Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: WALANG mutual defense treaty ang Pilipinas at Canada

Isang YouTube video ang nagsasabing pumirma ng mutual defense treaty ang Pilipinas at Canada. Mali ito.

By Celine

Oct 11, 2023

3-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Oct. 5, 2023.)

Isang YouTube video ang nagsasabing pumirma ng mutual defense treaty ang Pilipinas at Canada. Mali ito.

Inupload noong Oct. 2, ang gawa-gawang video ay may pamagat na:

“CHINA UMATRAS NA! PBBM GINULAT NG CANADA! PIRMADO NA GYERA! MUTUAL DEFENSE TREATY AT PERMANENTE EDCA.”

Walang mutual defense treaty ang Pilipinas at Canada. Naglalayon lang ang dalawang bansa na magkaroon ng memorandum of understanding (MOU) sa pagtutulungan sa pagdepensa, sabi ni Canadian Ambassador David Hartman sa isang press conference noong Sept. 30.

Sinabi na noon ng Canadian ambassador na ang MOU ay hindi isang treaty o legally-binding document kundi isang demonstrasyon ng mas maraming pagtutulungan sa information exchange, mga pangmilitar na pagsasanay at capacity building. Samantala, ang mga treaty ay puwedeng ipatupad ng batas.

Noong 2014, ang Pilipinas at Canada ay nauna nang pumirma ng MOU sa pangmilitar na pagsasanay.

Kasinungalingan din ang sinabi ng video na pumirma ang Canada ng kasunduang makipagdigmaan sa China, at binigyan ang Canada ng mga lugar na pangmilitar sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay may mutual defense treaty sa America lang, na pinirmahan noong pang 1951.

Ang kasunduang ito ay nag-aatas sa America at Pilipinas na tulungan ang isa’t isa kung atakihin ng ibang bansa.

Mga sundalong Amerikano lang ang puwedeng madestino sa siyam na lugar ng EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) na nakakalat sa Pilipinas, na alinsunod naman sa isang kasunduang pinirmahan noong 2014.

Hindi suportado ng laman ng video ang sinabi nito sa headline. Nagpakita lang ito ng mga balita ng ABS-CBN, PTV at DZBB. Ang mga balita ay tungkol lang sa kamakailang pagdating ng HMCS Vancouver (barkong pangmilitar ng Canada) bago ang joint naval drill ng Pilipinas, America, Australia, Japan, France at United Kingdom na nagsimula noong Oct. 3.

Dalawa sa balita ang tumalakay rin sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na tanggalin ang mga lumulutang na balakid na itinayo ng China malapit sa Scarborough Shoal.

Ang nagkamaling video ay inupload dalawang araw matapos magsalita ng Canadian Ambassador tungkol sa MOU habang nasa HMCS Vancouver.

Inupload ng YouTube channels na Boss Balita TV at BALITA NI JUAN ang nagkamaling video, na may 66,628 views, 2,242 likes at 329 comments. Shinare din ng mga netizen sa Facebook ang gawa-gawang video.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.