Binuhay muli ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang isang luma at maling pahayag na ang bakunang Tetanus Toxoid (TT) ay “nilalagyan ng pampabaog.”
PAHAYAG
Sa isang privilege speech noong Okt. 1, sinabi ni Atienza na ang bakuna laban sa tetanus ay may pregnancy hormone na human chorionic gonadotropin (HCG), na sanhi ng pagkabaog at nagreresulta sa pagkalaglag ng bata sa matris.
Sinabi ni Atienza na ang mga alalahanin sa mga bakunang anti-tetanus at Dengvaxia ang dahilan ng mga ina sa hindi pagpapabakuna sa kanilang mga anak:
“…during [the] (sa panahong ang) tetanus toxoid massive vaccination of women of age (malawakang pagbabakuna ng mga kababaihan na may edad) 14 to 44, it turned out as exposed by then (nalantad na noon), ‘yung bakuna nila ay may pampabaog.
Twenty percent of women vaccinated are supposed to be sterilized. That’s their only way to reduce (the) number of Filipinos being born
(Dalawampung porsyento ng mga kababaihan na nabakunahan ay ipinapalagay na nabaog. Iyon lamang ang kanilang tanging paraan para mabawasan (ang) bilang ng mga Pilipino na ipinapanganak).”
Idinagdag niya:
“Before that, outside and in court, we proved our point that there are vials of tetanus toxoid vaccine, innocent women as they are, 20 percent were laced with HCG element, which has no place in an anti-tetanus vaccine
(Bago iyon, sa labas at sa loob korte, napatunayan namin ang aming punto na mayroong mga vial ng bakunang tetanus toxoid, mga inosenteng kababaihan tulad ng mga ito, 20 porsyento ay may elemento ng HCG, na walang lugar sa bakunang laban sa tetanus).
‘Yun po ay pampabaog. ‘Yung mga tinamaan no’n ay hindi na nagbuntis…”
Pinagmulan: House of Representatives, 18th CONGRESS 1st REGULAR SESSION #20 Day 4, Okt. 1, 2019, panoorin mula 13:38 hanggang 15:07
ANG KATOTOHANAN
Ang dalawang-dekadang maling pahayag na ang bakunang Tetanus Toxoid ay may HCG ay hindi totoo at walang batayan. Ang tsismis ay matagal nang napasinungalingan ng maraming pag-aaral at ng mga pandaigdig na institusyong pangkalusugan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang HCG ay hindi kailanman ginamit sa paggawa ng mga bakuna laban sa tetanus.
Ang HCG ay isang pregnancy hormone na karaniwang matatagpuan sa inunan ng isang babae, na lumalabas pagkatapos ng implantation ng fertilized egg sa ikalawang linggo ng pagbubuntis. Nakakatulong din ito sa pagsuporta ng implanted egg sa lining ng matris, na nagpapanatili ng pagbubuntis, ayon sa WHO.
Isang 1995 na ulat ng WHO ang nagpasinungaling sa tsismis na nagsasabi na kapag ang bakunang TT ay ininiksiyon sa mga hindi buntis na kababaihan, isang subunit ng HCG ang kakabit sa bakuna, na bubuo ng isang antibody laban sa tetanus at HCG. Nangangahulugan ito na kung ang itlog ng isang babae ay na-fertilize, ang kanyang likas na nagawang HCG ay masisira, na hahantong sa pagkabaog.
Sinabi ng WHO na ang pananakot kaugnay ng bakunang TT ay nagsimula sa iba’t ibang mga bansa, kabilang ang Pilipinas, nang ang Human Life International ay nagpakalat ng isang kampanya laban sa bakunang anti-tetanus sa internet, na tila nagmula sa isang clinical trial sa India sa pagtatasa ng pagiging epektibo ng isang prototype na bakuna laban sa pagkabaog na may subunit ng HCG bilang isang aktibong sangkap.
“There is no connection between tetanus immunisation programmes and this small clinical trial (Walang koneksyon sa pagitan ng mga programa ng pagbabakuna ng tetanus at ng maliit na clinical trial na ito), carried out in (na isinagawa sa) India in (noong) 1994, and not sponsored, supported, nor executed by WHO (at hindi inisponsor, sinuportahan, o isinagawa ng WHO),” sabi ng pag-aaral.
Ang mga katulad na fact check sa pahayag na ang mga bakuna laban sa tetanus ay nakakabaog ay nailathala ng Snopes, isa sa mga unang online fact checker, at Africa Check, isang fact checking organization na nakabase sa Africa.
Sa isang pahayag na inilabas dalawampu’t apat na taon na ang nakalilipas, sinabi ng WHO na ang mga “nakababahalang ulat” tungkol sa kontaminasyon ng HCG sa mga bakunang TT na kumalat sa mga bansa kabilang ang Mexico, Nicaragua, Tanzania, at Pilipinas, ay “hindi totoo at walang anumang pang-agham na batayan.”
