Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na “bilisan ang proseso” sa mga kaso ng mga may sakit at matatandang mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Gayunpaman, naniniwala siya na ang mga nakakulong sa loob ng mahabang panahon ay mas gusto na manatili sa bilangguan dahil sila ay “naging latent homosexual.”
Sa isang pakikipanayam sa media matapos na italaga ang dating Manila City Jail warden na si Gerald Bantag bilang bagong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) noong Set. 17, sinabi ni Duterte:
“Karamihan nila ‘yan ayaw nang umalis kasi may mga lovers (kalaguyo) na ‘yan sila sa loob. At saka ‘yan, ‘yang naka — ‘yang lumabas na 30, 25 years (taon), hindi na maghanap ng babae ‘yan. They have acquired latent homosexuality (Naging latent homosexuals na sila). Wala na ‘yan silang desire (pagnanais) na makipaghalikan ng babae.”
Idinagdag niya:
“Lalaking-lalaki pumasok ‘yan. Paglabas niyan after (makalipas) ang 30 years (taon), 25 years (taon), lalaki ang itsura pero they have (mayroon silang), I said (sabi ko na), acquired latent homosexuality.”
Pinagmulan: RTVMalacanang Youtube, Media Interview-Malacañan Palace, Set. 17, 2019, panoorin mula 12:43 hanggang 14:33
Nauna nang binanggit ni Duterte ang latent homosexuality noong 2017 sa pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Aguinaldo at sa kanyang talumpati noong ika-23 anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Narito ang tatlong bagay na dapat mong malaman tungkol sa latent homosexuality.
Ano ang latent homosexuality?
Ang latent homosexuality ay tumutukoy sa pag-uugaling bakla o tomboy na hindi kailanman ipinahayag nang lantaran o hindi kailanman ganap na kinilala, ayon sa American Psychological Association (APA).
Tinatawag din itong unconscious homosexuality ng The Dictionary of Psychology.
Ang konsepto ng latent homosexuality ay ipinakilala at klinikal na nadokumento ni Sigmund Freud, tagapagtatag ng psychoanalysis, sa kanyang Three Essays on the Theory of Sexuality.
Sinabi ni Freud na ang sekswal na mga hilig, hindi namamalayan mula sa pagkabata hanggang sa kasibulan, ay naiimpluwensyahan ng mga karanasan sa buhay na nakaapekto sa pag-unlad at pagpapahayag ng isang tao.
Maaari bang makuha ang latent homosexuality?
Sabi ni Christian Jasper Nicomedes, psychologist at lecturer ng Masters Psychological Services, ang latent homosexualtiy ay hindi nakukuha; sa halip ito ay “isang chance of influence“:
“Pag acquired (nakuha) kasi, ang connotation is (konotasyon ay), nahawa ibig sabihin, na hindi. Kapag influenced (naimpluwensiyahan), puwedeng magawa nila ‘yong act (kilos) without even being (nang kahit hindi na maging) [homosexual].”
Ayon kay Dr. Ronaldo Elepaño III, isang psychiatrist, ang bawat isa ay may potensyal na magkaroon ng latent homosexualtiy, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang indibidwal ay isang latent homosexual.
“You have to understand (Kailangan mong maunawaan), hindi naman uso ang conjugal visits (na pagbisita) sa (ating) correctional system (sistema ng correctional).
Maybe the homosexual behavior is not necessarily predictive of who they are as a person, but rather brought about the kind of environment they are in (Marahil ang homosexual na pag-uugali ay hindi kinakailangang indikasyon kung sino sila bilang tao, ngunit sa halip ay dala ng uri ng kanilang kapaligiran).”
Sina Elepaño at Nicomedes ay naniniwala na ang hilig ng mga PDL sa parehong kasarian ay dala ng pangangailangan.
Paano natutukoy ng mga eksperto ang latent homosexuality?
Dahil ang latent homosexualtiy ay wala sa kamalayan ng indibidwal, hindi ito matutukoy maliban kung aminin ito ng tao mismo, sabi ni Nicomedes.
Sinabi ni Elepaño na ito ay isang luma nang konsepto dahil mayroon na ngayong pagtanggap sa oryentasyong sekswal ng tao, kumpara sa henerasyon ni Freud:
“[Freud’s] idea then is (Ang ideya ni [Freud] ay) hindi mo siya na-resolve (nalutas) [ang mga isyu] so that spills over to your adult life (kaya’t umabot na sa pagdating mo sa hustong gulang). But (Ngunit)…naging outdated (lipas na) siya kasi nga, now (ngayon), there’s more acceptance of one’s sexual orientation (mayroong pagtanggap sa oryentasyong sekswal ng isang tao).”
Ang isyu ngayon ay mas tungkol sa pinipigilan o nilalabanang sekswalidad — ang “takot na lumabas” o “takot na tanggapin ang sariling pagkatao” — sa halip na hindi alam ang sariling sekswalidad, idinagdag niya.
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, Media Interview-Malacañan Palace, Sept. 17, 2019
RTVMalacanang, 26th Anniversary of the Bureau of Jail Management and Penology (Speech), July 12, 2017
Bureau of Communications Services, Policy Statements* July-August 2017: President Rodrigo Roa Duterte, Good Governance & Anti-Corruption: Do What is Fair Play and What is Only Legal and Right (p.24), July 12, 2017
RTVMalacanang, 23rd Anniversary Celebration of TESDA (Speech), August 30, 2017
RTVMalacanang, President Rodrigo Roa Duterte during the 23rd anniversary celebration of TESDA, Aug. 30, 2017
American Psychological Association dictionary, latent homosexuality
Corsini, R. (2002). The Dictionary of Psychology (p. 1033). Unconscious homosexuality
West, D.J. (1967). Homosexuality: Its Nature and Causes (p.10). Retrieved Sept. 26, 2019
Encyclopedia Britannica, Sigmund Freud, Sept. 19, 2019
Freud, S. (1949). Three essays on the theory of sexuality. Retrieved Sept. 25, 2019
Price, J. (1984). Homosexuality in a Victorian male prison. Mental Health in Australia, 1(12), 3-12. Retrieved Sept. 25, 2019
William Institute, Polarized Progress: Social Acceptance of LGBT People in 141 Countries from 1981 to 2014 (p.27), April 2018
Pew Research Center, The Global Divide of Homosexuality, June 4, 2013
Personal communication with Psychologist Christian Jasper Nicomedes, Sept. 25, 2019
Personal communication with psychiatrist Dr. Ronaldo Elepaño III, Oct. 18, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)