanang at sa UN television noong nagsasalita si Marcos ay nagpapakitang higit sa 90% ng mga upuan sa assembly hall ay walang tao.

By VERA Files

Sep 27, 2022

1-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Isang video na nai-post sa Facebook page ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Setyembre 22 ang nagpapakita ng mga kuha ng malaking audience sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) habang siya ay nagtatalumpati noong Setyembre 21 (Manila Time).

Panoorin ang video na ito:

Nagsalita si Marcos sa UNGA sa parehong araw na ginunita ng Pilipinas ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ng kanyang ama sa bansa.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Bongbong Marcos official Facebook account, RECAP | September 20, 2022, Setyembre 22, 2022

United Nations official YouTube channel, ?? (English/Français/العربية) General Assembly President – Addresses General Debate, 77th Session, Setyembre 21, 2022

United Nations official YouTube channel, ?? Philippines – President Addresses United Nations General Debate, 77th Session (English) | #UNGA, Setyembre 21, 2022

RTVMalacanang official YouTube channel, Statement at the 77th Session of the UNGA General Debate (Speech) 9/20/2022, Setyembre 21, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.