Sa parehong pahayag, sinabi ng WHO sa isang ulat na isinumite ng isang grupong pro-life mula sa Pilipinas tungkol sa isang pinaghihinalaang kontaminasyon ng HCG sa batch ng bakuna laban sa tetanus ay sumailalim sa isang “ganap na hindi naaangkop na pagsubok,” na nagbunga ng maling positibong resulta:
“The summary of these findings is that, without exception, when interpreted by independent laboratory staff, including those in the Philippines that conducted the original tests which started the rumour, all samples of tetanus toxoid vaccine have proved negative for hCG
(Ang buod ng mga natuklasan na ito ay, walang pagbubukod, kapag binibigyang kahulugan ng mga tauhan ng independyenteng laboratoryo, kasama na ang mga nasa Pilipinas na nagsagawa ng orihinal na mga pagsusuri na nagsimula ng alingawngaw, ang lahat ng mga sampol ng bakunang tetanus toxoid ay nagpatunay na negatibo para sa HCG).”
Pinagmulan: World Health Organization, Reports on Contaminated Tetanus Toxoid Vaccine are False, says WHO, Hulyo 19, 1995
Inulit ng WHO ang posisyon nito sa isang pahayag noong 2014 tungkol sa bakunang TT, nang ang parehong maling pahayag ay umikot sa Kenya, Africa:
“WHO is concerned that misinformation circulating in the media about the Tetanus Toxoid vaccine could have a seriously negative impact on the health of women and children
(Ang WHO ay nag-aalala na ang maling impormasyon na nagpapalipat-lipat sa media tungkol sa bakunang Tetanus Toxoid ay maaaring magkaroon ng malubhang negatibong epekto sa kalusugan ng mga kababaihan at mga bata).
The Organization confirms that the Tetanus Toxoid (TT) vaccine is safe. The vaccine has been used in 52 countries, to immunize 130 million women to protect them and their newborn babies from tetanus. There is no HCG hormone in tetanus toxoid vaccines
(Kinumpirma ng organisasyon na ligtas ang bakunang Tetanus Toxoid. Ginagamit ang bakuna sa 52 mga bansa, upang mabakunahan ang 130 milyong kababaihan para maprotektahan sila at ang kanilang mga bagong panganak na sanggol mula sa tetanus. Walang HCG hormone sa tetanus toxoid na bakuna).”
Pinagmulan: World Health Organization, Statement on Tetanus Toxoid vaccine, Nob. 13, 2014
Pinasinungalingan na nina dating health secretaries Enrique Ona at Paulyn Jean Rosell-Ubial ang paulit-ulit na mga maling pahayag ni Atienza tungkol sa TT vaccine sa mga pagdinig sa kongreso at mga briefing sa health budget, ayon sa mga ulat ng GMA News Online at Philstar.com
Mga Pinagmulan
House of Representatives, 18th Congress 1st Regular Session #20 Day 4, Oct 1, 2019
World Health Organization, Tetanus vaccines: WHO position paper, Feb. 2017
World Health Organization, Technical Report No. 471 : Endocrine Regulation of Human Gestation
World Health Organization, Reports on Contaminated Tetanus Toxoid Vaccine are False, says WHO, July 19, 1995, Retrieved Oct. 4, 2019
World Health Organization, TT vaccine controversy by the Catholic Church of Kenya, Nov. 10, 2014
World Health Organization, Statement on Tetanus Toxoid vaccine, Nov. 13, 2014
GMA News Online, Anti-tetanus vaccine is not birth control, DOH clarifies, Oct. 30, 2010
Philstar.com, Tetanus vaccine hindi birth control – DOH, Oct. 31, 2010
Philippine Information Agency, Group brands tetanus vaccines as contraceptives; DOH denies allegations, Oct. 13, 2010
House of Representatives, Plenary Proceedings 17th Congress: Third Regular Session, Vol. 2 No. 22b, Sept. 21, 2018
House of Representatives, 16th Congress, Second Regular Session, Vol. 1, No. 17f, Sept. 24, 2014
House of Representatives, 16th Congress, First Regular Session. Vol 2, No. 21h, Sept. 27, 2013
House of Representatives, Committee Daily Bulletin, Budget Briefing, Vol.1 No. 10, Sept. 6, 2016
Julie Milstien, P David Griffin and J-W Lee (1995), Reproductive Health Matters. Damage to Immunisation Programmes from Misinformation on Contraceptive Vaccines, Vol. 3, No. 6 pp. 24-28, Retrieved on Oct. 2, 2019
Human Life International, Our Mission
Snopes, Is Tetanus Vaccine Spiked with Sterilization Chemicals?, Nov. 10, 2014
Africa Check, ANALYSIS: Why does an old, false claim about tetanus vaccine safety refuse to die?, May 25, 2016
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)