Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang heat index, isang pagpapaliwanag

Ang "heat index" o damang init ay ginagamit upang matukoy kung gaano ang init na kayang indain ng isang tao bago ito maging mapanganib.

By VERA Files

Apr 28, 2023

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga pinuno ng mga eskwelahan na maaari nilang suspindihin ang mga onsite class at magpatupad ng distance modular learning sa halip sa panahon ng “natural disasters” gaya ng matinding init, gayundin ang iba pang “human-induced hazards.”

Sa isang memorandum na inilabas noong Abril 20, isinulat ni DepEd Assistant Secretary for Operations Francis Bringas na ang pagpapatupad ng modular learning sa mga sitwasyong ito ay “sisiguraduhin ang pagpapatuloy ng pag-aaral at ang mga kakayahan matuto at layunin sa pag-aaral ay makakamtam.”

Ang memorandum ay inilabas isang buwan matapos ang 83 estudyante sa Cabuyao, Laguna ay maospital kasunod ng hindi inanunsiyong fire drill na naglantad sa kanila sa araw nang hapong iyon.

Habang nananatili ang pagbabantay ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) sa El Niño, sasagutin ng VERA Files Fact Check ang mga madalas na katanungan tungkol sa heat index:

1. Pareho ba ang temperatura ng hangin sa heat index?

Hindi. Ayon sa PAGASA, ang temperatura ng hangin – na sumusukat kung gaano kainit o lamig ang hangin – ay hindi maaaring masukat nang eksakto ang init na nararamdaman ng isang tao. “Ito ay mas tamang naitataya kung isasama ang datos ng alinsangan o halumigmig,” ayon sa paliwanag ng infographic sa website ng PAGASA.

Sinusukat ng heat index ang apparent temperature na nararamdaman ng katawan ng tao dahil sa hangin at halumigmig. Ang isa pang termino para sa heat index ay “apparent temperarture” at o “damang init” sa Filipino.

Naitala ng PAGASA ang mga sumusunod na temperatura ng hangin at mga heat index sa ilang bahagi ng Metro Manila noong Abril 26:

Lokasyon

Noong Abril 26, ang temperatura ng hangin ay…

Ngunit sa pakiramdam ay parang (heat index)…

Port Area, Manila City32.7℃38℃
Ninoy Aquino International Airport, Pasay City33.9℃40℃
Science Garden, Quezon City33.4℃38℃
Source: Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mga lugar na may mga heat index sa pagitan ng 32 at 41 ℃ na kailangan ng “matinding pag-iingat,” dahil ang pagkakalantad sa init ay maaaring humantong sa mga hear cramps at pagkahapo.

2. Bakit mahalaga ang heat index?

Ang heat index ay ginagamit upang matukoy kung gaano ang init na kayang indain ng isang tao bago ito maging mapanganib. Nagbabala ang isang health advisory mula sa Department of Health (DOH) tungkol sa mas mataas na posibilidad na magkaroon ng mga sakit, tulad ng heat cramps at heat stroke, kapag ang index ay umabot sa matinding antas.

Inuuri ng PAGASA ang heat index sa mga sumusunod na kategorya:

Ang pinakamataas na heat index na naitala ng PAGASA noong 2023 ay 48℃ sa Butuan City noong Abril 21. Ang pagkakalantad sa heat index na ito ay nagiging sanhi ng heat cramps at pagkahapo at pinapataas ang panganib ng heat stroke.

3. Ano ang dapat mong gawin kung ang heat index sa iyong lugar ay umabot sa antas nang pag-iingat?

Ang 1-2 forecast ng heat index sa buong bansa ay makikita sa opisyal na website ng PAGASA. Inilalathala ng ahensya ang pagtataya nito tuwing 5 p.m.

Inirerekomenda ng DOH na limitahan ang oras sa labas at manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at pag-iwas sa kape at tsaa. Sa isang sesyon ng Kapihan noong Abril 26, inirekomenda ni Rosalind Vianzon, hepe ng DOH Health Environment Division, ang pagsusuot ng maluwag, komportableng pananamit at paggamit ng tamang proteksyon, tulad ng sunblock, sunscreen o sunglass, kapag nasa labas.

Sinabi rin ni Vianzon na ang paglangoy ay isang recreational activity na nakatutulong sa pagpapalamig ng katawan. Gayunpaman, pinayuhan niya na iwasan ang paglangoy sa pagitan ng 10 a.m. at 4 p.m. hangga’t maaari dahil ang sinag ng araw ay pinakamalakas sa panahong ito. “At kung sakali, kung meron kang choice na maligo sa may pool na may bubong, may lilim na lugar, mas maganda na doon maliligo,” sinabi niya.

Binalaan din ng DOH ang publiko na mag-ingat sa mga palatandaan at sintomas ng mga sumusunod na sakit na nauugnay sa init:

DOH-Heat Stroke Advisory
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

Mga Pinagmulan

Department of Education Aklan Schools Division, Reiteration of the Implementation of Modular Distance Learning as Provided in DepEd Order No. 037, s. 2022, April 20, 2023

Philstar.com, 83 students in Cabuyao school sent hospital after fire drill under afternoon heat, March 24, 2023

INQUIRER.net, Mayor suspends classes after students hospitalized from heat exhaustion in Cabuyao, March 25, 2023

CNN Philippines, DepEd launches probe after dozens of students fall ill in Cabuyao fire drill, March 24, 2023

Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration, El Niño / La Niña Monitoring, accessed on April 25, 2023

Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration, Highest Actual Heat Index, accessed on April 24, 2023

National Weather Services Southern Region’s Scientific Services Division, The Heat Index “Equation” (or, More Than You Ever Wanted to Know About Heat Index), July 1, 1990

Department of Health official Facebook page, Naiulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang malaking tiyansa na pagtama ng El Niño…, April 18, 2023

Department of Health official Facebook page, DOH #MediaSolusyon Kapihan with Media Partners | April 26, 2023, April 26, 2023

Department of Health, Health Advisory: Heat Stroke, accessed on April 25, 2023

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.